Miley.
ISANG mahigpit na yakap ang natanggap ko mula kay Mommy at Daddy pagkapasok ko ng bahay. Iyong lamesa sa hapag-kainan ay punong-puno ng masasarap na pagkain at pawang nakakagutom ang amoy at pagkakaluto nito.
"Welcome back, Miley baby." Naiiyak na sabi ni Mommy.
Si Daddy naman ay nakaupo at nakangiti lang din sa akin.
"How's life, my daughter?" Tanong nito pagkaupo ko. Si Mommy ay inalalayan ni Daddy at natuwa ako sa senaryong iyon. I want a man like Dad. Iyong kahit tumanda na kami, sweet pa rin.
Ngumiti ako at pilit na kinakalimutan ang nalaman ko ngayon at ang kaguluhan sa dibdib ko. Wala rito si Audrey dahil sumama siya kay Hance.
"Doing well but not that fine." Diretsong sagot ko. Iyon naman talaga ang totoong nararamdaman ko ngayon.
Kumibot ang labi ni Dad at si Mommy naman ay may nanunuksong ngiti.
"You'll be glad if you will have a boyfriend. Why not date, Miley? Since madami ka namang manliligaw." Tanong ni Mommy sa akin.
Napangiti ako at napailing. "I couldn't date anyone."
Nawala ang ngiti sa labi ni Mommy at si Daddy naman ay kumunot ang noon.
"Anyway, kumain na lang po tayo." I said and they've nodded at me. Nakahinga ako nang maluwag dahil doon. Kinakabahan kasi ako baka kung saan pumunta ang usapang ito kapag nagtuloy-tuloy pa.
How ironic lang dahil dati sobrang higpit nila sa akin sa pakikipagrelasyon pero ngayon ay sila na mismo ang nagtutulak sa akin para maghanap ng nobyo.
Magana kaming kumain. Namiss ko iyong graham cake na ginagawa ni Mommy. I'm glad nakakain ako ulit ng ganon dito sa Pinas na siya rin mismo ang gumawa.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas ng pinggan si Mommy. Sinamantala ko na umakyat muna papunta ng kuwarto ko at ayusin ang mga gamit ko at magpahinga na rin dahil pagod ako sa biyahe.
Wala naman kaming katulong sa bahay. Ayaw rin ni Mommy na magkaroon ng katulong sa bahay dahil kaya naman daw niyang alagaan kaming tatlo.
I can't help but to feel guilty. Iniwan ko silang tatlo--- I mean apat pati si Hance noong panahon na gusto kong tuparin ang pangarap ko na mag-isa.
Pakiramdam ko talaga dati ay si Audrey lang ang gusto nila Mommy. I was so young and naive back then. Nagtatampo ako sa magulang ko dahil akala ko ay hindi ako mahalaga para sa kanila. Hindi ko nakita ang pagmamahal nila sa akin dahil nabulag ako ng inggit sa kakambal ko.
Si Audrey kasi iyong laging mas nakakaangat sa aming dalawa kaya naman napuno ako ng inggit at pagnanasang lagpasan ang kakayahan niya para ako naman ang mapansin.
Little did I know that all of it are just because of me being stupidly jealous towards my twin.
Mapakla akong napangiti nang makita ko ang malaking picture frame sa dingding paakyat sa hagdan tungo sa aking kuwarto. Litrato ko iyon kasama si Audrey ng mga bata pa lamang kami.
Magkamukhang-magkamukha kaming dalawa. Sabi nila, si Audrey iyong mahinhin at may ibubuga pagdating sa academic performance. Samantalang ako ay hindi naman gaanong nag-eexcel sa klase dahil tamad akong mag-aral. Mas gusto kong sumali sa mga isports noon.
Sports?
Lihim akong napangiti sa bagay na iyon. Isa ako sa varsity sa paaralan namin noong sekondarya sa sport na volleyball dati. Nakilala ko si Hance dahil basketball player naman siya noon. Madalas ko siyang makita tuwing practice at sadiyang natipuhan ko na talaga noon pa ang pagiging seryoso niya sa paglalaro.
Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pintuan sa kuwarto ko. Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako at nae-excite sa isiping nakabalik na ako.
Nakabalik na ako pero hanggang ngayon may kulang pa rin at alam ko kung sino ang kulang sa buhay ko. Si Hance.
Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang maaliwalas at malinis kong kuwarto. Sa taas ng kama ko ay may mga baloons pa na nakaporma na 'Welcome back, Miley!'
Napangiti ako. Ang sweet talaga nila Mommy kahit kailan. Siguro ay kasama na din si Audrey sa pagplaplano nito.
Lumapit ako sa kama ko at humiga doon. Habang nakatulala ako sa kisame ay bumagsak ang luha sa mata ko.
Bakit ang unfair? Anong nangyari sa'yo Hance? Bakit nagkukunwari kang hindi mo ako kilala at bakit sa lahat ng babae ay ang kakambal ko pa?
Hindi ko matanggap eh. Hindi ko kayang tanggapin na may iba ka na.
Napayuko ako at hinila ang kumot ko para ibalot ito sa sarili ko. Humagulgol ako doon at pilit na kinukumbinsi ang sarili ko na tapos na. Tapos na ang lahat ng plano ko sa pag-uwi dito dahil wala na rin naman ng kuwenta iyong plano ko na bawiin si Hance.
Paano ko siya babawiin kung mayroon ng nagmamay-ari sa kaniya?
That night, I let myself drown into tears.
Nagising ako sa sinag ng araw. I opened my eyes slowly. Naninibago pa ako sa paligid ko at naalala kong umuwi na nga pala ako ng Pilipinas.
Masakit ang katawan ko maging ang ulo ko. Marahil ay dahil na rin sa pagod ko pa rin sa biyahe kasama ang walang tigil kong pag-iyak kagabi.
Muli na nangilid ang luha sa mga mata ko ngunit pinigilan ko iyon. Ang makita ang namumugtong mata ko ngayong umaga ay ang huling gusto kong makita nila Mommy at Daddy. I'm sure mag-aalala sila at magtatanong kung anong dahilan ng pag-iyak ko.
Napaisip nga ako kagabi. What if alam nila Mom na ex ko si Hance? Would they still allowed Audrey to marry him? Tiyaka kung alam lang sana nila Mommy ay hindi mahirap na i-explain sa kanila ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Madali sana nila akong maiintindihan.
Pinilit ko ang sarili kong bumangon at mag-ayos ng sarili ko. Naglagay ako ng make-up pagkatapos kong maligo at magbihis. Kinapalan ko na ngayon since ayoko talaga na mahalata nila Mommy iyong mata kong namumula pa.
I also wear contact lense just to hide my reddish eyes. Kung bakit ba naman kasi naiyak na naman ako sa banyo kanina.
So this is how broken feels like? Hindi ako gaanong umiyak noong naghiwalay kami ni Hance dahil umaasa ako sa sinabi niyang maghihintay siya para sa akin. Lahat pala iyon ay pawang akala ko lang.
Kasalanan ko ang lahat ng ito at dapat ko lang panindigan ang desisyon ko noon.
Pero ang sakit talaga sa puso. Tagos na tagos at sobrang bigat sa pakiramdam.
Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang makita ko ang isang unread message mula kay Jaeden.
Oh, hindi nga pala ako nag-online kagabi dahil inuna kong magmukmok bago ipaalam sa mga kaibigan ko na nakauwi na ako.
From: Jaeden
Hey, how are you?
Gusto kong sumimangot. May alam kaya si Jaeden? Alam kaya niya pero hindi niya sinabi sa akin kasi alam niyang masasaktan ako?
Wala sa sariling tinawagan ko ang numero ni Jaeden na agad naman niyang sinagot.
"Welcome back, Miley. How are you?"
Inisip ko kung tatanungin ko pa ba siya o hahayaan na lang ngunit hindi talaga ako kayang patahimikin ng kuryosidad ko kaya bumuntong-hininga ako.
"May alam ka ba?" Diretsahan kong tanong na ikinatahimik ng kabilang linya.
Answer me, Jaeden.
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Short StoryHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...