Chapter 3 - Circle of friends

8 0 0
                                    

-

Kathlene Pov

Nagsimula na kaming magbilang para sa group activity namin na 'to know each other' daw sabi ni ma'am. And guess what? Kagroup ko si Evan at syempre group din kami ni Abby noh. Nagtaka ba kayo kung pano namin siya naging kagroup eh magkatabi naman kami ng upuan. Well ganto yun,

Flashback

Hindi pa kami nagsimulang magbilang non. Nang biglang nagtaas siya ng kamay.

"Yes Mr.Virgo ?.."tanong ni ma'am sa kanya.

"May I go to the Comfort room Ma'am?." pagpapaalam niya at nang payagan siya ay tumayo na ito.

Nagulat pa nga ako dahil niyaya niya akong samahan ko daw siya. Abah Gago ba siya? Babae Kaya ako tas hello? C.r yun ng boizzz!

Sinamaan ko lang Ito ng tingin at nagcrossed arms. "Mag Isa ka." Matigas kung sabi.

Kaya bigla siyang tumawa at nagsitinginan naman yung mga Classmate ko.

"Just kidding. Ang cute mo kasing mainis eh haha.."tawang sabi niya at kinurot yung pisnge ko at Bago pa ako makapagreklamo ay nagmadali itong lumabas.

"Haystt." Inis kung sambit at hinawakan yung pisnge ko. Huhuh ang sakit ng pagkakakurot niya.

Puputok sana pantog mo! Bwesit talaga.

" Psh. I'm Starting to hate this girl.. " rinig kung sambit ng kung sino at nang tignan ko. It was Villarin. Yes, of course Villarin and her friends.

"Yeah me too.."segunda ng isa at sumang-ayon din yung isa pa.

" Ako din hate ko siya kasi kinakausap siya nang Bago nating classmate. "

Diko nalang sila pinansin at nagsimula na kaming magbilang tas pagbalik ni Evan tapos na kaming magbilang lahat at dahil last siyang dumating pinapili siya ni ma'am kung san daw siya sasali.



Nagsikawayan naman yung iba na sa kanila daw siya sasali.

"Dito ka nalang samin Geo ! "Rinig kung sigaw ni Villarin sa kanya.

Lumapit naman si Geo at huminto sa mismong harap nila.

"Don't call me Geo, were not even close. "Seryosong sabi nito at naglakad papalapit sa group namin.

End of flashback

So ayun ang sama ng tingin sakin ng group nila Villarin at wala naman akong pake.


" Hoy Evan, ang sama mo naman Dapat hindi mo sila pinagsabihan ng ganun.."sabi ni Abby sa kanya.


"I hate being called with my second name. "Maikling sagot naman ni Evan kay Abby.

Kaya biglang tumahimik sandali. Magtatanong pa nga sana si Abby kung bakit pero inunahan na siyang magsalita ni Lovely.


"So guys, magsimula na tayo.." Sabi naman ni Lovely at ayun nga nagsimula na kami.

Yung kagroup ko kasi mga friends ko na except nga lang Kay Evan.


*****


Break time na, at heto kami nasa Canteen.

Naka pila ako ngayon at nasa gitna na ako ng pila nang biglang may sumingit at mismong sa harap ko pa.

Kinalabit ko Ito, at nainis naman siyang tumingin sakin. Kaya napataas ako ng kilay. Wow siya pa may ganang mainis? Just wow.

"What do you want miss? I dont like girls poking me just to be noticed by me.."mayabang na sabi niya.

Wow ang kapal ahh. "Excuse me kuya ha, nakapila kami dito at Ikaw?! sumingit nalang bigla. Your so unfair kuya .."inis kung sabi dito.

Nagsitinginan naman yung ibang nakapila at pati na din yung mga nasa loob ng Canteen.

"Tsk. "Sambit niya at umalis na sa pila.

Tinignan ko Yung lalaki kung san siya tutungo and to my surprise. Patungo siya sa upuan kung san nakaupo si Evan. Yung iba naman niyang kasama ay tinatawanan yung lalaking kakaupo lang. Napatingin ako sa kanya at kumulo naman bigla yung dugo ko dahil ang bwesit naka smirk lang at sakin pa talaga ha. So their making fun of me.


"Miss Anong bibilhin mo?"napatingin naman ako sa nagsalita. Muntik ko ng makalimotan nasa pila pa pala ako at ako na ang susunod.


Dina ako tumingin pa ulit kung san yung asungot na yun kasi nadidistract lang ako. Sa tuwing nakikita ko kasi yung mukha niya kumukulo nalang bigla yung dugo ko. Ewan ko ba kung bakit, Basta kumulo nalang bigla. Aishttt.



Nang makaalis na yung nauna saking bumili ay bumili narin ako para sakin I mean samin pala.


Pagkatapos kung bumili ay bumalik na agad ako sa upuan namin.



"katkat! grabe ka, binili mo ba lahat ng pagkain sa Canteen? Tagal mo kasi..."reklamong sabi ni Abby.

Umupo naman ako at binigay sa kanya yung pinabili niya Sakin. "Oh ayan! Enjoy eating that ha.. pinaghirapan ko yan...."sabi ko nalang dito. Tinatamad kasi akong mag explain eh.



"Oo nga pala KatKat.. sa Anong Club ka sasali ngayong taon? "Tanong sakin ni Dean.


"Same parin.."maikli kong sagot at kinain yung binili ko.


"Ay ganun ba? Ikaw naman Abby? .." baling niyang tanong Kay Abby.

"Ako?" turo ni Abby sa kanyang sarili dahil di siya makapaniwala na siya ang kinakausap nito.

"Ay hindi Abby, yung Burger kausap ko.."sarkastik namang sabi ni Dienne at tinuro yung kinakain ni Abby.

" sorry naman, Ahm ano same din.."pagpaumanhin ni Abby at sinagot yung tanong ni Dienne. Si Lovely at si Arthur naman ay nakinig lang.

Dito kasi sa School namin. May mga Clubs. Math Club, English Club, Filipino Club or Ap Club, Meron din kaming modeling at Dancing Club. At ngayon Sa mga Kaibigan ko nasa Dancing Club kami lahat, may name yung Club namin at yun ay TESAW. Kasali sa TESAW yung modeling. Kaya guys kung gusto niyong sumali Edi mag audition na kayo. Malay niyo dito pa kayo makilala as a talented individual. Oh diba hahahah

*Ringgg *Rinngggg tunog ng bell.

" Guys tara na.." Sabi ni Arthur na naunang tumayo.

Si Arthur lang pala yung nag iisa naming kaibigan na lalaki. Diho siya Barbie. May gusto pa nga siya Kay ano eh.. Secret! Baka sabihin niyo Kay ano eh hahaha.

Nagsitayoan na agad kami at sabay-sabay na bumalik sa classroom namin.

Nahuli ako sa paglalakad at sa baba lang yung tingin ko. Nasa bukana na ako ng pintuan namin ng mabunggo ako sa kung sino. Kaya napataas yung tingin ko. Nagsimula namang kumulo yung dugo ko at padabog na nagmartsa papasok sa room. Tsk bwesit! Ayun na naman yung smirk niya. Nakakainis! Alam niyo na kung sino guys wala ng iba.

Oo siya nga yung asungot na Evan na ayaw daw siyang tinatawag sa second name niya. Geo ! Geo ! Geo ! Bwesit. Ano bang Meron sa second name niya ha! Haystt paki ko ba. Haystt makaupo na nga lang. Nakakainis.

A/N: so ayun guys ang lame hahaha but I'll try my best na gandahan yung flow ng Story. Hehe keep reading ho. Muahh😘

Being In His ArmsWhere stories live. Discover now