Jaeden.
I watched Miley as she get drunk in alcohol while crying. I can't stop her. She's constantly crying. Simula nang sinundo ko siya sa bahay ni Hance ay ganiyan na siya hanggang sa makarating kami sa condo ko. Ayaw niyang umuwi ng bahay nila. Ayaw niya daw makita sila tita pati na rin si Audrey.
I had already predicted that this will happen. She's so stubborn. Pinigilan ko naman siya dati at sinabihan na pag-isipang mabuti ang pag-iwan niya kay Hance but she insisted that she will leave and maybe she will find someone better than Hance there.
Stupid lady. Stupid heart. Stupid decision. Stupid relationship. Stupid shits that leads me in this place as my bestfriend's comforter.
She looks miserable right now. Malabo sa inaasahan kong Miley na isang tanyag na designer at mapostura. Parang ngayon lang talaga niya dinibdib ang pakikipaghiwalay niya five years ago kay Hance. Palibahasa umasa siya. Umasa siya na kahit iwan niya, may babalikan siya. Stupid.
Nakadukdok na siya sa lamesa ko. Naiiling ko siyang nilapitan. Her dress is already messy.
"Miley, look at me." Hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa akin.
Something inside me gets hurt upon seeing her face. Namumugto ang mata nito at namumula ang ilong at pisngi sa kakaiyak.
"J-Jaeden... bakit ganon? Bakit ako iyong mali? Bakit mali pa ata na bumalik ako? Bakit ang tanga ko? Bakit ang sakit-sakit? Ayoko na." Hinang-hinang sabi niya at niyakap ako nang mahigpit.
Napabuntong-hininga ako habang hinahagod ang likuran ni Miley. Hanggang ganito na lang ba talaga ako sa'yo, Miley? Ako iyong tatakbuhan mo sa tuwing nasasaktan ka?Ako iyong nandito lagi para sa'yo pero nahihirapan akong makita kang ganito.
"You're so stupid." Bulong ko. Mas lalong naiyak si Miley sa sinabi ko.
"I-I hate you!" Sigaw niya sa akin. I know she doesn't mean it. "I hate you because everything you've said is real. Five years ago, you told me that I will regret my decision and I did. Nagsisisi na ako ngayon na hindi ako nag-stay sa relasyon namin ni Hance. And now you're telling me that I'm stupid. Totoo din. Totoo naman na ang tanga ko."
"You're stupid yet I'm here. I will listen with your rants, Miley. Burst everything, I will try my best to erase that pain at kapag nangyari iyon akin ka na."
Umiling si Miley. Hindi niya ata narinig iyong huling sinabi ko dahil mahina lang naman ang pagkakasabi ko. "I'm feeling sick, nasusuka ako."
Inakay ko siya patayo at iginiya sa lababo. Doon ko hinayaang maglabas ng sama ng loob si Miley at naroon lang ako sa likuran niya para alalayan siya.
Damn it. This is the last thing that I want to do today. Pagod ako sa opisina. May family dinner pa mamaya but I think I will not be able to attend it since I'm going to babysit Miley for a while.
Ang hirap kapag mahal mo iyong bestfriend mo pero mas mahirap kapag nahulog ka na sa kaniya. Mahirap makaahon lalo na kung sanay ka sa presensya niya.
Maybe the karma of my Dad was passed through me. Iyong pang-iiwan niya kay Tita Charm, ito iyong resulta. I fell for Tita Charm's daughter but her daughter loves someone else already. Ang saklap lang. Kapag si Miley ang nagsalita, alam na alam na niya agad na hanggang kaibigan lang kaming dalawa.
Miley is my home. Kahit maldita siya, maarte, immature at kahit minsan napakapangit na ng moodswings niya, I love her. I love her kahit may mahal na siyang iba.
Hinang-hina ito nang matapos siyang maglabas ng ininom at kinain niya. Parang babagsak na ito kaya naman agad ko siyang inalalayan nang humawak ito sa balikat ko.
"Save me, Jaeden please." She muttered as she collapsed in my arms.
Napailing na lang ako. Binuhat ko siya at dinala sa kama ko. She's tired. Halos parehas na sila ni Audrey na galing sa break-up but this time I know Audrey won the game. Sa kaniya ang happy ending ngayon at si Miley ang umuwing talunan.
Inayos ko si Miley sa pagkakahiga sa kama ko. Tinanggal ko ang sandals nito at nilagyan siya ng kumot pagkatapos. Binuksan ko din iyong aircon para malamigan siya.
Tumabi ako sa kaniya at tinitigan ko ang mukha nito. Hanggang ngayon ay mamula-mula pa rin ang pisngi niya, magulo ang buhok at namumugto pa rin ang mata.
Napailing ako. Miley is stupidly crying for a man she loves and it hurts me.
I wonder kung kaya kong saktan ng ganito si Miley since that never crossed in my head. Mula bata kami ay wala akong ginawa kundi protektahan si Miley at sumama sa kamalditahan niya. She dragged me doing things that I don't wabt to do. She declared that I'm her guy bestfriend and I have to protect her with all costs. Siguro nga uto-uto ako kasi napaniwala niya ako na dapat ganon ang gawin ko at hanggang ngayon ay sinusunod ko pa rin si Miley sa bagay na iyon.
She's my boss.
Lumabas ako ng kuwarto at hinanap ang cellphone ko. I called Tita to tell them that Miley is in my condo. Noong una, nag-alala sila dahil sa kundisyon niya ngayon pero hinayaan na lamang nila nang sinabi ko na hindi gugustuhin ni Miley na umuwi ngayon.
Tita Charm understands. Natutuwa lang din ako na ang laki ng tiwala ng magulang ni Miley para iwan siya sa akin.
Binalikan ko si Miley sa kuwarto at mahimbing pa rin ang tulog nito. Lumapit ako at hinalikan siya sa noo.
"Move on, Miley. Move on because I'm tired waiting. I want you to be mine. I'm always here for you and watching you fall for someone else hurts me the most. I'm tired of getting hurt, Miley. I'm tired of thinking that one day I will lost you because you will love someone that can make you leave my side because I'm just your bestfriend."
Muli ko siyang sinulyapan bago sinara ang pintuan.
Umaga na nang marinig ko ang kalansingan ng pinggan. I immediately opened my eyes and checked for Miley. I found her eating noodles in my kitchen.
"Hey," I greeted. She just shrugged.
"Good morning." She said and I smiled.
"Done mourning for your broken heart?" Natatawang sabi ko. She shot me a deadly glare that made me chuckled.
"Stop teasing me, Jaeden. Masakit pa rin, okay?"
I bit my lip and nod. "I know, you're crying a lot yesterday. Maraming masakit sa'yo."
"I'm so exhausted. Ang toxic na, Jaeden."
"Oh tapos? Anong gusto mong gawin ko."
Natigilan siya. "Aalis ulit ako."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Why? Tatakbuhan niya ulit iyong problema niya dito sa Pinas gaya ng nangyari dati?
"I know what you're thinking. Hindi ako tatakas, Jaeden. I'll just mend my broken shitty heart. Hindi ko kayang mag-stay dito habang nakikita ko na nagliligawan iyong kakambal at ex ko. Mahirap, okay?"
"Alright. Can I go with you?"
Umiling siya na ikinabagsak ng balikat ko.
"Kilala mo na ako. I will start again. I'll build myself again. Pag buo na ako, babalik ako."
"Bakit ba alis ka ng alis? Maiiwan na naman kami dito sa Pinas kakahintay sa'yo."
Napangiti siya sa akin.
"I heard you've waited for so long for me, Jaeden. What's wrong if I will make you wait for me for months or a year?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.
"You--"
She chuckled. "I heard you last night, Jaeden. I won't be long, please wait. Please wait for me."
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
Historia CortaHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...