Twenty-7: Pizza Break

769 41 10
                                    

Alfred's POV

Ilang araw ko ng hindi nakikita si Anton, simula ng huli ko siyang nakitang nagpractice sa Basketball Court na may malaking  pinagbago.

Ang napakaamo nitong mga mukha na halos ngayon ay laging seryoso.

Ang mga ngiti nitong nagpapakilig sa akin at higit sa lahat ang tinig nitong parang kuryente na siyang nagbibigay lakas sa aking kamalayan.

Tanging sa palihim na pakikinig ko sa mga kwentuhan kaya ko nalaman kung nasaan na si Anton, nagulat ako na siya pa talaga ang naghanap ng bagong lugar na pag papraktisan nila, upang makaiwas sa akin.

Ayokong magtanong dahil ayaw ni Anton na magtanong ako sa mga tao dahil alam kong binaon na nito sa limot ang nakaraan sa amin.

Kaya sa tuwing naiisip ko ang mga iyon may mga mumunting luha ang tila gustong kumawala sa aking mga mata, na tila isang sakit na unti unting nagpapahina sa akin. Habang tumatagal para akong nawawalan ng buhay sa pangungulila sa kaniya. Kaya madalas natatanong ko na lang ang sarili ko "May pag asa pa ba... susuko na ba ako? "

Hindi ko alam ang buong dahilan bakit nagkaganito si Anton. Nasasaktan ako ng sobra. Ilang taon akong naghintay at tiniis ang sakit na hindi ko siya makita at mahawakan man lang ang kaniyang mukha. Alam kong siya na ang buhay ko pero ganoon din ba siya sa akin?

Linggo linggo akong nasulat sa kaniya, pero kahit isa sa sulat ko ay walang naging sagot, hindi man nakapangalan sa kaniya ang sulat alam naman ni Mark na para kay Anton ang sulat kahit na sa kaniya nakapangalan ang mga ito.

Halos mabaliw na ako kakaisip sa mahal kong si Anton, sa loob kasi ng ilang taon lagi kong iniisip ang sulat na may nakatagong mensahe kung nabasa ba niya ito o hindi, ginawa ko iyon dahil iyon na lang ang paraan para masabi ko ang dahilan pero sana nagawa niyang malaman iyon.

Binasa pa nga ng aking mga magulang ang aking sulat upang masigurong walang iba akong sinulat  at masiguro nilang wala akong sasabihin dito. Nagmakaawa ako sa mga magulang ko na makausap ko man lang si Anton subalit tanging simpleng sulat lang sila pumayag at iyon nga ang sulat na naibigay ko.

Alam kong pinanghawakan niya ang usapan naming walang sikreto at walang iwanan. Tanging ang pangako ko at pagmamahal ko dito ang naging sandata ko upang lumaban. (Naiiyak si Author sa mga lines pati sa pagkawala ng cp niya).

Mahal na mahal ko si Anton, kaya naman kahit na maraming indecent proposal akong natatanggap kahit na saglit pa lang ako dito sa Pinas ay hindi ko iyon pinapansin sa pag asang magiging kami muli ni Anton.

Madalas ay mga tagong silahis na doktor at Nurses din dito sa hospital ang nagpapahiwatig sa akin. Pero mas marami ang mga kababaihang kulang na lang ay kainin ang mukha ko kapag nadaan ako sa mga hallway at nag ra rounds sa mga wards. Kahit mga pasyente ay kinikilig pag nakikita ako. Subalit College pa lang ako ay si Anton na ang nag iisang para sa akin na pinangako kong mamahalin ko at wala ng iba.

-------------------

Anton's POV

Sa Emergency Room

Simula ng makita ko si Alfred sa Basketball Court ay muling nagbalik sa akin ang lahat ng pait na nakaraan. Kaya naman ako na ang gumawa ng paraan upang makaiwas. Naghanap ako ng Court na maaari naming pag practisan dahil ang totoo niya  ay may kung ano sa aking sa aking dibdib na nagbibigay saya. Ewan ko, pero after ng muli akong makahawak ng bola muling nagbalik sa akin ang lahat masasayang araw bilang isang basketbolista.

Kahit pala matagal mo ng kinalimutan ang lahat oras na makahawak kang muli ng bola ay parang magic lang na hahanap hanapin mo ang tunog ng bola sa sahig, ang adrenaline mo na magawang madala ang bola sa kabilang bahagi at magawang mai shoot ang bola.

Nasa ganoon akong pag mumuni muni ng biglang may pumasok sa loob ng ER at pinukaw ang aking atensyon ng lalaking may dalang pitong box ng pizza, hindi ko ito pinansin dahil inisip ko na siguro ay isa sa mga kasamahan ko iyon pero walang nalapit. Nang iikot ko ang aking paningin napansin ko na halos lahat ay may ginagawa kaya naman nilakasan ko na lang ang boses ko upang mapansin ng lahat.

"Guys, Kaninong order ng pizza ito?" Tumingin ang lahat pero walang umako..

Kaya naman kinausap ko ang lalaking may dala.

"Kuya kanino pong order yan..."
"Sir, Wala pong sinabi pero nakalagay ay sa ER daw ibigay... Don't worry sir bayad na po ito..."
"Ahhhhh ok..." kinuha ko na lang ang pizza at ako na ang pumirma.

Mga ilang minuto pa ay tila nawalan ng pasyente sa ER na parang may anghel na dumaan.

Kasabay noon ang isang lalaking mabilis na nananakbo papasok ng ER, sasawayin ko sana pero napatigil ako ng makita ko kung sino ito..... si Alfred o si Dr. Tan....

Napansin kong nakatitig ito sa akin kaya naman halos uminit ang ulo ko kasi alam niyang ayokong kami ay nag uusap pero parang nabingi ako ng lumapit ito at may sinabi na nagpagising sa diwa ko.

"I'm sorry... wala ako ng dumating yung order ko. anyways guys let's eat... treat ko sa inyong lahat..."

Napa "oh" na lang ako mentally.

Nang sabihin niya iyon ay parang kabute ang mga kasamahan ko dahil biglang dinagsa ako sa pwesto ko.

Pero bago pa makuha at mabuksan ng lahat ang pizza ay napansin kong kinuha ni Alfred ang isang box na nasa ibabaw na bahagi.

Maya maya ay sunod sunod na bote ng softdrinks ang dumating na dala ng mga Orderly...

Hindi ako makakuha ng pizza dahil parang nagdadalawang isip ako. Kaya naman umalis ako sa kinauupuan ko at kumuha ng bote ng softdrinks at umupo sa kabilang table.

Pag upo ko sa kabilang side ay may biglang lumapit na orderly sa akin at inaabot ang isang box ng Pizza.

Napakunot ako ng kilay pero sinabi nito na napag utusan lang siya. Sinabi din nito na mayroon din sila sa barracks nila kaya ang dala niya ay para talaga sa akin.

Pagbukas ko ng box  nakita ko ang laman nito. " Super Overload cheese with bacon and ham." Ang paborito ko.... Agad kong naisip kung sino ang nagbigay dahil isa lang ang nakakaalam na ito ang gusto ko, instead na matuwa ako ay nainis pa ako sa ginawa niya.

Kaya lang nang hanapin ko ang kinalalagyan nito ay kinilabutan ako... muli kong nakita ang binatang may napaka among mukha na kanina pa pala nakatingin sa akin. Ang binatang halos di na kumukurap matitigan lang ako. Hanggang sa may napansin akong emosyon sa mata nito... kaya lang Hindi ko ma express sa salita ang nais nitong ipahiwatig.

Nagulat na lang ako ng mabilis na naglaho ang emosyong iyon at umiwas ito ng paningin.

Pero nagulat ako...

Nagulat ako sa sumunod nitong gawin....

Itutuloy......
JuanDer25





My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon