Can I recieve 'hi' from Back to Him readers?
-MilyaAudrey.
"Babe..."
Napakurap ako nang bigla akong kabigin ni Hance palapit sa kaniya. Muli kong naramdaman ang mainit na pakiramdam sa dibdib ko sa tuwing malapit ako sa kaniya. Para akong natutunaw kapag nandiyan siya.
Hinalikan niya ako sa noo at ngumiti sa akin nang malawak dahilan para mahawa ako sa ngiti nito.
"Kanina ka pa nag-iisip nang malalim. May problema ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Hance.
Muli kong naalala ang dahilan ng pag-aaway namin ng kakambal ko ngayon. Si Hance. Siya ang taong gusto ni Miley. Iisang lalake lang ang minahal naming dalawa at kung bakit ba naman kasi mapaglaro ang tadhana at kahit ang maging masaya ako sa piling ni Hance ay kailangan pang maging kumplikado.
Inangat ko ang palad ko at hinaplos nang marahan ang mukha ni Hance. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at ngumiti.
"Hance, sorry." Seryosong sabi ko sa kaniya. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Bakas ang pagtataka sa mukha niya ngunit agad niya akong niyakap nang mahigpit at isinubsob ko naman ang mukha ko sa malapad nitong dibdib.
"What's wrong, babe? Why are you saying sorry?"
Sumikip ang dibdib ko sa tanong niya. Inilayo ko ang sarili ko sa kaniya at pilit na ngumiti.
"Hance, do you love me?"
Natigilan siya sa tanong ko. Nakangiti lamang ako at pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko. Hance is my everything but I need to make things right.
Kung kailangan kong ipikit ang mga mata ko bago bitiwan ang mga kamay niya, gagawin ko. Gagawin ko kasi panahon na para ibalik siya sa babaeng nagmamay-ari sa kaniya.
"Audrey, you know how much I love you. I love you so much."
Nakangiti kong ipinikit ang mata ko habang hawak ang kamay ni Hance. Ang sarap sa pandinig ang salitang iyon. Sana totoo na lang. Sana ako na lang talaga. Sana lang pero hindi talaga siya para sa akin eh.
Naramdaman ko ang pagdampi nang malambot na labi ni Hance sa akin. Iminulat ko ang mga mata ko at hinalikan siya pabalik.
Hindi ko kaya. Hindi ko pala kayang bitawan siya.
"AUDREY!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad na humiwalay kay Hance. Kitang-kita ko ang nagbabagang tingin ni Miley sa akin bago ito lumapit sa akin at sinampal ako nang malakas.
Napatagilid ang mukha ko sa lakas nang pagkakasampal niya sa akin. Gulat na gulat si Hance sa nakita niya. Nakagat ko na lamang ang labi ko.
Mabilis akong dinaluhan ni Hance at itinago sa likuran niya.
"What the hell is your problem, Miley?!" Galit na tanong nito sa kakambal ko. Si Miley naman ay agad na nasaktan sa ginawang pagsigaw sa kaniya ni Hance.
BINABASA MO ANG
Back to Him [✔]
ContoHindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, walang assurance ang mga bagay-bagay. Maaaring magbago iyon sa nakalipas na panahon. Maari rin na hin...