A/N: Beware of Grahams my dear Cuties! Enjoy reading. Mwuaps
-
Kathlene Pov
Nakalapit na ako Kay Sir Lee at nasa harap na nga niya ako. Nakaupo kasi siya ngayon habang tumitingin tingin sa list ng mga sasali sa TESAW.
"Ah, sir Lee? Bakit niyo po ako tinawag?"magalang Kong tanong sa kanya na ikinaangat niya naman ng tingin.
"Well, I like your performance kanina. You dance well. "Kommento nito. Na napapatango pa.
"Is that a compliment sir? "Napatawa namang tumango si Sir. "Thank you po Sir" pagpapasalamat ko at nagbow.
"What's your plan?" tanong niya agad na nakatingin uli sa listahan. Nagtaka naman ako, plano saan ba? "Para saan po Sir?" Napaangat ang tingin ni sir at ngumiti.
"You seem confuse, what I mean is your plan for the upcoming Acquaintance Party." Napatango-tango naman ako sa sinabi ni sir. Kala ko kasi Kong ano. "Ahh, yun po ba Sir. Ako na po bahala Sir, gagawa po kami ng Event na gaganapin sa mismong araw na yun. We were planning for the flow of the event po kasi Sir."mahabang litinya ko. Napatango naman si Sir.
"Okay, that's good. So I'll expect your work. Let me know what's the event flow, okay?" Ngumiti naman akong napatango. "Yes po Sir, mauna na po ako" pagpapaalam ko dito at umalis na.
Naglakad ako pabalik sa pwesto Kong san sina Abby, Lovely at nong dalawang itlog ngunit iba yung naabutan ko. San yun sila? Nang Iwan ba naman. Pochi naman oh.
"Hey, you are Kathlene right?" Kalabit sakin ng kung sino at pagharap ko ay siya namang pagtanong niya. " Ah Oo, ako nga. Bakit?"
Nakangiti lang Ito sakin at inilahad yung kamay niya.
" We are classmate right? So nice to know you.."ngiting sambit niya. Nagdalawang isip naman ako kung tatanggapin ko ba yung kamay niya.
Jusko Kathlene, it's just a handshake. Walang mawawala sayo Kong makikipagkamay ka sa kanya.
Ngumiti rin naman ako at tinanggap na yung pagkakamay niya. "Same here"sabi ko dito.
"Angelie ka diba?"balik tanong ko.
"Yup, sorry if ngayon lang ako nag approach. I was shy kasi eh.."malumanay na sabi niya. Alam niyo ba, siya yung tipong babaeng di makabasag pinggan at parang Anghel yung kagandahan. Inosente kung tumingin at malambing ang rinig. Hays she is so perfect for me.
-Fast forward-
Naglalakad ako mag isa sa hallway habang tingin tingin lang sa paligid. San ba kasi yung mga bruhang yun? Umakyat ako sa hagdan at nagbabakasakali na nandon sila sa pupuntahan ko.
Pagkarating ko sa second floor ng school ay nandon yung library. Library namin ay may kalakihan, pagpasok mo palang ay may madadatnan ka agad na tagabantay at may Taga bukas din ng pinto.
Lumapit ako don sa isang table na may nakalagay na logbook. Binuksan ko Yung libro at hinanap section namin. ABM section 1. Aha! Nandito pala sila, kita ko kasi pangalan nila don Kaya chineck ko din ang time. Bago pa sila nakacheck-in. 5:20 pm.
Pagkatapos Kong mag check-in ay tuloyan na akong pumasok at hinanap sila. San ba matatagpuan yung mga yun?
Dumiretso ako don sa mga Fiction, Fantasy at iba Ibang genre ng book baka kasi nagbabasa sila don. At hindi nga ako nagkamali. Ang tahimik nila ha, at kanya-kanyang hawak pa ng libro na babasahin. Lumapit naman ako sa kanila at kumuha ng Libro na babasahin din. Girl in pieces by Kathleen Glasgow. Nakiupo narin ako at sinimulan na iyong basahin.
"KatKat? Andito ka?"Tanong sakin ni Abby. Wow ah, now lang niya ako napansin.
Napatingin din yung iba sakin. At gulat ang hitsura nila.
"Kakarating mo lang ba?"tanong naman ni Lovely.
"Ay hindi, ngayon palang."sarkastikong sabi ko.
"Kanina ko pa kayo hinahanap at dito ko lang pala kayo matatagpuan. Iniwan niyo pa ako, Tapos ngayon di niyo pansin presensya ko? Kakatampo kayo ah.."Nagmamaktol na sabi ko at nag cross arm.
Nag peace-sign naman sila. "Sorry na Katkat, sila kasi eh nagyaya na sa library ka nalang namin hihintayin."pagpaumanhin ni Abby at nag explain pa sabay turo sa dalawang itlog Kaya tinignan ko Ito. Nag wave naman sila ng kamay at nakangiti naman si Ian habang nagw-wave.
"Okay fine, napatawad ko na kayo pero pansin ko lang. San si Dienne at si Mark?"takang tanong ko. Kanina ko pa napapansin na wala lagi yung dalawa, baka may sarili na atang mundo?
"Ah, yun sila oh" turo ni Lovely don sa kabilang side ng library. Dalawa kasi yung library dito samin. For junior/senior highschool at kami ay nasa College na library. Mas malaki kasi dito eh at konti lang tao habang doon ay marami.
Marami kasing Junior high na tumatambay don eh, bukod kasi sa may free wifi may parang mini park pa don pwedeng humiga,umupo,tumihaya at ano pang gusto mo. May unan kasi na nilagay at higit sa lahat may Aircon.
Dito sa College Library ay may Discussion room at may saksakan ng Laptop, may E-library kung saan nandon yung computers for research or for searching. Madami ding tumatambay ditong criminology Kaya mas bet ko dito. Ahehe Charot lang, mas okay kasi dito eh.
"Ouy si Evan oh," banggit ni Abby na ikinalingon ko. Nasa entrance sila at kakapasok lang, kasama niya uli si Angelie pati na din barkada niya. Mukhang ang close na talaga nila ah.
"Grabe, ang close na nila ah. Kanina pa naman sila nagkita at nagkakilala ah." Takang tanong ni Abby. Napatingin naman si Lovely don sa gawi nila.
"I think they know each other na at feeling ko may something sa kanila."conclusion ni Lovely at bumalik na sa pagbabasa. Nawalan naman ako ng ganang bumasa sa libro na hawak ko at nangalumbaba sa upuan.
Naramdaman Kong may umusog na upuan pero di ko Ito pinansin. Instead, ay nagmukmok nalang ako.
"Kathlene?"tawag sakin ng kung sino Kaya nilingon ko Ito. Napagtanto Kong si Kyle pala ang tumawag sakin.
"Oh Bakit?" Patanong Kong sabi.
"May gusto kaba Kay Evan?"tanong niya na ikinailing ko naman agad. "Why would I? Sino ba siya para gustohin ko? Like duh wala siya sa kalingkingan ng standards ko noh.."sagot ko sa tanong niya.
"Ayan kayo sa standards niyo eh, pano yan ganto lang kami. Kaya siguro wala kang Jowa dahil mataas standards mo. Nahiya ata yung Lalaking magkagusto sayo dahil alam na nila na hindi sila pasado."Sabi niya na parang alam niya kung Anong gusto ko sa lalaki.
"Paki mo ba, yan si Abby oh kausapin mo."sabi ko nalang dito at nahilata sa upuan ko na parang lugmok na lugmok.
"Sungit"huling sabi ni Kyle at nakipagtitigan na lang Kay Abby.
"Tinitingin-tingin mo dyan" mataray na sabi ni Abby na umiwas sa pagtitig.
Napailing lang ako at naghimutok uli.
-
A/N: See ya soon cuties! Till next time hehe
CuteDNA
YOU ARE READING
Being In His Arms
Ficção AdolescenteThere is a girl who named Kathlene Rose Babayson who is an Independent girl and a good friend to be with but sometimes a freak, maattitude din minsan. Yung Akala mo tahimik pero Madaldal pala. Yung Akala mo mabait pero mataray pala. Yung Akala mo w...