The One that got away

4 1 0
                                    

Nakaupo ako ngayon sa pinakadulong upuan sa isang fastfood chain habang naghihintay ng order ko. Maya maya pa'y may isang babaeng nasa 15 years old yata,  lumapit sakin.
"Ateee HM? Ohmygoddddd! I finally saw you in personnnn! I'm a great fan of your works! Ang gaganda! Uhm.. pwede po bang makipag usap?"
Tumawa ako, she's so cute.
"Sure"
Tumalon talon pa siya bago umupo sa upuan sa harap ko.
"So.. alin sa works ko ang pinaka favourite mo?"
Ngumiti siya.
"Yung "The one that got away" po!!"
Tuluyan na akong natawa.
"HAHAHAHA I wrote it 20 years ago! Hindi ka pa nga yata pinapanganak nung sinulat ko yun eh!"
Namula naman siya.
"Eh.. gusto ko po ehhh! Tsaka kapangalan ko po kasi yung anak nila!"
Tumango tango ako.
"So.. you're maxpein?"
Tumango siya.
"Siguro wattpader ang magulang mo?"
Tumango siya ulit.
"Opo! Yung dad ko lang po, gusto niyo po kwento ko sa inyo ang love story nila ni mommy?"
Tumango ako, she's so adorable.
"Ganito po kasi yun, transferee nun ang daddy ko, sabi ni daddy in a relationship pa po siya nun sa first girlfriend niya nung nakita niya ang mommy ko, he even told me mom was the most beautiful girl in his eyes, nahihiya pa nga po siya nun kay mommy eh kasi mukhang mataray daw, pero as times go by nakilala niya si mommy mabait naman daw, naging close sila, tapos nung sure na siya sa nararamdaman niya kay mommy, linigawan niya to!"
Napakunot ang noo ko.
"Wait! What about the first girlfriend?"
Ngumiti siya.
"Don't worry po, hindi two-timer ang daddy ko, nagbreak na po sila nun ng linigawan niya ang mom ko, so ayun na nga po.. nung graduation daw po nila, tsaka na sinagot ni mommy si daddy! Sabay silang nag-college, sabay nilang tinupad ang pangarap nila. Tapos ngayon Attorney na si mommy tapos si dad naman Engineer na!"
Ngumiti ako--- a genuine smile.
"Wow, mala wattpad"
Tumango-tango siya.
"Kayo po? Sino po yung "The One that got away" niyo?"
Mapait akong napangiti.
"Hmm.. hindi ko siya first boyfriend pero first love ko siya.. he taught me so many things about life and love. He's my Ideal man, I... I really love him. The day we meet was the happiest day of my life, pero nung nag-break kami... ganun rin kasakit. He said he's afraid to leave me.. and I guess he face his fear.. He left me. But I told him after five years, I'll sue him. I'll find him and chase him no matter how long and far it takes, I'll love him with all that I can. Nung kami pa, I told him I'll be a Psychiatrist and he'll be a Engineer, we will reach our dreams together, we will support each other. Tapos pag nagka-anak kami, maxpein ang ipapangalan namin."
Tiningnan niya ako.
"Asan na po siya ngayon?"
Napayuko ako.
"I don't know, I can't find him..pagkatapos kong malaman 19 years ago na sinagot na siya ng nililigawan niya, pinutol ko na lahat ng koneksiyon ko sa kanya, besides na-block naman na niya ako, dinelete ko yung account ko. Pero tinupad ko yung pangako ko, after five years hinanap ko siya, but he was nowhere to find. Hanggang ngayon.. inaantay ko parin siya. Natupad ko na ang pangarap kong maging Psychiatrist at isang writer, sana lang natupad narin niya ang pangarap niyang maging Engineer"
Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Nakakalungkot naman po yan, tulungan ko po kayong hanapin siya? Si daddy ko Engineer, baka kilala niya"
Pilit akong napangiti at hinawakan siya sa braso.
"Maraming salamat ha.."
May kinuha siya sa bag niya.
"Calling card po yan ng daddy ko, if gusto niyo pong magpatulong tawagan niyo nalang po, alis na po ako ha? May family date pa kami ni mommy at daddy eh. Babye pooo! Nice to meet you my favorite author!"
Ngumiti ako tsaka kinawayan siya. Nang tuluyan na siyang makaalis ay tiningnan ko ang calling card na ibinigay niya.
"Engineer Kairo Rosales"
Natulala ako ng makita ang pangalang yun. S-siya yun. Siya ang "The one that got away" ko.... so all this tine naghihintay lang pala ako sa wala.

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now