Chapter 6 - Modelling audition

5 0 0
                                    

-

Kathlene Pov

Nasa Comfort room kami ngayon except nga lang Kay Mark. Malamang babae ho siya eyste Lalaki. Kaya hindi siya pwede dito.

Dahil maaga kaming pumunta dito sa school syempre nagdala kami ng gamit. Malapit narin mag 9:00 A.M sabi ng instructor namin na every division daw yung audition. Bali yung singing at Dancing ay same time tas ibang oras naman yung modeling parang ganto.

8:30-10:30 A.M is for Modeling only. 30 minutes Break tapos pagka 11:00-12:00 A.M is lunch break na. So pagka 1:00-5:00 P.M is for Singing and Dancing.

Nasa CR kaming apat ngayon nakatambay. Alam niyo bang si Lovely at Abby ay kanina pa nandito. Nong walkout season kasi namin kanina ganto yung nangyari.

Diba si Lovely at Abby yung unang nagwalk-out. Tas sumunod ay si Dienne(Dean po pagkakabasa) tapos ako yung last. Hinanap ko ho sila at nong pagpunta ko ng room namin ay ang naabutan ko lang ay si Dean. Nakatanga lang ho siya, parang lumilipad isip niya. So ayun nilapitan ko siya at nagdesisyon kami na hanapin ang dalawa. Pero mag C-cr daw muna kami sabi ni Dean at Charan. Sa Cr ho namin sila natagpuan nag eemote ang mga loka.

So ayun nagbabalak kami na umalis na dito at bumalik na don sa AVR kasi nagsimula na yung audition for Modeling manunuod kasi kami at yung isa samin may balak na sumali sa modeling. Hulaan niyo kung sino? Hahaha tama kayo.

Si Dienne lang naman walang iba. Hindi naman ho siya masyadong mataba. Mataba-taba lang ganon tas hindi siya qualified. Pandak kasi eh. Oo na mean na kung mean! I'm just saying the truth!

"Guys tara na.. baka wala na tayong maabutan nito eh.."Yaya ko sa kanila.

Bumalik na rin kami sa AVR at grabe ang daming tao, halos mapuno na nga yun eh.. nakisiksik nalang kami hanggang sa tuloyang makapasok.

Pagpasok namin nakita namin yung iba naming classmate at alam niyo ? Nandon din yung group nila Villarin as in nina Mimosa! Haystt Kahit sa kanila kumukulo din dugo ko eh.

Nakita ako ng mga Kasama ni Mimosa at sabay turo at tinaasan pa ako ng kilay.

"Look who's here Mimosa. "Mataray na sabi ni Jelian at nakaturo pa sakin with taas kilay.

Kaya napatingin si Mimosa sa gawi ko at napataas ng kilay. Sabay tingin ng 'What-are-you-doing-here-bitch-look' yung gantong tingin.

Diko nalang sila pinansin at umupo don sa dulo malapit sa mga judges. Syempre manunuod ako eh kaya Dapat Kita ko Yung mga nag peperform.

"Woohh !! Witwiw!! Ang Ganda mo !!" Sigaw ng mga nanunuod nang may lumabas na babae sa backstage at naglakad nang mala model. Malamang modelling audition to eh.

Ako naman ay napapatango-tango dahil Maganda yung pagkakalakad niya and every posture that she makes is incredible. Bagay na bagay sa kanya and her Movements is unique, marunong siyang mag act as a real model. She also has her own style and that's make her unique.

"Anong masasabi mo Kathlene?" Biglang tanong sakin ng instructor namin. Isa kasi siya sa mga judges.

"Ahm po?"Inosente kung tanong. Bakit ba kasi ako yung tinanong?

"What can you say about her?"Tanong niya uli sakin pero ngayon English na ho siya. Grabe sir tagalogin niyo nalang charot.

"She's amazing and her own style is unique.."diretsang sabi ko. Kala niyo magpapatalo ako sa English? Hindi noh.

" Well, your right.. nice judgement.."sabi uli ni Mr. Instructor Lee. (As in Lee jung suk)

Napatingin ako Kay Sir Lee at iniwas agad yung tingin nang mapansin niya akong nakatingin sa kanya. Nahiya naman ako at nag-init mukha ko. Ngumiti ho kasi siya.

Sheyte naman. Nakakahiya. Pinaypayan ko Yung mukha ko gamit yung kamay ko dahil ang init. Nilibot ko din yung tingin ko sa paligid at nahagip ng mata ko yung Lalaking lagi nalang nakasmirk. Kaya iniwas ko din ang tingin don.

My gosh. Kelan pa siya nandito? At nakatitig pa sakin ang ugok. Haystt bwesit.

****

Still Kathlene's Pov

Natapos na rin ang modelling audition kaya ngayon nandito kami sa classroom namin. Lunch break narin kasi at napag isipan namin na sa room nalang kakain. Madami kasing nagbalak na kumain sa Canteen eh at dahil ayaw namin yung masyadong matao Kaya sa room nalang.

Busy ako sa paglalamon nang may Biglang pumasok sa room at nag ingay. Jusko, pati pagpasok nalang sa classroom ay Kailangan ba talagang mag ingay? Natigil ako sa pagkain at nilingon ang maiingay na pumapasok. Nabilaukan ako bigla dahil sa nakita ko.

"Hoy! Mag ingat ka naman sa pagkain dyan. Wala namang aagaw sa pagkain mo.."napatayong sabi ni Abby at hinagod likod ko.

"T-tub-igg..."hirap kung banggit.

"Hoy Art tubig daw.. akin na tubig mo daliii..."natataranta namang sabi ni Dienne Kay Mark Arthur. Nagmamadali namang kinuha ni Mark yung tubig niya sa bag at ibinigay sakin. Ininom ko naman agad Ito at nakahinga ng malalim.

"Hooh..muntik na yun ahh.."sabi ko at ibinalik na kay Mark yung tubig. Inabot naman niya ngunit naunahan siya ni Dienne at ininom 'yon. Pagkatapos inomin ni Dienne ay binalik niya Ito Kay Mark na padabog. Ay hindi pa pala sila bati?

Nalihis ang atensyon ko sa dalawa dahil sa tanong ni Abby. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasabihin ko ba O hindi.

Napatingin ako don sa likod nila at nakita ko si mokong na nakasmirk habang inaayos yung damit niya. Pano ba naman kasi, sila yung maingay na pumasok Kanina habang kasama yung tatlo pang lalaking may mga dalang bag. Hindi sila napansin ng mga Kasama ko dahil busy sila sa pagkain at ako naman Syempre nasa harap ko lang yung pintuan eh Kaya diko maiwasan na di mapatingin don.

"Bat kaba nabilaukan KatKat ha?"tanong sakin ni Abby. Nagsalita naman bigla si Lovely na kanina pa tahimik na kumakain.

"Dahil ata sa kanila," Ngusong Sabi ni lovely don kina Evan at sa mga Kasama nito.

Sabay-sabay naman silang napalingon don at ako tudo iwas tingin. At nang makita nila ay nagmamadali namang tumayo si Mark Arthur at humarang siya sa harap ni Dienne. Ay wow bat Kay Dienne lang.

"Ano ba Mark! Wagka ngang harang!" Inis na sabi ni Dienne at tinulak tulak si Mark para umalis.

Nakita kong napatingin yung mga kasama ni Evan sa direksyon namin at Sabay sabay na nagtakip ng katawan. Ay wow ngayon lang nila kami napansin.

Napalunok ako nang maglakad palapit si Evan sa direksyon namin. Siya yung natapos na sa pagbibihis habang yung iba ay nagmamadaling nag bihis.

Nang tuloyan siyang makalapit sa amin ay tinitigan niya ako at sinabi ang mga katagang nagpapula sa mukha ko.

"Enjoying the view Miss? "Sabi nito sakin at ako naman napatulala. Di ako makapagsalita at parang may nabara sa lalamonan ko. Dahan dahan siyang lumapit sakin habang titig na titig sakin. Uwahh selp umayos ka! Wag ka papaapekto sa mokong nayan.

"How about I show you the view again."mahina niyang sabi at tama lang para marinig ko.

Hinawakan niya yung baba ng T-shirt niya at dahan dahan itong itinaas. Uwahh Lord patawarin niyo po ako sapagkat ako'y magkakasala ngayon.

" Arrghhhhh!!! Fvck! "

-

A/N: Ang harot ni Evan HAHAHA. By the way guys support this story po. Vote and comment!

Being In His ArmsWhere stories live. Discover now