Kaya lang nang hanapin ko ang kinalalagyan nito ay kinilabutan ako... muli kong nakita ang binatang may napaka among mukha na kanina pa pala nakatingin sa akin. Ang binatang halos di na kumukurap matitigan lang ako.
Hanggang sa may napansin akong emosyon sa mata nito... kaya lang Hindi ko ma express sa salita ang nais nitong ipahiwatig.
Nagulat na lang ako ng mabilis na naglaho ang emosyong iyon at umiwas ito ng paningin.
Pero nagulat ako...
Nagulat ako sa sumunod nitong gawin....---------------------------
Anton's POV
Saktong sinubo ko ang isang piraso ng pizza ng......
Bigla itong kumindat sa akin at may pagkagat pa ng labi...
"Wahhhhh!!!!" Para akong natuyuan ng laway sa bibig at nabilaukan sa nasaksihan. Kitang kita ko ang naging reaction niya ng makita niya ang pagkataranta ko.... kaya naman mabilis kong inimom ang softdrinks na kinuha ko dahil kapag wala pa akong ginawa ay lalapit ito. Ramdam ko na namula ako ng mga sandaling iyon...
Kaya ng muli ko siyang tingnan at halos mainis ako ng makita ko ang ngiting tagumpay nito.
Ewan ko kung bakit ganoon ang naging reaction ko sa ginawa niya dahil alam ko sa isip ko na wala ng Alfred sa puso ko.
Pero sa ginawa niya muling nagbalik sa akin ang mga sandaling lagi siyang nagpapa cute sa malayo noong College pa ako at ang ginawa niyang iyon ay nagpanumbalik sa alaalang lumipas....
Kaya naman para makaiwas sa awkward na sandaling iyon ay mabilis akong tumayo at tumungo sa cr.
"I hate you, Alfred... Pinasasakit mo ulo ko! Ģgggrrrrr!" Bulong ko habang lakad takbo akong pumunta sa CR.
---------------
Alfred's POV
Hindi ko alam gagawin ko ng makita ko siyang halos di makahinga ng mabilaukan ito... Nanjan yung gusto ko itong lapitan at mag Heimlich Maneuver ako., o kaya i mouth to mouth ko siya..... hahaha naughty... "resuscitate po" hindi torrid kiss...
Pero deep inside... nasabi ko na lang na "I love you, Anton thank you dahil malakas pa din pala tama mo sa akin...!"
I feel the heat and surge of my blood flows sa buong katawan ko kaya naman kakaibang ngiti ang naisukli ko ng makita ko siyang muling tumingin, halos di ako mapakali ng unti unting naninigas ang aking pagkalalaki.
Nakita ko itong umalis pero di ko na siya sinundan dahil ayokong masira ang plano ko. Kahit gustong gusto ko siyang sundan ay tiniis ko upang kahit mismo siya ay mahirapan sa pag iisip.
After that day hindi ko na din siya pinansin, dahil naging mailap ito. Kaya naman nag focus din ako sa mga practice ng team.
--------------------
"Today is the day..." bulong ko pero masyado akong busy dahil kahit na ER duty talaga ako ay kailangan ko din mag checkup and rounds sa Neuro and Cardio Department dahil iyon naman talaga ang specialty ko.
After na makapag rounds ako ay nakatanggap ako ng sunod sunod na text messages from my co-doctors na kasama ko sa Team ng basketball.
Nang mabasa ang mga messages ay natuwa ako ng husto dahil sa wakas ay makakapaglaro na din ako at makikita ko si Anton na maglalaro.
Pagdating ko sa Gym ay laking dismaya ko ng malaman kong tapos na ang unang game sa pagitan ng Nursing at Respiratory Department.
Napag alaman ko din na hindi naglaro si Anton dahil unang quarter pa lang ay natambakan na ng team nila ang kalaban kaya nanood na lang daw ito.
Kaya naman instead na ako ang makapanood sa kaniya ay siya ang makakapanood sa akin.
Pagdating ko sa lugar ay pasimple akong napangiti dahil may malaking banner at malakas na cheer ang maririnig sa Gym. Pangalan ko ang madalas na maririnig, tulad ng dati pinakita ko pa din ang supladong ako. Tumingin ako ng bahagya at ngumiti pero after noon ay wala na akong pinakita pa.
Ang lakas ng mga tili ng mga Kababaihan sa Gym lalo na ang mga nasa Nursing department. Nasabi ko na sa isang tao lang muling lalabas ang kengkoy kong ugali at kay Anton lang iyon.
Agad kong hinanap kung nasaan si Anton, hindi naman ako nahirapan dahil nangingibabaw ang kagwapuhan at kakisigan nito. Subalit katabi nito ang kasintahan at halos mainis ako ng makita ko kasweetan ng dalawa. "hayssss lalaban ako... alam kong may puwang pa ako sa puso mo, Anton... balang araw masasabi ko din ang dahilan... ang dahilan kung bakit kita iniwan... Masasabi ko din sa lahat kung gaano kita kamahal..."
Natapos ang laro sa pagitan namin ng Medical at ng Pharmacy. Maganda ang laro pero mas nanaig kami dahil na rin mas matagal kaming naka pag practice dahil kita sa mga laro nila na wala silang practice dahil wala silang mga play...
Kay kasunod pang game pero di na ako nanood dahil babalik ako sa duty ko. Habang naglalakad ako ay biglang bumangga samlikuran ko kaya naman nabitawan ko ang dala kong water bottle, ang water bottle na pinak iingayan ko..., rinig na rinig ko ang paghingi ng sorry ng isang babae kaya naman humarap ako upang makita ang boses.
Pag harap ko mas nagulat ako ng mag tilian ang mga nasa harap ko. Grupo sila ng anim na babae.... "dok sorry po...." "girl ang swerte mo naman nakabangga mo si dok" "hahahah sana ako din" pahabol pa nung isang babae.
Hindi ko muna sila pinansin dahil hinahanap ko ang water bottle na nalaglag... Nang makita ko kung saan napunta ay nakita kong may pumulot. Pag dating ko sa harap ng pumulot ay nakita ko ang napakaraming emosyon sa binata.... Gulat na gulat ako na sa dami ng maaaring makapulot ay siya pa.. si Anton.
Alam kong nakilala niya ang water bottle niyang hawak dahil ang hawak niyang bote ay ang kaniyang sariling water bottle noong nasa Varsity pa siya.
Nakita kong binaligtad nito ang bote upang masiguro niya na hindi siya nagkakamali, dahil sa oras na baligtarin niya ang bote ay makikita niya ang kaniyang initials "A.R."
Pagdating ko sa harap nito ay kita ko ang galit, pagkagulat at saya ng muli niyang makita ang boteng kinuha ko sa kwarto niya noong isang beses na nakapasok ako sa kwarto niya.
"Bakit nasayo ito..." sasagot na sana ako ng biglang may babaeng lumingkis dito at nagsalita.
"Hon, alis na tayo...." nang makita nito ako ay bigla itong muling nagsalita "aaaahhhhh dok ikaw po pala... bakit po,...!
"Ahhhh kukunin ko kasi yung water bottle, nalaglag kasi.." sabay tingin ko sa hawak ni Anton
"Ahhhhh hon, bigay mo na yan...." sabi ng babae.
May kaunting kirot sa dibdib ko ng tawagin ng babae si Anton ng "hon" dahil tulad ng sabi ko "Lalaban Ako!"
Nagulat ako ng biglang inabot ni Anton ang bote sa harap ko. Tapos ay tumalikod ito at di na nito hinintay marinig ang sinabi ko.
"Thank you... thank you mahal ko.." bulong ko.
Nalaman ko din na kasama pala ni Anton ang anim pang babae na nakabangga sa akin.
Dahil rinig ko ang kilig sa mga ito ng sumabay ito kina Anton, akala ata ni Anton ay di na ako nakatingin sa grupo nila kaya naman ng saglit na tumingin ito sa akin ay kitang kita ko ang pagkataranta nito nang malaman niyang nakita ko siyang saglit na tumingin.
Itutuloy
JuanDer25
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...