Sixteen: Love Hurts

791 39 22
                                    

Hello kay @jodo628 and @Akame_suzune

continuation...

Alfred's POV

Pagdating niya sa bahay nila Anton ay agad siyang nag doorbell.

Pagbukas ng pinto ay may isang magandang dalaga ang kaniyang nakita at....

Halos di maisalarawan ni Alfred ang pagkagulat ng makita niya ang dalaga sa harapan.

Hindi niya inakala na kahit siya ay nagulat ng makita niya ang babae sa bahay nila Anton. Siya ang kakambal nito, si Astrid.

Kung hindi pa nagsalita ang tao sa likod ng babae ay hindi pa siya maaalimpungatan.

"Anak, sinong dumating.?" sabi ng isang boses ng babae

"Ma, hindi ko po kilala... " nakatitig din ito sa akin ng sagutin niya ang tanong ng kaniyang ina.

"Sino po ang hanap mo?" biglang tanong ng babaeng kamukha ni Anton

"Ahhhh ehhhh...." garalgal kong sagot dito

"Hmmmmm"

"Kaibigan ako ni Anton, nandiyan ba siya?" sagot na mabilis sa kausap.

"Ahhh si Kuya Bal lang pala ang hanap mo... Pero wala pa kasi siya, nakakagulat nga na hanggang ngayon wala pa si Kuya. Ngayon lang iyon hindi sumabay sa dinner kapag wala siyang Hospital duty. Anyways, ano pon  kailangan nyo kay Kuya?"

"Ahhhh di naman importante, na low batt lang ako kaya instead na tawagan ko siya pinuntahan ko na lang kasi dadaanan ko din naman ang lugar niyo pauwi sa amin... Sige na po, una na ako.. Pasabi dumaan si Alfred, Alfred Tan... "

"Okay... Sige, sabihin ko na lang kay kuya pagdating."

Tumalikod na ako ng sabihin niya iyon upang makaalis.  Pero ang totoo ay hindi ako umalis nag stay lang ako sa kotse para hintayin si Anton.

Halos hindi na ako mapakali kasi kanina nag riring pa ang phone nito ngayon wala na nakapatay na. Halos ilang oras na din ako naghihintay pero wala pa ding Anton na dumadating.

Nakaidlip na ko sa loob ng kotse ng magising ako sa isang tunog ng sasakyan. Agad akong lumabas ng kotse para alamin kung sino ang dumating.

Halos mawala ang pangamba ko ng makita ko kung sino ang dumating.

Pagewang gewang itong lumabas ng taxi at kitang kita sa mukha nitong lasing na lasing ito dahil halos lumampas ito sa bahay nila para makababa.

Kaya naman ako na ang nagbayad sa taxi driver dahil tila wala sa sarili si Anton ng mga oras na iyon.

Maya maya ay umalis na ang taxi at tila babagsak ito dahil nakasandal pala ito sa taxi kaya naman mabilis ko itong hinawakan sa balikat upang maalalayan. 

"Masyado ka atang nagpakalasing,  Anton! "

"Ano, a..nong shaabee mo!, Taran.. tado ka pala ehhh... Ang lakas naman ng loob mong magpakita pa sa akin... Nasaan ang mga babae mo!!!!.. marami pala kaming pinagsasabay mo.  Ganyan ba kayong mga mayayaman... "

"Hinaan mo boses mo Anton,  baka marinig ka ng parents mo"

"ohhhwkay... hihinaan ko boses ko...  Pero... pero, pero ahhhhhh!!!....

Nakatingin lang ako kay Anton dahil wala akong maisip na dapat na maisagot.

"..... Alam mo ba na hindi ako makatulog after that night...  halos di ko alam gagawin ko kasi alam kong pumayag din ako... Kasi alam ko naaaa... na may kakaiba na dito sa bwisit na puso kong ito." nakatitig ito sa akin at paulit ulit na tinuturo ang dibdib niya.

"You know what, before wala lang sa akin lahat kasi kaibigan kita. Diba bestfriend pa nga kita. Pero nagulat na lang ako na may ibang kabog ang dibdib ko... Every time i see your face, everytime i see youur smile... Your freaking smile halos mabaliw ako kasi alam kong hindi na bilang kaibigan ang tingin ko sayo...

...Nilabanan ko iyon kasi alam kong mali kasi alam kong pinagti-tripan mo lang ako! Pero nang gabing may mangyari sa atin napatunayan kong hindi lang kaibigan ang nais ko."

Napaupo ito sa gutter ng kalsada na malapit sa bahay nila. Yumuko ito at niyakap ang buong katawan samantalang kita ko ang pagtulo ng luha nito sa kaniyang mga mata.

Umupo lang ako sa tabi nito at hinayaan kong ilabas nito ang sama ng loob niya pero nandoon yung pangamba ko na isuko niya ako kahit di pa kami nagsisimula. Isipin ko pa lang iyon ay talagang kumikirot ang dibdib ko.

"Lumayo lang ako saglit dahil gusto kong malaman kung ang nararamdaman ko sayo ay genuine at mapatunayan kong tama ang nasa isip ko. Pero bakit ganoon Alfred... Bakit ganoon...

...alam mo bang kaya ko kaaama si Pia kanina ay nagpaoatulong ako sa kaniya na hanapin ka dahil wala akong lakas ng loob para harapin ka kasi.... Kasi Alfred Mahal na kita...  Pero gagaguhin mo lang pa ako!!!! "

Sa huling sinabi ni Anton ay tila nabuhayan ako ng loob kaya naman agad akong sumagot ng buong puso.

"Anton, Oo, may kasalanan ako pero Sheena is my friend, dati nililigawan ko siya dati iyon kasi mas pinili naming maging magkaibigan."

"So kaya sa akin mo ginawa ang kalokohn mo Alfred,  akala ko wala lang itong feelings ko sa iyo pero after what i heard this morning parang binagsakan ako ng langit at lupa. But who am i to expect from you. lalaki ka nga pala at gwapo pa at higit s lahat mayaman kaya sino ako para sayo. Tangina ayokong maging bakla...."

Huminga ako ng malalim tapos tumingin ako sa langit at nagpatuloy sa mga sinasabi ko. Kasi alam kong nasaktan ko nang husto si Anton ayon na din sa sinasabi niya.

"....last week I am really mad at myself halos di na ako kumain at wala na ako sa aking sarili dahil sa nangyari... Hindi ko muna insip ang mararamdaman mo dahil nadala na ako sa init ng katawan ko. Hindi ako kumakain, hindi ako napasok at di na rin ako nalabas ng bahay. 

Kaya naman nag alala ng husto sa akin si Manang. Kahit ang mga tropa ay walang magawa sa akin kasi di nila alam ang pinag dadaanan ko.

.... natatakot akong lapitan ka dahil baka lalo ka lang magalit sa akin. Kaya naman nang nalaman ni Sheea ang nagyayari sa akin ay hindi siya nag atubiling kamustahin ako."

Tahimik lang si Anton habang nag eexplain si Alfred. Kasi alam nitong di may pinagdadaanan din ang katabi.

"... I am very sorry kasi nasabi ko lahat kay Sheena except for one thing... and that is... and that is You..  Hindi niya alam na lalaki ka!, kaya naman ganoon ang nasagot niya sayo. Kasi kung nasabi kong lalaki ka at alam niyang ikaw ang dahilan ng pagkabalisa ko siguro iba ng sasabihin niya."

"I am very soooorryy Anton.  Please, saktan mo ako lahat gawin mo pero pls wag kang lalayo sa akin..  Kasi... Kasi mahal na mahal kita... "

Niyakap ko si Anton pagkatapos kong sabihin ang mga iyon, ramdam ko ang pagkagulat nito pero maya maya ay naramdam ko na din ang pagkalma nito.

Maya maya ay umiyak na lang di Anton sa bisig ni Alfred....

Nang matapos itong umiyak ay inaya ni Alfred si Anton na wag munang pumasok ng bahay at sumama na muna sa kaniya para pumunta sa isang Coffee shop malapit sa bahay nila Anton.

-
-
-

Itutuloy.....
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon