Alfred's POV
Nagulat ako ng biglang inabot ni Anton ang bote sa harap ko. Tapos ay tumalikod ito at di na nito hinintay marinig ang sinabi ko.
"Thank you... thank you mahal ko.." bulong ko.
Nalaman ko din na kasama pala ni Anton ang anim pang babae na nakabangga sa akin.
Dahil rinig ko ang kilig sa mga ito ng sumabay ito kina Anton, akala ata ni Anton ay di na ako nakatingin sa grupo nila kaya naman ng saglit na tumingin ito sa akin ay kitang kita ko ang pagkataranta nito nang malaman niyang nakita ko siyang saglit na tumingin.
-------------------------------
Anton's POV
Nakita ko ng mabangga si Alfred ng mga kaibigan ng kasintahan ko at malaglag sa kamay nito ang boteng hawak nito na halos mamutla ito ng malaglag at gumulong ito.
Hindi ko sana papansinin ang nangyari subalit may kung ano ang nagtutulak sa akin na damputin ang water bottle.
Paglapit ko sa bote ay halos manlaki ang mata ko dahil... dahil ang boteng nasa harap ko ay ang boteng matagal ko ng hinahanap o matagal ng nawala... akala ko noon ay nawala o naiwan ko ito sa kung saan.... pero eto at nasa harapan ko lang.
Mabilis kong dinampot ang bote at ininspect. Agad kong binaligtad ito at nakita ang isang bagay na magpapatunay na ito nga ang matagal ko ng hinahanap.
"Bakit... bakit na kay Alfred ito...." bulong ko.
Nainis ako pero nandoon yung saya sa puso ko na hindi pala ito nawala.
Gulat na gulat ako kung bakit tila bago pa din ito at mas mukhang mas bago pa sa original na itsura.
Sa sobrang saya ko ay iba ang naging tono ng pananalita ko.
Kaya naman instead na patanung nang maayos ay tila pagalit na pagtatanung ang nasabi ko."BAKIT... Bakit nasayo ito!?" Kita ko ang walang halong gulat o anu pa man sa mukha niya kundi isang emosyon na di ko ineexpect.
Gusto ko pa sana magtanong ng may biglang lumungkis sa akin. Ang kasintahan ko.
Hon, alis na tayo...." tapos ng mapansin nito kung sino ang nawa harap niya ay agad itong nagsalita na may kaunting kilig dahil kasabay ng pagsasalita nito ay pasimple itong kinukurot ako. "aaaahhhhh dok ikaw po pala... bakit po,...!
"Ahhhh kukunin ko kasi yung water bottle, nalaglag kasi.." agad naman na sumagot ito sa tanong ng gf ko. Sabay tingin sa hawak hawak kong bote.
"Ahhhhh hon, bigay mo na yan...." nang sabihin iyon ni Ella ay parang muli akong nagising at mabilis kong inabot ang hawak ko.
Kaya lang kanina ko pa napapansin na nagbabago ang mukha nito sa paulit ulit na pagsasabi ng gf ko ng hon sa akin, pero may parang kidlat akong nakita ng bigla itong tumingin sa akin at dahil doon ay napalunok ako sa nasaksihan.
Alam ko na napansin niya iyon kaya naman hindi ko na hinintay na magpasalamat ito at tumalikod na kami at umalis.
Paulit ulit na iniisip ko kung bakit nasa kaniya ang bote ko. Kaya naman may biglang pumasok sa isip ko na alam kong malabong mangyari....
Habang nasa ganoon akong pag iisip ay biglang sumabay sa amin ang mga kaibigan ng gf ko.
Bigla akong nainis sa mga kaibigan ng gf ko kasi ng makasabay namin ang mga ito ay si Alfred ang paulit ulit nilang bukang bibig. Paulit ulit ang mga ito na ang gwapo gwapo daw nito at mukhang masarap.
Gusto ko silang sawayin pero tumahimik na lang ako pero habang naglalakad kami ay muli ko siyang tiningnan pero bigla akong nagulat ng makita kong nakatingin pa ito sa akin.
Nang oras na iyon ay bigla akong kinabahan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
... "nagseselos ba ako o talagang ayoko lang marinig ang pangalan nito!"
"Waaaaaahhhhhhhhh....... BAKIT AKO NAGKAKAGANITO....!"
"BAKIT???.... BAKIT???..... ANONG GAGAWIN KO..... NAGUGULUHAN NA AKO!"
"I NEED HELP... PLEASE I NEED HELP..."
"Waaaaaaahhhhhhhhhh!"
"Bakit ka pa bumalik..... Alfred!"
Itutuloy
JuanDer25
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...