Chapter 9

314 10 7
                                    

Miley.

    I saw Audrey passing by. Mukhang paalis na ito. Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko siya but I ran after her.

  "Audrey."

   Natigilan siya nang makita ako. Mom is right, parang hindi natutulog nang maayos si Audrey.

  "Miley, what is it? May kailangan ka ba?" She smiled at me. Iyong sinasabi niya na ayos lang siya.

  "Hindi ka sumasabay sa mga dinner at breakfast natin, nag-aalala na sila Mom and Dad." Malamig na sabi ko.

  "Ah," umiling ito sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo. "H-Hindi kasi kita kayang tingnan. Nakokonsensya pa rin ako, nahihiya ako. Sorry, Miley."

  Yumuko ito sa akin. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone nito at mukhang kausap na niya ang isa sa empleyado ng kumpanya. Nagpaalam siya sa akin na aalis na ngunit bago pa siya umalis ay pinigilan ko muna siya.

  "Pwede kong kunin iyong address or number ni Hance kung saan ko siya pwedeng puntahan?"

  Natigilan ito sa tanong ko pero maya-maya ay ngumiti ito nang maliit sa akin at tumango.

  "Ibibigay ko mamaya, itetext ko na lang. Bye, Miley."

   Hindi ako nagsalita at agad naman siyang umalis. Napabuntong-hininga na lamang ako.

   Sampung minuto ang nakalipas nang umalis si Audrey, doon ko lamang natanggap ang mensahe niya na naglalaman ng phone number ni Hance at address ng kumpanya at bahay nito.

   Napahigpit ang hawak ko sa telepono ko bago tuluyang umakyat ng kuwarto ko at magbihis. Pupuntahan ko si Hance.

-*-*-

    I feel so lost. Pagkarating ko sa isang malaking bahay na pagmamay-ari ni Hance ay hindi ko maiwasang mamangha. Simple lang ang disensyo ng labas ng bahay. Hindi gaanong malawak ang espasyo, ngunit mas malaki nang kaunti sa bahay namin.

    Gonzales are living in a very simple way. Hindi talaga sila maluho.

   Pinindot ko iyong door bell. My hands are shaking. Maya-maya pa ay bumukas ito at tumambad sa akin ang isa sa kapatid ni Hance.

"V-Vance." Utal na banggit ko sa pangalan niya. It's been five years. Ang tangkad na niya. Mas matangkad pa siya kaysa sa akin ngayon. I used to mess with his hair back then.

Mapait itong ngumiti sa akin.

"You're back. After all these years, you will show up in front of us and get my brother back?"

Too soon. Hindi ko nailagan ang mga salitang iyon mula kay Vance.

"V-Vance, magpapaliwanag ako."

Umiling ito sa akin. "You're too full of yourself, Ate Miley. Maswerte ka pa at ako ang nadatnan mo ngayon at hindi si Vishi. Galit na galit iyon sa'yo. We almost lost Kuya because of you tapos babalik ka at sisirain si Kuya at Ate Audrey?"

"What? Bakit ba parang ako pa ang kontrabida ngayon sa buhay ninyo?! Ako ito! Ako iyong totoong girlfriend ni Hance bago magpanggap si Audrey. Ako ang totoo. Ako iyong nawalan. Ako iyong biktima, Vance!"

Mapakla itong ngumiti sa akin.

"Stop acting like a brat, Ate Miley. Akala ko you will grow outside of the country. Umasa ako na mas matured ka na sa paghandle ng mga problema but you proved me wrong. Sarili mo lang iniisip mo. Hindi mo ba naisip ang mararamdaman ni Kuya nung emeksena ka ulit sa buhay niya?"

Hindi ako nakapagsalita. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Bawat salita ni Vance ay sumasampal sa pagkatao ko at kung gaano ako dapat manghinayang sa taong pinakawalan ko.

"You should not treat my brother like your toy. Iyong tipong nagsawa ka na, you will drop him like a hot potato then came back when you need him again. You're loving him so carelessly. Push and pull ka, Ate Miley. Hayaan mo ng maging masaya si Kuya."

"Masaya ba siya na niloloko lang siya ni Audrey?" Inis kong tanong sa kaniya.

Ngumisi ito. "At least si Ate Audrey, iyong label lang nila ang peke pero iyong nararamdaman niya? Totoo iyon. Totoong mahal niya si Kuya."

"Mahal ko din si Hance."

"Mahal mo lang siya pero tama na. Nasasaktan na siya. Hindi na siya masaya. He waited for you even there's no assurance. Iyong na-amnesia si Kuya after ng accident is like the old Hance death. The long wait is over because he have to start over again."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. Agad ko iyong pinunasan at mapaklang ngumiti. I'm trying to pick myself up. Sobra na akong pinanghihinaan ng loob sa mga sinasabi nila sa akin.

Bakit ba ako na ang masama ngayon? Hance is mine. Sa akin dapat siya pero bakit lahat sila kay Audrey kumakampi? Paano naman ako? Bakit hindi na lang ako?

"Kung gusto mo pang kausapin si Kuya, he's inside. Kausapin mo kung doon gagaan ang loob mo pero binabalaan na kita, hindi na si Hance na dati mong nobyo ang nandoon. Iba na siya, Ate Miley. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa'yo nang maayos but I want you to stop holding on with your past. Move on."

Vance guide me the way into Hance's room.

"This is Kuya's own house. Supposedly para sa inyong dalawa but then you left. Wala lang, share ko lang para mas lalo kang manghinayang na iniwan mo iyong kapatid ko noon."

Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa sinabi ni Vance. Napailing na lang ako, he's still younger than me. Kung pinipikon niya ako at sinasadya niya akong saktan gamit ang mga salitang gusto niyang sabihin sa akin, I think I have to be patient and bear with it.

"Thank you." Maikli kong sabi bago niya ako iwan. He just shrugg before leaving me in front of Hance's room.

Huminga ako nang malalim bago kumatok.

"Come in." rinig kong sabi ni Hance mula sa loob.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon. Pinihit ko ang seradura ng pinto at pumasok.

I saw him sitting on his bed. His hair is so messy and he's not in a good shape right now para siyang puyat.

He looked shocked while looking at me.

"A-Audrey?"

Natigilan ako sa paghakbang. Sa sinabi niya pa lang na pangalan ay nasaktan na ako. It's not Audrey, Hance. Miley is my name. I'm Miley. That's the name of your girlfriend.

"Miley. Miley is my name, Hance." Mapait na sabi ko at natahimik siya.

I cleared my throat. "How are you?"

"Obviously, I'm living like a hell. Wala akong ganang lumabas ng bahay and seeing you just makes me sad. You looked Audrey a lot."

"And Audrey looks like me a lot too, Hance. Kaya nga ang bilis mong napaniwala na siya iyong girlfriend mo."

He was taken aback from what I've said. Tila nagkaroon ito ng realisasyon sa sinabi ko.

"I-I'm sorry, Miley."

Nanlambot ako sa sinabi niya. Nanginig ang labi ko kasabay nang pag-ngilid ng luha sa mga mata ko. Bakit ka nagsosorry Hance?

"I'm sorry because I think leaving me is the best choice that you did. You lead me to the woman that I will love to spend my life with. I will never regret loving you, Miley. If my memories came back and remembers everything about you, I will keep it. The old Hance loved you but the Hance in the present has already moved on."

"What do you mean? I love you, Hance." Halos bulong ko na sabi sa kaniya. Ayoko nang marinig ang susunod pa niyang sasabihin.

"You love me and I love Audrey now, Miley. I love her more than you know I could. It breaks me that she choose to make you happy than to save our relationship."

"Hance..."

"Let me become a happy man, Miley. Let me go."
 

  

 

 

Back to Him [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon