Miley.
Hindi ako mapakali. Habang nakatingin sa orasan ay hindi ko mapigilan na mapabuntong-hininga. Napatigil ako nang tumunog ang telepono sa hand bag ko at dali-daling kinuha iyon.
Jaeden is calling...
My bestfriend. Kagat labi kong sinagot ang tawag. Pakiramdam ko ay nag-aalala ito sa akin ngayon at ang bilis ng kabog ng dibdib ko.
Bakit ba ganito? Bakit naguguluhan ako? Sigurado na ako dapat pero bakit anytime maiiyak na ako?
"Hey, Miley are you alright?"
Umiling ako kahit hindi niya ako nakikita. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"No, I'm not. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Hance kapag sinabi ko sa kaniya na makikipaghiwalay na ako."
I heard him sighed on the other line. Napapikit naman ako.
"You know what? Hance will surely get hurt, Miley. Mahal na mahal ka ni Hance."
Mas lalo akong nalungkot sa sinabi ni Jaeden. Oo nga, alam ko iyon pero this time mas gusto kong magfocus sa pangarap ko. Mas mahalaga iyon sa akin at sa pagtupad ko ng pangarap ko maraming pwedeng mangyari.
Aalis ako ng bansa. Sa Paris na ako titira at maiiwan si Hance dito dahil kailangan kong tuparin ang pangarap ko na maging isang mahusay na fashion designer. Hindi ko kaya iyon. Ayoko ng long distance relationship dahil sa totoo lang, maraming pwedeng mangyari sa limang taon na pag-alis ko.
Iniisip ko lang na parehas kaming mapapabuti ni Hance dito sa gagawin ko pero bakit ang sakit din?
"Mahal ko din naman si Hance," mahinang sabi ko at nangilid na ang luha sa mga mata ko. "Mahal ko din naman siya pero kailangan muna naming pakawalan ang isa't isa ngayon. Bata pa naman kami, makakahanap pa kami ng iba."
"Fvck, hindi kita maintindihan. You're in a relationship with him for almost 3 years, Miley!"
Napabuntong-hininga ako. Muli kong naalala ang mga alaala ko kasama si Hance.
15 years old ako nang maging kami. Noong una ay for fun lang dahil gusto ko lang din subukan. Hindi naglaon ay nahulog kami sa isa't isa pero dahil strict ang parents ko, kailangan naming itago ang relasyon namin.
Dad will be furious if he found out that I have a boyfriend at this age. Sabi niya kailangan makapagtapos muna ako ng pag-aaral bago makipag-relasiyon.
Hance liked me ever since we're kids. Madalas kaming magkita because of family gathering and crush ko din siya.
It's all happy. Everything is fine kahit patago lang kami. Hance is 2 years ahead of me and he can handle my immaturity but then, ayoko na.
Ayokong paasahin si Hance na pagkalipas ng limang taon ay may Miley na babalik pa sa kaniya.
"Kaya ko ito, Jaeden." I said pero pakiramdam ko mas lamang iyong pangungumbinse ko sa sarili ko nang sabihin ko iyon sa kaniya.
"You decide, Miley. Basta ako ay nandito lang para sa'yo. I'm your bestfriend. You can count on me when you feel like crying because I know that one day, you'll regret this day."
Natulala ako sa sinabi ni Jaeden. Hindi agad ako nakapagsalita at binabaan na niya ako nang tawag.
How would I face Hance now? Paano ako magsisimulang mag-explain sa kaniya?
Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan ng coffee shop ay lumabas mula roon si Hance. Magulo ang buhok nito at halatang pagod galing sa trabaho. Dalawang linggo pa lang nitong hinahandle ang business nila ni Tito Lance pero mukhang stressed na ito.
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Historia CortaHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...