Eighteen: No more _______!

741 39 10
                                    

Author'Note

Kaya po ganyan ang title niyan kasi di ko maisip ang right word.

So kayo na lang mag isip ng mas magandang title for this Chapter.

-----------------

Kinilabutan si Alfred sa tingin na iyon, sa isip niya tumaktakbo ang maraming dahilan pero nangibabaw ang isang bagay... "at ito ay maaaring ang huling araw na magkikita silang muli.. "

"Tara na, uwi na tayo umaga na pala." sabi ni Anton

Di sumagot si Alfred kundi tumngo lang ito. Gusto nyng magsalit kaya lang mahahalata na naiiyak na siya.

Tumalikod agad si Alfred at patagong pinunasan ang tila madayang luha na tumulo mula sa kaniyang mga mata.

Bigla siyang nagulat ng umakbay si Anton sa kaniya at nagsabi..

"Tol, Hatid mo ako ahhh... Wala na akong pera kasi..." pero ang totoo ay nagdadahilan lang ito para makasama pa si Alfred.

"Ahhh ok... No problem..." sagot ni Alfred sa lalaking naka akbay sa kaniya.

Habang nasa byahe tahimik lang si Alfred, samantalang nakapikit si Anton.

"Anong gagawin ko parang ok na siya... " bulong ni Alfred sa isip niya.

"Nasasaktan ako,  gusto kong umiyak pero hindi sa ngayon. Ayoko na!, Pero ayaw ko siyang mawala. " tumingin saglit si Alfred kay Anton na puno mg emosyon. Biglang binalik ni Alfred ang tingin sa kalsada ng biglang gumalaw si Anton.

-----------------

Anton's POV

Halos isang oras din kaming nasa coffeeshop pero hindi kami nag uusap tila kapuwa kami may sariling mundo. Gusto ko siyang kausapin pero wala akong lakas ng loob dahil baka para sa kaniya isang laro lang ang lahat. Natatakot ako sa maaaring lumabas sa bibig niya. "huhuhu!"

Kaya ng wala talagang gustong magsalita ay binasag ko ng katahimikan.

"Tara na, uwi na tayo umaga na pala." pagbasag ko sa katahimkan naming dalawa.

Tumingin lang ito at tumayo. Halos manlambot ako ng makita ko ang mapupungay na mga mata nito na obvious na may malalim na iniisip. "Putcha... Ang gwapo pala talaga ng bestfriend ko."

Kaya lang tumango lang ito at mabilis na tumalikod. Nagulat nga ako ng makita kong pasimple niyang pinunasan ng kaniyang mg mata na may luha.  "Luha, bakit may luha..."

"Teka,  may ginawa na ba akong maaaring magpaiyak sa mokong na ito! " Nang makita ko iyon, ewan ko parang gusto ko siyang yakapin para tanungin pero awkward naman siguro kung gagawin ko iyon.

Kaya naman inakbayan ko na lang ito. Nagulat ako ng tila may isang malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan mula kay Alfred. "Wahhhh..." nainis lang ako kasi parang ako lang ang nakaramdam noon kasi di pa rin ito nagsalita. Kaya naman agad kong nagsalita dito

"Tol, Hatid mo ako ahhh... Wala na akong pera kasi..."

"Ahhh ok... No problem..." sagot ni Alfred sa akin.

"Ano bang problema ni Alfred at ayaw ako nitong pansinin. Teka, tama ba nasa isip ko. Sa pinapakita ng mokong na ito na, na.... Na malungkot ito at iniisip nitong.... No..  No...  No... Mahal ako Ni Alfred?." tanong ko din sa aking sarili.

Naglakad kami na halos magkasabay at mula ulo hanggang paa nito ay sinuri ko.

Samantalang nakayuko lang ito at hindi talaga ako pinapansin hanggang sa makarating kami sa parking.

Nagkunwari akong inaantok na at agad na pumikit ng makapasok sa kotse nito. Matagal tagal din bago ito umalis bukas lang ng makina ng sasakyan at nakaupo lang ito paulit-ulit ang pag buntong hininga at tingin sa akin.

Lumambot ang puso ko sa nakikita kong paghihirapa ni Alfred. Doon ko napatunayan na mali ng nasa isip ko.

"hahaha chicks na chicks ako sa nakikita kong mga emotion ni Alfred towards me." sabi ko sa isip ko.

Niyakap pa nga nito ang manibela sa nakikita ko dito Sobrang naaawa na ako. Kaya nag decide na akong imulat ang king mata pero nakita kong hinawakan na nito ang kambyo at umandar na ang sasakyan.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang si Alfred, samantalang pinapanood ko ng lahat ng galaw ni Alfred

"Ang lalim ng iniisip ni Alfred... "

Kinilabutan ako ng tumingin ito sa akin at tumulo ang luha nito, kitang kita ko ang maamo nitong mukha na punong puno ng kalungkutan.

"Wahhhh... Anton ang ginawa mo sa bestfriend mo.. Haysssss!"

Sa sobrang gulat ko sa nakikita kong weak side nito ay napahinga ako ng malalim kaya naman bigla itong bumalik ang tingin sa kalsada.

Hindi na ito muling tumingin sa akin hanggang makarating kami sa bahay namin. 

Pagdating sa tapat ng bahay namin ay hindi nito ako ginising bagkus ay nakaupo lang ito at paulitnulit na hinihilot ang noo nito ng kaniyang kaliwang kamay.

Hindi niya napansin na nakamulat na ako.

Kaya naman ng magsalita ako ay kita ko ang gulat nito sa mukha at hindi niya naitago ang nmumula nitong mga mata.

Bago pa ito makpagsalita ay nilapit ko na ang mukha ko dito at buong puso ko itong hinalikan sa kaniyang mga labi. Napakainit ng mga labi nito at napakalambot.  Ramdam ko ang pagpipigil nito pero ng maramdaman niyang hindi ako lumalayo ay nag give way na ito at sumagot na din ito.

Nang maghiwalay kaming dalawa ay naghabol kami ng paghinga.

Magsasalita sana ito pero tinakpan ko ng aking mga daliri ang kaniyang bibig.

"Stop! Ako muna... Alf" sabi ko dito.

Kita ko ang gulat na gulat na mukha nito.

"Alf,  I... like you..." sabi ko dito na nakatitig sa kaniyang mga mata.

"...Ewan di ko alammm... pero di ko maexpress o mapaliwanag kung ano ba talaga pero isa lang tamang word for that and that is....

...I love you na ata Alf... " tila naging bato ito sa sinabi ko kaya naman sinundan ko agad ang sinabi ko dito.

"Alam mo...kaya ako tahimik simula kanina pa dahil isip ako ng isip kung "Mahal mo ba talaga ako!" o any moment sasabihin mong joke lang lahat oras na sabihin kong mahal na kita....

....pero alam ko na mahal mo nga ako... at mahal na mahal mo ako... Kasi kanina pa kita pinapanood..."

"Tol... Kung sasabihin ko sayo na pwede ba kitang maging  boyfriend o be my partner... papayag ka ba!? "

Nang sabihin ko iyon ay hindi na ito nagsalita nagulat na lang ako na nakita ko na ang ang sarili ko na nakadikit na ako sa pintuan ng kotse nito at hinahalikan ako nito. Nakapatong ito sa akin halos kilabutan ako ng maisip ko ang itsura naming dalawa. Nagulat nga din ako paano nya nagawang magingngnoon ang aming pwesto kasi ng lumayo ito s akin ay hirap na hirap itong bumalik sa pwesto niya.

Natawa na lang ako ng makita kong parang bata itong hirap na hirap makabalik.

"Yes... Yes...  Anton pumapayag ako!  pero akala ko ayaw mo sa akin. Kasi yung pinapakita mo sa akin kanina pa, parang ang lalim ng iniisip mo na any moment sasabihin mong ayaw mo na akong makita"

"Yan tayo ehhhh... Tinanong mo ba ako?, hindi mo naman alam nasa isip ko?. Kaya paano mo nasasabi yan...

...Ang totoo i thought you dont like me and any moment na sabihin kong mahal kita ay tatawa ka at sasabihin mo sa akin na pustahan lang ang lahat... Yun ang kinakatakot ko, natatakot ako na mawala ka sakin"

"No! No..."

..... hahaha so meaning pareho lang tayong nag iisip ng kung anu ano.

....Pero Wag mong isipin yan.. I love you so much Anton... Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal... "

Itutuloy
JuanDer25

My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon