Miley.
I was sipping my milktea when Jaeden came. He's wearing a blue polo and he looks so handsome on his new hairstyle. I waved my hand at him so it will be easier for him to find me.
Doon sumilay ang malawak na ngiti nito sa labi at ang nakasisilaw nitong maputing mga ngipin. Jaeden is such a handsome man now. Dati ay hindi naman siya ganito pero sobrang nag-improve talaga iyong mukha niya at way ng pagdadala niya ng sarili this passed few years.
"Wow, such a head-turner man you've become."
Ngumisi ito. "That's good to hear from you, Miley. How are you?"
Sumimangot ako. "You are always asking me that question, how about you?"
Umarko ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
"I'm good. Busy."
Natawa naman ako. He's doing well pero busy? Hmmm.
Umupo siya sa kaharap kong upuan. I ordered the same drink and cake for him.
"How about girlfriend? Wala ka bang naging girlfriend habang nasa Paris ako?"
Natigilan ito sa tanong ko. Para siyang nagdadalawang isip kung magsasabi ba siya sa akin o hindi. Dahil doon ay tinaasan ko siya ng kilay.
"May tinatago ka ba sa akin, Jaeden Clark Devis?" seryosong tanong ko at pinaningkitan pa siya nang mata habang nakahalukipkip.
Natawa naman ito nang mahina. "You're still this adorable, Miley. Hindi ako nag-gigirlfriend, may hinihintay ako."
Ngumuso naman ako. "You've been waiting for that girl for years. Ano ba naman kung maghanap ka ng bago?"
"Hindi lahat madaling palitan."
Natahimik ako sa sinabi niya. Maya-maya ay dahan-dahan na tumango.
"Tama ka, hindi lahat ng bagay at tao ay madaling palitan."
He pat my head. "Pero uso ang mag-move on, Miley."
Tinanggal ko ang kamay niya sa buhok ko at inirapan siya. "You know what? Nakakainis na. Mom just told me to moved on, ikaw naman bestfriend kita pero naglihim ka din sa akin. Naiinis ako sa'yo pero kaibigan kita kaya hindi kita matiis."
Jaeden smiled a little. "Thank you kasi hindi mo ako matiis."
"Tsss, bahala ka diyan. Gusto mo ba na huwag na kitang pansinin? Kung hindi lang tayo sabay na lumaki, nako nako."
He chuckled. "Minsan ba hiniling mo na sana hindi na lang tayo sabay na lumaki?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Of course not. I'm glad that grew up with a Jaeden Clark Devis beside me! He's my bestfriend, my buddy and a brother to me. Nandiyan siya kapag kailangan ko siya. He can handle my immaturity and all the tantrums I throw at him.
"No. Ikaw ba nagsisi kang lumaki kasama ako?"
Umiling ito. "But sometimes yes."
Nagulat ako sa sagot niya. Parang may kumirot sa puso ko dahil doon.
"W-Why?"
"Have you heard the history of our parents?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Ang alam ko lang ay magkaibigan si Mommy at Tito Clark na daddy namin ni Jaeden. Jaeden's second name came from his father.
"Your Mom is my Dad's ex."
Natulala ako sa sinabi niya. Mom didn't told about it! Lagi niyang sinasabi na he's in good terms with Tito Clark and they're friends. Si Dad naman ay cool lang kahit nandiyan si Tito Clark. Maybe because of maturity? Ni hindi ko naramdaman ang awkward moments kapag magkasama ang family namin ni Jaeden.
"Why did they split up?"
"Well Dad cheated on your Mom. Nabuntis ni Dad si Mommy and he fell out love with your Mom pero hindi kaya ng konsensya niya na iwan si Tita Charm dahil marami silang pinagsamahan. He decided to spend his time with Tita Charm until the wedding day with Mom. The day before the wedding day doon lang sinabi ni Dad iyong totoo na ikakasal na siya. Tita Charm was devastated. Hindi niya alam ang gagawin niya. Their friends are really worried about her since sobrang sakit ng ginawa ni Dad kay Tita Charm."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mom had never told me about her ex. Ang sabi niya lang kanina she learned to let go but looking at her eyes, it's still visible. The pain in the pass was still haunting her.
"Dad had even the guts to invite Tita Charm on his wedding with Mom."
What? Why? Bakit ginawa iyon ni Tito Clark kay Mommy? That was surely hard. Watching your beloved man marry the girl that he loves and it's not you.
"Hindi pumunta si Mom sa wedding noh? I know she didn't. That would surely hurts like hell."
Umiling sa akin si Clark. "You're wrong. Pumunta pa rin si Tita Charm sa wedding ni Dad. She's all hurt but she's brave enough to face the reality that her fairytale love story with Dad is going to end that Day."
"No, that was so tragic." Hindi makapaniwalang sabi ko pero ngumiti lang siya.
"It's beautifully tragic, Miley. Kung hindi nangyari iyon at nagkatuluyan ang Mom mo at Dad ko, wala tayo dito. I wouldn't been able to meet you. Walang Miley at walang Jaeden."
"Jae---"
"It's all about letting go, Miley. Kung hindi kayo, bakit niyo pa ipagpipilitan ang sarili mo sa lalakeng iyon. Ang dami ng nangyari sa past niyo. Ilang beses ka ng nasaktan bakit ba hindi mo subukan na tumingin sa iba. Doon ka naman sa lalaking laging nandiyan sa'yo."
Pagak akong ngumiti sa narinig ko.
"Sana ganon kadali. Iyong tipong umayaw ka na, pati nararamdaman mo mawawala sa kaniya. Kaso hindi eh. Mahal ko siya, Jaeden."
"Mahal mo ba talaga siya o nakokonsensiya ka lang na iniwan mo siya noon at basta na lang binitiwan ang pagsasama niyong dalawa?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya.
Tulala ako nang makauwi ako ng bahay. Iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Jaeden sa akin at hindi ko lubos na matanggap na ganon ang nakaraan ni Mom at Tito Clark. Tito Clark is a jerk. How could he do that to my Mom?
Napatigil ako nang makita ko sa sala si Mom and Dad. They're watching a movie, Mom is laughing as she leans on Dad's shoulder. Si Daddy naman ay nakaakbay sa kaniya.
I found myself smiling because of the scene.
Maybe it has a reason. Maybe she deserves better that's why her love story with him ended in a painful way because her real knight will came to save her from drowning sadness.
And it's Dad. Wala kami dito kung hindi natuto si Mommy na mag-let go sa past nila ni Tito Clark. Hindi ko sana makikilala si Jaeden kung hanggang ngayon ay masama ang loob ni Mommy sa pamilya nila. That would be awkward but Mom is so brave.
Gusto ko din maging kasinglakas niya. Iyong kahit hindi mo alam kung saan ka magsisimulang pulutin ang sarili mo pero matatapos din ang lahat at mabubuo ka ulit. Gusto ko ng ganon pero paano?
I greeted Mom and Dad a good evening before going upstairs to change my cloth. Maya-maya ay napadaan ako sa kuwarto ni Audrey.
I heard sobs on it. Napahinto ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto niya at lumapit roon. Nakauwang ang kaunting parte nito. Mukhang hindi na nag-abala si Audrey na isara ng tuluyan iyong pintuan nang pumasok siya.
Sumilip ako roon at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang simpatyang nararamdaman ko nang makita kong humahagulgol si Audrey sa isang human size teddy bear sa kama niya.
Author's Note:
Hi, please don't forget to 'vote and comment' on my stories. It would be great to recieve one from you! :)
Sa mga curious sa story ng magulang nila, just read 'Letting Go'. One shot story iyon na ginawa ko years ago. 💙
![](https://img.wattpad.com/cover/214844108-288-k362948.jpg)
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Short StoryHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...