Alfred's POV
Anong gagawin mo kapag na starstruck ka?
Ang masama nga lang sa kapwa mo... Gwapo at Matalino?
Hahaha"Oo, di ko inakala na dadating sa point na yung binatang makikilala ko sa Basket Ball Court na inaway ko, ay magiging bestfriend ko pa pero ang masama nga lang eto may kung ano na sa dibdib kong gustong kumawala"
Noon pa man nakikita ko na siya sa University, dahil nga sa sikat siya dahil na rin isa siya sa hinahangaan ng mga estudyante at isa ay may angking kagwapuhan pa daw ito, mabait at magaling pang maglaro ng basketball.
Hindi ko siya kilala personally pero obvious naman na mabait siya dahil nangyari noon sa basket ball Court.
Tanda ko pa nga noong nakaupo ako at malalim ang iniisip. Nang biglang may lumipad na bola sa akin. Buti na lang mejo mabilis ang reflexes ko at hindi tinamaan ang gwapo kong mukha (hahaha!!!)
Nang makita ko kung saan at kanino nanggaling ang bola. Instead na magalit ako ay hinayaan ko na lang siya. Kasi wala akong magagawa lugar niya naman talaga yun ako lang ang tangang pumwesto sa Court.
Dahil na rin sa problema ko di ko magawang ngumiti at mukhang naging panget ang dating sa kaniya ng pinakita kong pagtrato.
Pero humanga ako sa kaniya noong kahit wala naman siyang fault sa nangyari still humingi pa rin siya ng dispensa. Not just once, twice or thrice.... Umabot ata ng 7x iyon..
Noong hinabol pa talaga niya ako noong naglalakad ako habang kasama ko ang aking mga tropa, para lang humingi uli ng dispensa.... ay talaga namang humanga ako.
Hayssss....di ko alam ung pakiramdam ko noon,natanong ko tuloy ang pagkalalaki ko ng mga oras na iyon.
Siguro napansin ng mga tropa ko ang inasta ko kaya naman nagulat ang mga ito ng mag iba ang asal ko sa binata, kaya naman nagpatay malisya na lang ako ng oras na iyon hanggang makaalis ito sa aming harap.
Alam kong may mga tanong ang mga kaibigan ko pero mas pinili nilang tumahimik na lang.
Isang araw nagulat na lang ang mga tropa ko nang isama ko nga si Anton sa bahay namin upang makalaro ng basketball at makainuman na din.
Halos gulat na gulat ang mga ito na tila mas matalino pa si Anton sa amin, pero iba talaga ito dahil mas nanaig ang pagiging makumbaba.
------------------------------------
Ngayon nga ay napagtanto kong hindi lang paghanga ang nararamdaman ko sa binata dahil ng makatabi ko ito sa kama ay lumabas ng kusa ang nararamdaman ko at nasabi ko sa kaniya ang mga katagang matagal ko ng tinatanong sa aking sarili.
Kaya naman kahit mukha na akong tanga ay gagawin ko ang lahat upang masabi ko dito ng totoong nararamdaman ko.
"Finger cross" hahaha. Magko confess na ako sa kaniya. Sana tanggapin niya ang saaabihin ko dahil ikakabalisa ko ng husto ang lahat kapag natanggihan ako nito.
Halos matagal tagal na din akong naghihintay kay Anton.
Ang kamay ko na mamula mula, ngayon ay tila isang balat ng bangkay sa sobrang kaputian at kawalan ng dugo nito. Ngayon lang ako naging ganito.
Bigla akong napatalon sa aking kinauupuan ng may biglang kumatok sa bintana ng aking sasakyan.
Mas tila nawala ang dugo sa aking katawan ng makita ko maamo, mapungay nito na talaga namang nagpabago ng sirkulasyon ng dugo ko lalo na parteng iyon. "hahahah! " Kaya kita ko ang pagtataka nito sa mukha ng mapansin nito ang nangyayari sa akin.
Bubuka pa lang ito upng may sabihin ng unahan ko itong magsalita.
"Sakay na, may puntahan pa tayo!" pero ng simulan kong paandarin ang mkina ng sasakyan muling bumalik ang matinding kaba sa aking dibdib.
Dahil mamaya at magtatapat na ako dito. Sana... Sana... Sana...
Haysssss....Itutuloy
-JuanDer25
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...