ELLA'S POV
Bata pa lang ako ay close na kami ng pinsan kong si James, pero hindi ako nakapasa sa same University na pinapasukan niya at sa ibang University ako napasok na halos walking distance lang din naman sa school ng pinsan ko.
Kilala ko ang mga barkada o tropa ng pinsan ko pero ni minsan ay walang pagkakataon na nakilala o naipakilala ako ng ojnsan ko sa mga ito dahil nga sa ibang school ako. Pero sa tuwing nagkikita at nagkakasama kami ng pinsan ko ay isa sa mga napagku kwentuhan namin ang mga tropa niya.
Sa mga kwento ng pinsan ko ay pansin ko ang paghanga nito sa isa sa kaniyang mga kaibigan na ang pangalan ay ALFRED TAN...
(Kayo ha wag pangunahan ang kwento.. straight si James).
Sobra ang paghanga nito sa kaibigan dahil mabait, magalang, matalino at higit sa lahat mayaman pa daw ito. Pero mah kasupladuhang taglay din ito dahil ayaw niya sa mga feeling close na tao.
Ayon mismo kay Alfred ay di sila close ng parents niya dahil napaka strikto at workaholic ng mga ito.
Yung tipong halos twice a year lang sila magkita, madalas uuwi lang isang gabi tapos kinabukasan aalis din, kaya mga di siya close sa mga mabulang niya, pansin nila na may kalungkutan na tinatago daw ito.
Kung sa iba daw maaaring ang mga magiging anak ng mga ganitong magulang ay kung hindi adik ay mga basagulero.
Kaya nga sa katangiang mayroon ang kaibigan niyang ito ay hangang hanga siya madalas ang turing daw ni Alfred sa kanila ay parang tunay na kapatid kahit hindi naman talaga sila tunay na magkadugo man lang dahil tinuring na nilang magkakapatid silang magkakaibigan.
Kaya naman nagkaroon ako ng kaunting paghanga o crush sa binatang sinasabi ng pinsan ko. Kaya simula noon ay lagi akong nakikinig sa mga kwento nito patungkol nga kay Alfred.
Kaya naman ng una ko ngang makita ang binatang sinasabi sa akin ng pinsan ko ay talaga namang tinamaan ako ng malaking paghanga dahil hindi ko inaaasahan na napakgwapo pala nito.
Isang araw, umuwi ang pinsan ko na masaya. Basta ang nasabi lang nito na sa wakas ay nakita din niyang ngumiti ng pagkatamis tamis si Alfred na sa ilan taon nilang magkakaibigan ay lagi itong poker face.
Nasabi din nitong may nakilala siyang bagong kaibigan na talaga namang napapanganga siya sa sobrang katalinuhan, at isa nga iyon sa reason para maasar nila ang kaibigang... si Alfred na akala namin ay wala ng makakatalo sa katalinuhan.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nito dahil wala naman itong sinasabing pangalan kung bakit masaya na si Alfred... hindi ko din naman matanong kung sinong babae iyon...dahil selos na selos na ako at kapag inusisa ko pa ay baka mahalatang interesado ako sa binata...
....pero curious na curious talaga ako ng sobra dahil nga ang alam ko ay pusong bato ito at walang kahit sino na nagpangiti dito ng sobra.
Graduating din ako as Nursing student ay wala na ako masyadong time to talk o makipagkwentuhan sa pinsan ko...
....Then isang araw ay pagkatapos ng Graduation ko ay umuwi ang pinsan kong sobrang lungkot.... Yung tipong akala mo ay namatayan..
Kasama pa niya ang iba pa niyang mga kaibigan... pero wala si Alfred... ramdam ko na tila magkakapareho sila ng emosyon ng dumating sila..
...si kuya Mark lang talaga ang kilala ko sa kanila kaya naman umalis ako sa salas at tumungo kunwari sa likod bahay pero nasa likod lang ako ng pintuan.
Ewan ko ba kung bakit super curious ako ng araw na iyon kaya naman kahit alam kong mali ang gagawin ko ay nakinig ako sa usapan nila.
Narinig kong unang nagsalita si Kuya Mark.
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...