continuation...
Naglakad ako patungo sa higaan ni Anton at humiga sa tabi nito.
Maya maya naramdaman kong muling siniksik nito ang mukha sa aking katawan at mahimbing na natulog sa dibdib ko.
"Hayysss... baby... Anong ginawa nila sayo!"
Habang nakahiga si Anton sa dibdib ko ay nilaro ko ang malalambot nitong buhok at hinalikan ang noo nito.
Bago pa ako muling pumikit ay bumulong ako dito.
"Mahal na Mahal Kita, Anton... I love you so much baby... Kung alam mo lang ang tiniis ko. Lahat ng pangungulila ko marating ko lang ang araw na ito!"
"Bukas malalaman na natin ang lahat... kaunti na lang mahal ko..."
--------------------------
Anton's POV
Nagulat ako ng magising ako at maramdaman ang tila pagtaas at pagbaba ng kung ano mang nahihigaan ko. Nang makapag adjust na ng mabuti ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang malambot at matipunong katawan ng kung sinoman.
Kaya naman mabilis akong napalayo ng masigurado ko kung sino ang nasa harap ko. Hindi ito nagising bagkus ay mahimhing itong natutulog.
Pagtayo ko ay bigla akong bumagsak dahil doon ko naalalang pilay nga pala ako.
Dahan dahan ang tumayo at pinakiramdaman ang aking sarili hanggang sa napansin kong nanakit ang ibabang bahagi ng aking katawan.
Pagtingin ko sa loob ay nagulat ako dahil nasisigurado kong nagamit ko iyon dahil ramdam ko angmpamamaga nito.
"My God, Anton.. anong ginawa mo... Bakit kasi pinili mong dito matulog kagabi na alam mo namang si Alfred ang nandito... Wahhh nasobrahan ba ang nainom ko kagabi... Ang tanga tanga mo Anton!"
Pagtingin ko sa kabilang kama ay nakita ko ang mantsa na nasa tela... napahawak ako sa noo ko ng mapagtanto ko kung ano ang nagawa ko kagabi.
"Oh My!!!, na rape ko ng husto ang unggoy..."
Kahit masakit ang paa ko ay mabilis akong gumalaw upang mag ayos at makaalis subalit sa sobrang tuliro ko ay di ko napansin na kanina pa pala gising ang binatang kanina lang ay natutulog..
Yung nasa akto akong parang tanga na dahan dahan naglalakad ng biglang may nagsalita at talaga namang nagulat ako...
"WHAT ARE YOU DOING, ANTON!..."
"WAAAAHHHHH!" malakas na sigaw ko at ewan ko ramdam ko ang biglang pamumula ko.
"hahahha ang cute mo talaga, baby... nakakatawa ang itsura mo hahaha... Anong ginagawa mo..."
"Aaahhhh ehhhhh nag..li..linis.. lang ako ng gamit ko!.."
"Ahhhhhhhh....... bakit para kang magnanakaw sa galawan mo!"
"Tse!..."
"Suplado!... Anyway, baby.. tulungan mo akong tumayo ang sakit ng katawan ko... masyado mo akong....." pagpapacute nito sa akin.
...pero hindi ko na pinatapos si Alfred dahil alam kong walang preno magsalita ito kapag ako ang kausap nito... pati di pa ako handa sa sasabihin nito... lalo na at alam kong ang kasiping niyo kagabi ay ang unconscious side of me... Ako na matagal ko nang kinubli...
"Bakit bigla ka atang namula, Anton!... Ahhhhh ayaw mo pa sigurong maniwala na ni rape mo ako kagabi, ang dami mong ginawang position haysss. sumakit sobra ang.... "
"ALFRED!!!!" Sigaw ko ditooo upang mapigilan kung ano pa man ang sasabihin nito.
"Oh bakit... baby!!!" Sagot nito na parang bata.
"Bakit di mo ako pinigilan..." pabulong kong sagot.
"Huh! Ako nga nag 1st move tapos pipigilan pa kita... hehehe..."
"What!, so hindi ako ang naunang nag move... hayyyy akala ko ako!"
------------------------------
Alfred's POV
"WHATTTT!!!"
Nang sabihin niya iyon ay bigla itong yumuko at may sinasabi pa ito pero hindi ko na marinig dahil para akong binuhusan ng napakalamig na tubig ng makita ko ang luha na umaagos sa mga pisngi nito.
Kahit masakit ang aking likuran ay mabilis akong tumayo at niyakap ito.
Ramdam ko ang pagpupumiglas nito pero sa mga bisig ko at patuloy na pag iyak nito... kaya naman halos tumalon ang puso ko at para akongg bata ng bigla itong yumakap sa akin at magsalita ito...
"Alfred... Mahal na Mahal kita.... huhuhu..
..Bakit, bakit ngayon ka lang bumalik.... Hindi ko na kaya ang pagtatago at pagpipigil ko... alam mo ba na ikaw talaga ang sinisigaw nito... (turo sa dibdib nito)....Alam mo ba ng makita kita sa ER noong 1st Day mo, halos gusto kong tumalon sa bisig mo dahil ... dahil hindi ako nagkakamaling ikaw ang nasa harap ko. Mag iba man ang itsura mo alam ng puso at isip ko kung sino ang tinitibok nito...
... ilang taon kitang hinintay... huhuhuhu
(tulo uhog nito na sunod sunod ang paghikbi)... ilang taon akong umasa kahit alam kong kasalanan ang ginagawa ko... Umaasa at nangangarap ako na kahit makita man lang kita masaya na ako... Natakot ako na baka kinalimutan mo na ako o kaya ay pagtabuyan mo ako oras na magkita tayo...
Kaya naman lahat ng pag iwas ay ginagawa ko dahil natatakot ako na pinagtitripan mo lang ako at oras na mahulog na muli ang loob ko sayo sasabihin mong may iba ka nang minamahal...
Kaya naman mas pipiliin ko na lang masaktan habang buhay at maghintay sa wala than malaman kong may iba ka ng Minamahal."
Wala akong masabi sa mga sunod sunod na sinasabi nito.
Ang tanging nagawa ko ay irub ang likod nito at pakinggan ang lahat ng sinasabi nito.Iyak ito ng iyak ng matapos nitong sabihin ang lahat ng pangungulila nito sa akin... ng matapos itong magsalita ah pinatong nito ang baba nito sa kaliwa kong balikat at niyakap ako nang mahigpit...
Kaya naman nang magharap kaming dalawa ay agad ko itong hinalikan, alam kong nagulat ito sa ginawa ko pero wala itong nagawa lalo na at alam kong naramdaman nito ang lahat... ang halik kong punong puno ng pagmamahal...
...agad naman itong sumagot at dahil galing ito sa pag iyak kaya naman nag give way na ito at ako ang nanalo upang mag lead sa pagtagisan ng aming labi.
Halos napapa ungol na ito ng sipsipin ko ang dila nito at hingal kabayo kaming naghiwalay saglit. Subalit muli nagbalik kami sa aming paghahalikan ng biglang may narinig kaming boses sa likurang bahagi ni Anton.
"OH MY GOD....ANTON???!!!!!"
Kita ko ang pagkagulat ni Anton ng marinig nito ang boses ng dumating..
"......."
--------------
Itutuloy...
JuanDer25
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...