Chapter 10- Planning

10 0 0
                                    

-

~1 week later~

Kathlene Pov

Nakahilata lang ako sa kama ko at wala akong ganang gumalawgalaw Basta tinatamad ako tsaka isa pa wala namang pasok eh kasi sabado naman.

Nag-iisip ako kung ano ba dapat ang maging flow ng events next month. Dumapa ako sa kama at kinuha yung ballpen at Papel na nasa side table ko.

'Acquaintance Party Flow of the event' Sulat ko bilang title at nag isip kung ano ang isusulat bilang laman nito.

"Hmn. May sayawan at kantahan... Ahhh alam ko na."sambit ko na tila kinakausap at sinasang-ayonan yung mga naiisip ko.

No.1 - Introduction: teachers, admins, personnel and others.
No.2 - Acquainting of the students (The Parade)
No.3 - Lunch
No.4 - Performance (Every sections/Strand)
No.5 - Party (Sayawan)

"Ayan, Tapos na rin. Okay na ata to"sabi ko sa sarili at bumangon na sa kama tsaka umupo.

"Maaaa!! "tawag ko kay mama

"Oh bakit?!"sigaw na sagot niya

"Saan ka po?!"tanong ko na pasigaw din.

"Bumaba ka nga dyan at wag kang sisigaw sigaw! Kung may kailangan ka halikan dito at pag-usapan!" Inis na turan ni mama habang nagsisigaw na sa baba.

"Oopss, Galit na si Mudrabells "sambit ko at bumaba na sa kama at sinuot yung tsinelas ko na pambahay lang.

Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan ito. Pagbukas ko ay tumingin-tingin ako sa paligid bago ako lumabas sa pinto ng kwarto ko. Lumapit ako sa hagdanan at sinilip yung nasa baba. Na pa 'Yes' ako ng makita Kong walang tao.

Dahan-dahan akong bumaba na parang ninja na walang nalilikha na ingay O yabag ng paa.

Nang makababa na ako ay tinignan ko yung sala, wala don si mama Kaya dumiretso ako sa kusina. Nakita ko siyang nagluluto ng agahan at dahan-dahan akong lumapit dito.

Nagtago ako ng mapatingin siya sa gawi ko kaya sana ay hindi niya ako nahuli. Nagtagal ako sa pagtago mga 5 seconds lang naman ay tumayo akong muli at dahan-dahan nilapit si mama. Busy parin siya sa pagluluto niya kaya hindi niya ako pansin.

Hehe. Wag kayo maingay ah, gugulatin natin siya. Tignan natin Kong ano ang reaksyon niya. Napahagikhik ako ng mahina at habang nakatalikod si mama ay ginulat ko Ito na ikinatalon niya naman.

"Maa!!" Sigaw ko na ikinagulat niya. Tinapik ko pa yung balikat niya kaya nakatanggap ako ng isang sapok galing sa kanya.

"Ikaw na bata ka, ano ang meron dyan sa kokote mo at naisipan mo akong gulatin ha! Jusko kang bata ka. Pano Kong may sakit ako sa puso ha? Ano aatakihin ako tas ano? Ano gagawin mo ha! Ikaw talaga! "Panenermon ni mana at pinagsasapok ako. Di ko naman akalain na ganto siya eh.

"Uwahh ma! Masakit, sorry na pooo"paghenge ko ng sorry at niyakap si mama.

"Jusko kang bata ka, mana ka talaga sa papa mo! Hay naku jusmiyo ka talaga!" Inis na sambit ni mama pero niyakap ko lang Ito ng mahigpit. "Sorry na po ma, hindi na talaga mauulit. Promise po ma, hindi na talaga"paglalambing ko sa kanya at hinalikan siya sa pisnge. " I love you ma"

Napabuntong hininga nalang si mama at walang nagawa.

"Parehong pareho talaga kayo ng Papa mo, Gagawa ng kalokohan Tapos pagsinita magsosorry tas maglalambing at Ito naman ako walang magawa. "Sabi ni mama na may inaalala.

"Ano ka ba naman ma, nandito ako tsaka isa pa hindi ako si Papa ah. Anak moko ma, na Mahal na Mahal ka.." masayang sabi ko at niyakap siya uli.

Yumakap naman pabalik si mama at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Being In His ArmsWhere stories live. Discover now