Miley.
Limang taon na ang nakakalipas. Pabalik na ako ng Pilipinas. Hindi ko alam na ganito pala ka-satisfying umuwi na may ipagmamalaki ka na rin.
Today, I am Miley Min Cuaresma. The owner of M Clothing Line and also 23 years old and still single. Yes, I stayed single for the last 5 years.
I've never thought that I wouldn't be able to replace Hance inside my heart. Jaeden is right. I regret leaving him. I could've asked him to wait for me but I choose to not make him wait.
Masaya ba ako ngayon? Oo masaya ako kasi ito na. Abot ko na ang pangarap ko. Proud na proud sa akin si Mom and Dad at ang kakambal ko ay unti-unti ko nang nakakasundo.
Yes another achievement ko ang pagiging close namin ni Audrey. Ganon siguro kapag nagmamatured ka na. Umuwi ako ngayon dahil excited akong makilala ang boyfriend ni Audrey.
Arrange marriage sila actually. Malapit na silang ikasal but they've been dating for only a month and half now. She never told me the name of the guy since it's a surprise.
I wonder who is it. Si Audrey, walang kaalam-alam na nagkaroon ako ng boyfriend noon. Si Audrey kasi puro aral lang. Hmp, I wonder kung magaling din pumili ng lalake ang kakambal ko since proud ako na gwapo si Hance noh! Sobrang gwapo.
I saw his latest pics on his IG. Sobrang nakakaproud kahit side view lang kasi ang ganda na din ng body built niya ngayon. Lumaki iyong katawan niya magbe nag-gygym na din.
He's already 24 now. Kamusta na kaya siya? Kamusta na din kaya iyong kambal niyang nga kapatid? I heard graduating na sa college ang mga iyon.
I was patiently waiting when suddenly my phone beeps.
From: Sis Audrey
Hey sis, we're here. I'm with hon.
Namilog ang mata ko sa text ni Audrey. What? She's with her fiancé? Omo! Mapapaaga pa ang pagkikita namin ng hon chuchu ni Audrey.
"Miley!"
Agad akong napalingon sa boses na iyon. Tama nga ang hinala ko, nandito na si Audrey. Agad akong kumaway sa kaniya at nagulat ako nang tawirin niya ang pagitan namin at agad akong niyakap nang mahigpit.
Napatulala ako at agad na napangiti.
"Welcome back, Miley." Aniya at ngumiti.
Nagpasalamat naman ako sa kaniya at luminga-linga para hanapin ang sinasabi nitong fiancée niya.
"Wala pa siya. Nag-park siguro ng sasakyan pero parating na." Naniniguradong sabi sa akin ni Audrey.
Nagkamustahan kami ni Audrey habang wala pa ang hinihintay namin. Napapangiti ako kasi sobrang saya niya habang nagkwekwento. Noong una daw away sila ng away ng fiancé niya kasi hindi nila matanggap na pinagkasundo sila but Audrey said napaka-tiyaga daw nung lalake. Kahit ilang beses niyang ilayo, bumabalik pa rin. Audrey fell for his attitude. Sobrang bait daw.
Hindi ko maiwasan na ikumpara ang lalakeng iyon kay Hance. Si Hance din. Ganon na ganon siya sa akin noon. Sobrang bait at napaka-maunawain. I wonder kung ganito din ba sana kami kung hindi ko siya iniwan.
What if hindi 'di ba? Baka ikakasal na din kami.
Pinakamaling ginawa ko ay ang pakawalan si Hance at ang hindi siya balikan sa madaling panahon. Naunahan ako ng kaba at takot na baka ipagtabuyan niya ako dahil sobra ko siyang nasaktan noon kaya pinili kong tapusin ang limang taon ko sa Paris bago bumalik dito.
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Short StoryHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...