(Untitled)

34 2 1
                                    

Tahimik akong napaupo ng pumasok ang English teacher namin.
"Good Morning maam"
Ngumiti siya bago kami pinaupo ulit.
"Good morning class, I've already checked your papers yesterday.. you know what? Na disappoint talaga ako kasi most of you got 0. Pero.. proud parin ako kasi may isang naka-perfect"
Pumalakpak pa siya.
"Hayst panong hindi maze-zero eh pre-test palang naman yun.. pero sino kaya yung nakaperfect?"
"Tange, edi si Ysa, sino pa bang pwede? Si Coline? Eh halos tulog lang ginagawa niyan sa klase, boplaks yan eh HAHAHAHAHA"
"Hmm oo nga, si Ysa lang naman magaling sa English dito eh"
Bulungan ng mga kaklase ko.
"Please stand up.."
Agad namang tumayo si Ysa, I smirked.
"Thank you maam"
Abot tenga ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa gitna.
"No.. it's not you Ms. Villarama, please stand up Ms. Vertera"
Bored kong tiningnan si maam bago tumayo. I looked around, halos lahat sia tinitingan ako--- ng may panghuhusga sa mga mata.
"W-what?! Si Coline?!"
Bakas ang galit sa mga mata niya.
"For sure nag cheat yan!"
Sigaw niya ulit, agad namang sumang ayon ang mga kaklase ko.
"How did you say so?"
Bored kong tanong.
"Cheater!"
Agad naman akong humaglpak ng tawa.
"Maam, sige.. isulat mo sa board ang mga words na nilagay mo sa test, tingnan natin kung nagcheat ba yan oh hindi"
Utos niya kay maam, agad naman niya iyong sinunod.
Tss uto-uto.
"There, I've shuffled all the words na nilagay ko sa test paper.."
Tiningnan ko si Ysa, nakangisi siya.
Napabuntong hininga ako bago inilabas ang panyo ko, itinakip ko iyon sa mata ko.
"Assemblance or often called gathering,
Dallience is a brief love affair,
Desuetude means disuse,
Effervescent means bubbly,
Halcyon means happy,
Imbue was to infuse or instill,
Demesne was dominion or territory,
Diaphanous means filmy,
Elivir is a good potion,
Ingénue, a naive young woman,
Ratatoville is a spicy french stew
And Susquehanna was the river in Pennsylvania"
Agad kong hinubad ang panyo sa mga mata ko, lahat sila ay nakaawang ang mga bibig, tiningnan ko si Ysa, napakurap kurap siya.
"Hmm so Ysa.. may tanong rin ako sayo"
Napalunok siya.
"W-what is it?"
I smiled.
"What is Callous? Ugali mo yan"
Napayuko siya.
"How about... Vituperate? Ginagawa mo sakin yan palagi."
Hindi parin siya sumasagot.
"Eh yung Vitriolic, alam mo? Ikaw rin yan."
"Yung Sanctimonious? Hindi ikaw yan eh."
Namumula na siya.
"Alam mo napakahambog mo rin eh no? Mas magaling parin ako! Paanong malalaman mo yan eh palagi kang tulog sa klase? HAHAHAHAHAHA yung totoo? Ang bobo mo"
Napangisi ako.
"Alam mo kung bakit palagi akong tulog?"
Napa-cross arms siya.
"Kunyari ilang beses mo nang narinig ang isang joke, matatawa ka parin ba? Masyado na akong bored makinig kay maam, natutunan ko na kasi yan 8 years ago... Don't easily judge a student base on how s/he behaves inside the school,  wag karing masyadong maging feeler na ikaw na ang pinakamatalino sa loob ng room nato, maybe marami sa inyo ang may maibubuga pa,pero dahil nga nakakatatak na sa utak niyo na MAS magaling siya,mas pinipili niyo na lamang itago iyon. And you Ysa, alam kong magaling ka, lumalaki ang talaga ang ulo mo kaya di mo matanggap ang pagkatalo. Gosh. Grow up girl"
Kinindatan ko pa siya bago tuluyang lumabas ng room.

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now