Miley.
Tuloy-tuloy na naglaglagan ang butil ng luha sa mga mata ko. Iniwas ko ang paningin ko kay Audrey na umiiyak na din.
"Umuwi na tayo." Malamig na sabi ko.
Tahimik kami ni Audrey sa loob ng kotse. Walang gustong magsalita sa aming dalawa. Mabigat ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga sa loob.
Iniisip ko kung paano nagawa ni Audrey iyon. Ibig sabihin ay may alam siya. Alam niya dapat na ako ang girlfriend na tinutukoy ni Hance noong magising siya. Iyong mukha ko lang ang naaalala niya at dahil kamukha ko si Audrey kinuha niya ang pagkakataon na iyon para magpanggang bilang ako. Bilang girlfriend ni Hance.
Unti-unti akong kinakain ng galit ko sa bawat pagpatak ng segundo na kasama ko si Audrey sa loob ng sasakyan pero pinipigilan ko. Gusto kong makinig sa paliwanag niya pero nandoon ang galit at pagdadalawang-isip ko dahil maiintindihan ko ba ang paliwanag niya kung nangunguna na ang emosyon ko kaysa sa utak ko?
Agad akong bumaba ng kotse ni Audrey at pabalibag na sinara ang pintuan ng kotse niya at tuluyan siyang iniwan roon para pumasok sa loob ng bahay at magtungo sa sarili kong kuwarto.
Doon ko ibinagsak ang katawan ko at umiiyak muli na humiga roon at tinakpan ang mukha ko gamit ang kumot ko.
How could she do that? How could she betray me as her twin? Okay na eh. Okay na sana. Okay na kung minahal talaga siya ni Hance noong wala ako kaso bakit kailangang mangyari ang ganito? Kung tama ang hinala ko na kinuha niya ang pagkatao ko para magpanggap bilang girlfriend ni Hance noong panahon na wala ako then it's a foul game.
I heard the door slowly opened and I feel someone sat on my bed.
I know it's Audrey.
I can smell her Victoria's Secret vanilla perfume beside me. I heard her sobbed.
"Miley, sorry. Noong tinanong ako ni Hance kung ako ba iyong girlfriend niya, nagduda na ako. Nagduda na ako na hindi lang talaga kayo magkaibigan. Wala sa intensiyon ko na sirain kayo ngunit nang makita ko kung gaano kasabik si Hance na makita ako---- mali, ikaw pala."
Narinig ko ang malalim nitong paghinga at dumantay ito sa balikat ko.
"Ginusto ko na isipin ni Hance na ako iyong girlfriend niya. Sorry, Miley."
Nalaglag ang luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya. Inalis ko ang kumot na nakatabing sa akin at hinarap siya.
Nagulat siya nang makita ang kalat-kalat na luha sa mga mata ko at kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya.
"How could you admit that like it's not a big deal, Audrey?! Mahal ko si Hance. Isa siya sa dahilan kung bakit bumalik ako dito sa Pinas. Only to found out na inagaw mo na pala siya sa akin."
Gumaralgal ang boses ko at napayuko na lamang para hindi niya makita ang nakakaawang mukha ko ngayon.
"Audrey, inagaw mo ang posisyon ko eh." Puno nang hinanakit na sabi ko at napahagulgol na lamang habang hawak-hawak ang dibdib ko.
"S-Sabi nila hiwalay na kayo ni Hance noon. Ikaw pa nga mismo ang nakipaghiwalay sa kaniya. Basically, Hance is already single that time."
Napatawa ako nang pagak sa narinig kong katwiran ni Audrey.
"Hance is single but off-limits from you, Audrey. Kung sa mga magkaibigan, faul na idate nila ang ex ng mga kaibigan nila edi mas lalo naman sa ating dalawa. Magkapatid tayo eh, kambal pa."
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Short StoryHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...