-
Her PoV
*Knock* knock *Knock*
"Nak! Nak! Gising na may pasok Kapa! "Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko habang kinakatok yung pinto ng Kay lakas. Help! Sisirain niya na po pinto ng kwarto ko T_T
6:25 A.M pa lang naman pagtingin ko sa wall clock ng kwarto ko kaya iidlip muna ako saglit.
"Maaa 5 minutes lang ! maaga pa naman ehh! "Sigaw ko pabalik at nagtalukbong ng kumot at pinikit mata ko.
Kung kailan lumalim na yung pagkakatulog ko ay tsaka naman nambulabog uli si mama. Sa ngayon hindi na Katok kundi sipa na. Black belt pa naman sa taekwondo si mama.
"Babangon ka dyan O buhusan kita nang malamig na tubig! "sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko at Sinipa yung pinto. Ngena naman ouh! Muntik na masira yung pinto besh! Nagcreck bigla eh.
Pero dahil sa antok ko hindi ako nakinig at nakapikit parin ang mata ko. Hayaan na si mama ipapaayos ko nalang yung pinto pag nasira.
"isa, dalawa-- ,Kathlene binabalaan kitaa bangon na dyan!.."sabi ni mama habang nagbibilang na at dahil sa antok parin ako ay nagbibingihan lang ako. Ngunit napabalikwas ako sa kama ng tinawag na ni Mama ang buo kung pangalan. Nahulog pa nga ako sa kama dahil sa lakas ng sigaw niya.
"KATHLENE ROSE BABAYSOOON !!!!! humanda ka saking bata ka!!.."Galit na galit ng sigaw ni mama. Kaya ayun tumayo ako sa papag at nagmadaling lumapit sa pintuan.
Gosh! Muntik na masira eardrums ko dun ah. At dahil no choice ako ay bumangon na ako at kinusot yung mata ko.
Tumayo ako at nagsimula ng lumakad palapit sa pinto at pagkabukas ko ay napatili ako ng Kay lakas-lakas. Alam niyo kung bakit? Sinabuyan lang naman ako ni mama ng malamig na tubig.
*Splaaasshhhhhhhhhh*
"Kyaaaahhh ahhhhh Ang lamiiigggg! " Tili ko at niyakap ang sarili.
Tinignan naman ako ni mama ng Masama. " Sabi ko sayo diba.."sabi ni mama na nanggigigil na sabay Kurot sa tagiliran. "Arayy po maaa, masakit.."daing ko.
" Masakit ba? hampasin Kita dyan ehh.. " sabi ni mama at hahampasin sana ako. "Ehh maa.."reklamo ko. Kaya ayun nagroll-eyes nalang si mama.
"Hala Sige at maligo kana. Bilisan mo at malate Kapa." Huling sabi niya sabay walk out.
Nagpunta naman ako sa C.R at para makaligo na.
*****
Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na agad ako at pumuntang kusina para magbreakfast.
"Oh nak baon mo. "Sabi ni mama sakin at binigyan ako ng pera. Kinuha ko naman Ito at nag thank you.
habang kumakain ako ay biglang nagVibrate yung cellphone ko at may natanggap akong new messages.
Inopen ko ito at binasa.
from Abby: Wouyy Kathlene ! Where na u? Punta kana dito sa school... daliiiii !!
To Abby: Wait moko sa gate ng school natin.
Reply ko sa kanya.
Tumayo ako at ininom yung tinimplang gatas ni mama at lumapit sa kanya.
" Maa Alis na akoo, late na ako.."pagpapaalam ko kay mama at hinalikan siya sa pisnge.
*****
Lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil 7:55 na at ilang minute nalang ay male-late na talaga ako 8:30 pa naman start ng klase namin.
Malapit lang kasi yung School namin sa bahay mga 20 minutes lang pagnaglakad papunta dito kaya ang ginawa ko ay lakad-takbo para hindi ako malate total malapit na ako sa Gate ng school namin at konting takbo at kembot nalang ay makakarating na ako.
At ayun nga nakarating narin ako sa wakas at halos habol kona ang hininga ko. Nag inhale at exhale muna ako Bago maglakad papasok sa school namin. 3times ko itong ginawa at sa pang huling exhale ko ay sumigaw ako.
"Hoooooh!!!" Sigaw ko.
Buti nalang at wala masyadong tao at wala din ang guard dito. Kundi isang kahihiyan yung pag sigaw ko.
Nilibot ko ang paningin ko at wala akong nakitang Abby na naghihintay sakin sa gate.
'Bakit wala pa yun?' sa isip-isip ko.
Nagsimula nalang akong maglakad at baka di yun dumating aasa lang si ako niyan. Sakit pa namang Umasa sa wala hayss.
*Buzzzzz*buzzzzz* tunog ng vibrate ng cellphone. Aytt epal tong cellphone ko kitang nagdrama pa ako dito eh. Hmp.
Napahinto ako sa gitna ng Daan dahil sa nagvibrate nga yung phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at babasahin na sana yung message nang biglang.
*Beeeppp* Beeeppp*
" Ay kabute! "Gulat kung sambit at muntik ng mahulog yung cellphone ko sa gulat. Kaya nagmadali akong tumingin sa likod.
May nakita naman akong kotseng itim na paparating at nakahinto na ngayon. Tinignan ko yung driver seat pero diko makita kong sino yung hinayupak na driver na yun. Muntik na kasi ako don. ahh Mahal ko pa Buhay ko! Tsaka wala pa akong jowa tas sasagasaan lang ako ng ganun nang kotse nato. Buset! Pasalamat siya mabait ako. Ayaw niyo maniwala? Pwes bahala kayo dyan.
Biglang bumaba yung isang window ng kotse at sa mismong driver seat pa,kaya napatingin ako don at oh my gulay! Lord is he the one?Siya naba si Mr. Right ko? Napatulala ako saglit dahil sa nakalabas na ulo ng isang lalaking napakagwapo sa bintana ng kotse.
'sheyte ang gwapo niya, hulog ba siya ng langit?' sa isip-isip ko.
"Get out of the way!" Inis na sigaw nito at umandar na. Kita ko pa nga sa mukha niya yung inis eh. Ay bad mood ka teh?
Tumabi na ako sa Daan at nang dumaan yung kotse niya sa gilid ko ay Nakita ko Yung mukha niya ng malapitan. Sasambahin ko na sana yung gwapo niyang mukha nang marinig ko yung sinabi niya.
"Tsk. Stupid girl. "
Don na ako natauhan. Ano daw? Stupid ako? Dahil sa pinakaayaw ko yung tinatawag akong stupid ay inis ko itong dinuro.
" Hoy gonggong!! Sinong stupid satin ha! Muntik mo na nga akong masagasaan at ako pa ang stupid?! " Gigil kung sigaw don sa papaalis na kotse. Eh sa inis ako eh.
"Pasalamat ka Gwapo ka. "Huli Kong sabi.
"I know that I'm handsome !thanks but you're still stupid !" Sigaw niya pabalik. Nakakainis ! Narinig niya pa yung huli kung sinabi? At stupid parin daw ako?!
"Haystt nakakainis! Aarrghhh!"inis kung sabi at pinanggigilan yung hawak kung cellphone.
Yumoko ako at kukuha sana ng bato para sana batohin yung sasakyan na yun kaso may tumawag sakin Kaya ayun nilingon ko.
"Kathleneee!! " tawag sakin ng super duper kanina ko pang hinintay na si Abby. Akala ko ba andito na siya sa school Kaya nga ako nagpahintay sa gate eh.
Napasapo nalang ako sa noo ko. Oo nga pala late comers rin pala to. Hayss.
Nang makalapit siya ay hinablot na agad niya yung kamay ko. Grabe hindi man lang niya ako hinintay na makapagsalita at magreklamo dahil ako pa yung naghintay sa kanya sa gate imbes na siya.
"Kathlene, bilisan mong tumakbo ! Bagal bagal"sigaw niya sakin habang hila-hila niya kamay ko at tumatakbo.
"Ano to? marathon? Kasi paunahan at pabilisan ng takbo ganun." sabi ko sa kanya at don ko lang narealize na late na pala kami. Hay naku.
To be continue...
YOU ARE READING
Being In His Arms
Novela JuvenilThere is a girl who named Kathlene Rose Babayson who is an Independent girl and a good friend to be with but sometimes a freak, maattitude din minsan. Yung Akala mo tahimik pero Madaldal pala. Yung Akala mo mabait pero mataray pala. Yung Akala mo w...