Pic of Anton:
Bilang Varsity ng buong University eto ako at nagpa practice sa Basket Ball Court kahit mag isa.
Habang masaya akong nagpa practice ay di ko sinasadyang maibato sa isang sulok ang bola. Di ko napansin na may natamaan pala kaya nang makalapit ako ay todo hingi ako ng pasensya para makuha ang bola.
Pero ewan ko pero kahit paulit ulit ako s aking paghingi ng dispensa ay nakatitig lang ang lalaki na tipong kinikilatis ako mula ulo hanggang paa. Nang muli ko siyang kausapin ay lalo lang akong napahiya ng masamang tingin lang ang kaniyang binato sa akin.
Kaniya naman isang matamis na ngiti na lang ang aking sinukli sa kaniyang inasta. At nag decide na lumayo at itigil ang aking paglalaro. Nag decide na din akong mag ayos ng aking kasuutan at pumasok sa aking klase.
Kahit nasa loob ng klase ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari sa Basket Ball Court. Gusto ko talagang humingi ng paumanhin sa lalaki dahil alam niyang sa sarili na masama ang loob nito s kaniya.
Nang matapos ang klase ay nagmadali siyang lumabas ng building. Habang naglalakad siya ay namataan niya sa di kalayuan ang binata kasama ang tatlong lalaki na mga ka department niya.
Kahit na kinakabahan ako ay lumapit pa din ako at kinuha ko ang kaniyang pansin.
Nung nakita ko siya ay alam kong masaya siya sa kanilang pag uusap pero nang muli ko siyang kausapin ay nagulat ako ng magbago ang kaniyang mukha na kanina ay masaya na ngayon ay parang walang emosyong nilalang. Pero pansin ko din sa mga mukha ng mg kasama niya ang pagkagulat sa inasta niya.
Kaya naman ginawa ko na lang ang pakay ko at muling humingi ng dispensa. Nakita ko naman sa mata niya ang pagkagulat at kaunting hint ng ewan ko kung anu iyon. Kaya naman tumalikod na ako at umalis sa pwesto ko.
Lumipas ang dalawang linggo. Araw ng Sportfest ng buong University. Magkakalaban ang bawat department o Courses. Bilang isang Nursing Student syempre sa College of Nursing ako kasali.
Wala naman nagrereklamo ng isali ako sa grupo kahit na kasali ako sa Varsity ng school dahil ganoon din naman s ibang Courses. Nandoon din ang mga ka Varsity ko.
Sa unang game ay ang Nursing at Medicine team.
Nang magpahinga si Anton ay napansin niya ang pagpasok ng isang lalaki sa Medicine Team. Napatitig siya dahil alam niya kung sino iyon.
Natawa na lang siya ng makita niya ang supladong lalaki.
Maya maya pa ay muling pumasok na sa laro si Anton.
Naging mainit ang laro lalo na ng dumating ang huling 30 segundo. Patas ang score ng bawat Courses.
Hawak ng Medicine Team ang bola.
Sa tindi ng fighting spirit ng Nursing Team ay di sila nagpatalo.Habang natakbo ang isang manlalaro ng Medicine Team ay naagawa ng isa sa kasama ni Anton ang bola.
"15 seconds na lang, Mr. Rivera i-3point shoot muna yan" sabi ng Coach nila.
Kaya naman todo bantay ang ang kalabang grupo. Pero di nila nabasa ang fake ni Anton kaya naman nawala sa mata nila si Anton at ng ishoot ni Anton ang bola ay saktong sakto, swak na swak ang bola sa ring. Pag pasok ay saktong tunog ng buzzer to end the game. The score is 86-83.
Dumadagundong ang buong Gym ng matapos ang laro lalo na sa kupunan ng ang buong College of Nursing sa nangyari. Na akala mo ay Championship na ang laban. Pero kung sa bagay last year ay ang naglaban din naman sa championship ay ang dalawang grupo kaya naman napaka tindi ng sagupaan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
My Basket Ball Love Story (boyxboy) COMPLETED
RomanceSabi nila: Love is Blind, Love is Unpredictable, Love is Tragic, Love is Mutual, Love is the Most Powerful form of Affection. etc... Pero paano kung sa Love ding ito magbabago ang pananaw mo sa buhay at siyang magbabago ng pagkatao mo. Paano mo h...