Hanggang matapos ang program at umiiyak pa rin si Anton. Akala talaga ng lahat ng tao ay na nao overwhelm lang talaga si Anton kaya hinayaan na lang nila ito.
Paglabas ng Venue ay bumulong si Anton sa Mama niya at kapatid na wag ng kumain sa labas.
Sinabi nitong umuwi na dahil sa hotel sila matutulog ng araw na iyon. Nagulat ang ina nito pero ng sabihin ni Anton na pinag ipunan niya naman iyon ay di na sila nagtanong pa.
------------------
Sa hallway...
Habang naglalakad palabas ng Venue si Anton ay nakita niya si Sheena, na nakaupo malapit sa Exit kasama ang mga classmate nito. Ka-batch niya kasi ito kaya nandoon din ito sa lugar.
Nakilala niya na din si Sheena ng maging sila na ni Alfred pinakilala na siya nito sa babae. Kaya simula noon ay hindi na siya nagseselos pag magkasama ang dalawa dahil malaki ang tiwala nito kay Alfred.
Iiwas sana siya pero nagulat siya ng makita niyang nakatingin sa kaniya si Sheena.
Kaya naman lumapit na siya dito. Nang mapansin ng mga kaibigan ni Sheena na parating siya ay umalis muna ang mga ito.
"Anton, Congratulations!!!! Grabe ang talino mo pala talaga. Anyways, bakit wala ka the other day ng hinatid namin si Alfred?"
Nakatingin lang ako dito, dahil my mind is all over the place. Wala ako sa sarili ko ng sabihin niya iyon. Parang nabingi ako ng sabihin niya ang pangalan ni Alfred
"Hey... Anton! Hello... "
"Oh.. Yes sorry may iniisip lang ako! "
"Ahhhh anyways, biglaan talaga ang pag alis ni Alfred nagulat nga ako kasi ang alam ko hindi nya tinanggap yung Acceptance niya sa Harvard tapos bigla bigla na lang malalaman ng lahat na aalis na pala siya at tinanggap pala niya yung pag aaral sa US."
Sa narinig ni Anton lalo lang siya naguluhan.
"Mahal ba talaga ako ni Alfred? Bakit di niya masabi sa akin ang mga ganoong bagay. Nagtiwala ako sa kaniya pero bakit... Bakit ako himdi niya kayang pagkatiwalaan..." bulong ni Anton sa kaniyang sarili.
"Ganoon talaga minsan kailangan din natin ng bago... " sagot ni Anton kay Sheena.
Nagpaalam na si Anton ng mga sandaling iyon dahil muling gumigilid ang luha niya.
"Tang ina ano ba ako sayo Alfred, tau-tauhan..." kulang na lang ay dumugo ang mga kamay nito sa sobrang sama ng loob niya.
-------------------
Sa Hotel...
Pagdating sa Hotel ay nagulat si Anton ng makita niyang naka park sa parking ang kotse nila Paul at James.
Halos manlaki ang mata niya ng makita niya ang buong tropa na nasa Hotel na pinuntahan nila.
Pero kung siya ay nagulat halos di naman mapakali ang mga ito ng makita nila si Anton sa same Hotel na pinuntahan nila.
Ang bilis magsipaglaho ng mga ito pero naiwan si Jess at James upang salubungin siya.
"Anton, kamusta... Congratulations nga pala sa Graduation niyo kanina i heard na Manga Cum Laude ka daw."
"I'm not ok, pero I'm with my mom at my sister nag check-in din kami dito."
Paalis na sana si Anton para bumalik sa pwesto nila ng family niya ng may lumapit na babae na isang Staff sa Hotel at marining ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
Roman d'amourSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...