Chapter 4

322 18 1
                                    

Miley.

   "May alam ka ba?" Iyon agad ang bungad ko sa kaniya. I heard him sighed on the other line.

  "So nakita mo na si Hance?"

  Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita ngayon. I'm even sad to utter his name.

   "What happened when I'm away, Jae? Bakit naman ganito? Bakit hindi mo pinaalam sa akin na si Hance pala ang fiancé ni Audrey?" Puno ng hinanakit na tanong ko sa kaniya. How could he call himself my bestfriend kung ganito na hinayaan niya akong magmukhang walang alam habang nasa ibang bansa?

But I can't get angry at him. In the end I have to blame all this mess to myself. Ako ang umalis. Ako ang nakipaghiwalay. Ang hirap lunukin ng katotohanan pero wala akong magawa kundi tanggapin ang resulta ng katangahan ko.

   "I'm sorry. Wala ni isa sa amin na malapit niyong kaibigan na may alam sa relasiyon niyo na ipaalam ang nasa nakaraan niyo ni Hance."

  Kumunot ang noo ko. So may purpose naman pala kung bakit nila itinago. Napangiti na lamang ako nang mapait.

  "Kakausapin ko si Hance kahit bahagya akong naguguluhan kung bakit hindi niya ako magawang sumbatan. Noong makita ko siya parang nakalimutan na niya ako at ang kasalanan ko. Hindi ko nga alam bakit ganon ang inaakto niya. Pwede naman niya akong sumbatan dahil nakahanda na ako doon."

  "Maybe he had already moved on from his feelings for you. And Miley, don't be shocked on this..."

  Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko. Why? May hindi pa ba ako alam maliban sa pagiging mag-fiancé ng ex ko at ng kakambal ko?

"What is it, Jae?" Kinakabahang tanong ko.

"M-May amnesia si Hance. Please, hayaan mo na siya. Just let him go including his memories with you. I don't want to blame you for what happened at him but it seems like that, Miley. Naaksidente si Hance noon dahil sa'yo."

  Nanghina ang tuhod ko sa narinig ko mula kay Jae. Agad kong pinatay ang linya at napailing.

  This is all my fault.
 
  Tama lang pala na hindi na ako maalala ni Hance. Masaya na siya ngayon at hindi na niya ako kailangan.

   All this time akala ko nagmamaang-maangan lang siya para paghigantihan ako ngunit hindi. Inosente si Hance sa mga kilos niya at ako lang itong umasa na may babalikan pa ako.

   Only to find out na iba na ang Hance na nakaharap ko kahapon. Hindi na siya ang Hance na minahal ko. Si Hance pa rin naman siya pero pag-aari na siya ng iba. Hindi na siya sa akin. Wala na sa akin.

  Nadatnan ko sila Mom and Dad na masayang kumakain ng breakfast kasama ang kakambal ko.

    She's shining. Halatang sobrang saya niya habang nagkwekwento kila Mom and Dad kung anong nangyari kahapon sa dinner niya with Hance's family.

  "Good morning." Pilit na ngiting bati ko sa kanila.

   Agad silang napalingon sa akin at mas lalong lumawak ang pagkakangiti ni Audrey. Nairita ako dahil sa inggit. Ang saya-saya niya samantalang ako ay nadudurog ngayon.

  "Hello, Miley. How's your sleep? Nakakamiss ba sa kuwarto mo? Ako nagdecorate niyon." Nagmamalaking sabi sa akin ni Audrey.

  Ang bigat ng dibdib ko dahil sa sinabi niya. How could I get angry at her? She doesn't know anything. She's innocent.

  "It's nice." Umupo ako at naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Good to know, sis. Namiss kita sa bahay na ito. Pwede ka ba mamaya?" Biglang tanong niya.

  "Hmm? Susubukan ko sanang i-meet iyong mga kaibigan kong babae noong high school ngayon."

  She seems disappointed by it but since she's Audrey, ngumiti pa rin siya sa akin na parang sinasabi na okay lang.

  "Bukas. Save the date tomorrow. Tayo naman ang mag-bonding."

  Binitawan ni Mom ang hawak niyang kubyertos at tumingin sa akin.

  "How about you postponed your date with your friends and just spend it with your sis?" Suhestiyon ni Mommy.

  Napamaang si Audrey bago bumaling sa akin.

   "Okay, fine. I'll cancel it." Sumusukong sabi ko at napangiti si Audrey.

  "You're the best, Miley. Thank you."

  I sighed and smiled at her.

Tama ang hinala ko. Nang maghapon ay dinala ako sa Mall ni Audrey para doon magkaroon kami ng bonding sa pagsho-shopping mga sapatos.

   Yes, sapatos at mga bags ang binili naman. Dresses aren't included since marami akong inuwinh damit para kay Audrey na sarili kong design ang lahat ng iyon.

   Bago ako umuwi ay excited na excited pa ako na makita si Audrey na suot-suot ang damit na iyon. Ngayon ay puno nang lungkot ang dibdib ko kahit na dapat masaya ako.

  "Miley, okay ka lang?" Biglang tanong ni Audrey sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kaniya.

   Napapikit ako at pilit na ngumiti sa kaniya para hindi siya mag-alala. "Ayos lang. Pagod lang siguro talaga ako. Lalo na kahapon lang naman ako umuwi."

  Namilog ang mga mata ni Audrey sa sinabi ko. "Hala, sorry. Daat pala nagpahinga ka na lamang muna."

   Inabot ni Audrey ang pares ng sapatos sa sales lady at tumingin sa akin.

  "Uwi na tayo, Miley?" Tanong niya.

  Umiling ako. Mukhang nag-eenjoy si Audrey na kasama ako ngayon. I don't want to spoil her happiness so I'll stay. I'll stay kahit na bahagyang nasasaktan pa rin ako.

   Maya-maya pa ay napadaan kami sa accesories. Naagaw ng pansin ko ang isang korona. Makinang ito at mukhang mamahalin.

   "Look, remember our 9th brithday?" Tanong ni Audrey sa akin habang nakatingin din doon.

  Napatango naman ako. "Our 9th birthday where we wear the same crown."

   Napangiti si Audrey. "We're wearing the same dress that time and I can't help but to feel proud at you, Miley. Magkamukhang-magkamukha tayo ngunit magkaibang-magkaiba."

   Nangilid ang luha sa mga mata ni Audrey.

  "Hindi mo lang alam pero nalungkot ako noong birthday natin na iyon."

   Nagtataka ko siyang tingnan.

  Pilit siyang ngumiti. "Sabi nila, magpicture tayong dalawa at bigyan mo ako ng kiss sa pisngi but remember what you did?"

   Natigilan ako sa kaniya at pilit na inalala ang nangyari noon.

   "You shouted at me saying, 'I don't like to kiss, Audrey. I hate her.'"

   Then suddenly I remembered that memory. Napatingin ako kay Audrey nang bigla siyang ngumit8 at yumakap sa akin.

  "It's all in the past, Miley. The Hance from the past kissed me instead of you. He kissed me because he doesn't want to embarassed me in front of others."

   Natulala na lamang ako hanggang sa humiwalay siya sa akin. Why? Why are you hurting me, Audrey? Nasasaktan ako sa alaalang iyon pero iyon ang araw na nakuha ni Hance ang atensyon ko.

  "Hance is my first crush, Miley. Kahit na hindi na kami nagkita pagkatapos niyon ay ayos lang. Magkaibang section kasi tayo noong high school at mas naging close kayo ni Hance pero ayos lang ako noon kasi nakikita kong masaya siya kasama ka."

   "Why are you telling me these things, Audrey?"

   Bigla siyang umiyak sa harapan ko.

  "Because when he woke up in a coma, I came on the ospital to visit him. He then pointed me out and asked, 'you are my girlfriend, aren't you'?"

   Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Audrey at sunod na naglaglagan ang mga luha sa mga mata ko.

 

Back to Him [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon