YL Chapter 6

20 1 0
                                    

Hanggang maihatid ako sa amin ni Reveus ay wala ako sa sarili ko. Ang naaala ala ko lang sa sinabi niya ay wala na muna ulit akong gagawin at tatawagan nalang niya ako kapag mayroon na.

Nang nakarating ako sa kwarto ko ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sinong tumatawag at Nakita kong si Clark iyon. Agad kong sinagot ang tawag at humiga sa kama.

"Hi hon."

"Hello. Kumusta ang work?"

"Okay lang Hon. I miss you already. If I could just go home right now."

Halata sa boses niya ang lungkot.Lalo ko tuloy siyang namiss. Nangamusta si Clark sa kalagayan ko ngayon, at naikwento ko din ang kalagayan ni Mariel.

"Ayos na ba ang kalagayan niya ngayon? Nagsabi na siya sayo ng problema niya?"

Medyo nagulat ako sa tanong ni Clark sa akin. siguro ay tinuring na din niya itong kaibigan.

"Hindi pa ulit kami nag uusap. Siguro kailangan nya lamang ng panahon. Bibigyan ko siya ng panahon."

tumahimik sa linya ni Clark kaya tinignan ko kung namatay na ang tawag.

"Hello? Clark? You still there?"

"Uhm, yeah i'm still here. Sorry Hon, I'll call you again okay? I miss you hon. loveyou"

Namatay na ang tawag. nanlumo ako nang hindi man lang ako nakapg I love you too sa kanya.

Nagiging weird na ang mga tao ngayon. Pumasok sa utak ko si Reveus. Hindi ko alam kung ganon lang talaga siya o may iba sa kanya.

Nang kinagabihan ay Lumabas ako ng kwarto ko para kumain. Nang nakalabas ako ay Nakita kong hindi ginagalaw ni Mariel ang dinala kong pagkain sa labas ng kwarto niya. Kinuha ko ang tray at dinala sa kusina.

Natapos akong kumain at naghugas na ng kinainan. naupo ako sa sala at nanuod sa TV. Nataon na nasa eksena na may umiiyak na babae at lalaki na tingin ko'y magkasintahan.

Lumabas ang totoo na nagcheat ang lalaki sa girlfriend niya kaya sila umiiyak. Tinanggap pa din siya ng babae at nagyakpan sila.

Napangiwi ako at napailing. Bakit niya tinanggap ang lalaki? If he really love her, Hindi ito mag chicheat sa kanya. Why do people cheat? I don't really know too.

My dad cheated to my mom. At kaya si Clark ang pinili ko, ay dahil alam kong iba sya sa ibang mga lalaki. Iginagalang niya ako at alam kong hindi niya ako sasaktan.

Nagpatuloy ang palabas nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang nakitang si Reveus iyon. tumikhim ako saka sinagot ang tawag.

"Y-yes?"

My gosh Tash! what's with the stuttering?!

"Nothing. You doing something?"

"Wala. Just watching TV"

"Hmmm. what are you watching?"

tumaas ang kilay ko.

"I don't know the title but the guy cheated on his girlfriend."

"Uhuh. You prefer love stories?"

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

"N-no. Uhm wala na kasing palabas at nagpapa antok lamang ako."

"Hmm"

Tumahimik sa kabilang linya at nagsalita ako.

"Reveus, I just want to tell this to someone kase im kind of afraid and worried."

Hindi siya nagsalita pero tingin kong nakikinig lamang siya. Nag patuloy ako sa pagsasalita.

"I think my friend have a problem and she won't open up with me. I don't know what to do anymore."

Napabuntong hininga ako nang maalala ang sitwasyon ni Mariel. I don't know kung kanno ko sasabihin so I tried to tell it to Clark. Pero mukhang busy sya kaya hindi na ako nakapag tanong.

"Minsan nagta try ako na kausapin siya, kaso mailap naman siya sa akin. I don't want to lose her. Siya nalang ang kaibigan ko ditto sa pilipinas at itinuturing ko na siyang kapatid. What should I do Reveus?"

Namumuo na ang luha ko at pinahid ko ito kasabay ng pagbukas ng pinto ng kwarto ni Mariel. Nag tama ang mata naming at nauna siyang nag iwas ng tingin. Nagtungo siya sa kusina at kumain doon. Umakyat na ako at pumasok sa kwarto ko.

Nahiga ako sa kama ko at bumuntong hininga.

"I think your friend doesn't think of you as her friend. Kung totoong kaibigan ka niya ay mapaapagsabihan ka niya ng problema niya."

"Well there are different types of friend Reveus. She's like my sister, and you, I can say that you're a close friend Reveus."

Tumahimik siya at hindi nagsalita. Ganto ba talaga ang magkapatid na ito? Napaka tipid magsalita. Bumuntong hininga ako at nagpaalam na.

"Sige na Reveus. Matutulog nako. Good Night."

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay inilapag ko na sa table ko ang cellphone ko. I'll try again this time."

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa tapat ng pinto ng kwarto ni Mariel at kakatok na sana nang narinig ko siyang umiiyak. inilapit ko ang tainga ko sa pinto at nakinig ng ginagawa niya"

"Ayoko na. Please tigilan mo na ako. That was a mistake. Now, kalimutan nalang natin lahat."

Saglit siyang tumigil at humikbi. siguro'y may kausap siya sa cellphone niya.

"You're the one who's stressing me right now! Pati trabaho ko papakialaman mo! Yon ang bubuhay sa akin kaya wag mo na akong pigilan. at please tumigil kana din. Ayokong dumagdag kapa sa problema ko."

Siguro'y tumigil na ang pag uusap nila dahil hikbi na lamang ang naririnig ko galling kay Mariel. Tumungo ako at nag isip. Tumulo ang luha ko dahil nasasaktan ako para kay Mariel. Tingin ko'y makasintahan si Mariel at nahihirapan siya.

Napabuntong hininga ako at napag desisyunan na umalis na lamang. last na ito, Sa susunod kakausapin ko na talaga siya. Pagbibigyan ko sya ngayon dahil tingin ko'y mahihirapan siyang magkwento ngayon.

Bumalik na ako sa kwarto ko. Naligo ako at nagpalit ng damit. Nahiga ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko para magbasa ng mga mensahe.

Una kong binasa ang message ni Clark.

'Let's talk when I got home. I'm sorry Hon. I miss you'

Napangiti ako ng mapait. Buti pa si Mariel, siya pa ang hinahabol ng lalaki para makausap siya. Samantalang ako, hinihintay kung kelan pwede ulit na makausap ang boyfriend ko.

Sumunod kong binasa ang message ni Reveus.

'I don't want to be your friend. and drop the Reveus. Call me Caleil'

Pumintig ng napaka lakas ang dibdib ko at binasa ulit ang message niya.

'Caleil?'

Nang binanggit ko iyon ay nagtaasan ang balahibo ko at hindi mapigilan ang pag angat ng gilid ng aking labi.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon