Palaban ang kabit ng asawa ko

7 1 0
                                    

Nakaupo kaming tatlo ngayon sa hapagkainan, nasa tabi ko ang asawa ko samantalang nasa harap naman namin si Chloe, ang kabit niya. I smirked.
"So.. Chloe right?"
Tumaas ang isang kilay niya.
"Yeah. And you're Ysabelle right?"
Sumimsim ako sa tsaang nasa harap ko.
"Kamusta?"
Hinawi niya ang buhok niya.
"What do you mean by that? Kamusta ako? O kami ng asawa mo?"
Natawa ako. Pinupuno na talaga ako ng babaeng to!
"Ikaw. Kamusta pag-agaw mo sa asawa ko?"
She crossed her arms.
"Hmm.. ayos naman, he used kiss me before I sleep, kinakantahan niya rin ako.. tapos tuwing umaga kinakarga niya ako papuntang kusina.. awww ang sweet diba? Tapos binibili niya lahat ng gusto ko."
Ngumisi ako.
"You're a gold digger"
Natatawa naman siyang umiling.
"Hmm.. I dont think so.. HAHAHA! Mahal na mahal ako ng asawa mo. He'll choose me over you"
Napayukom naman ako ng palad ko.
"Let him choose between us."
Bumaling ako kay Lukas.
"Lukas, sinong pipiliin mo saming dalawa?"
Napalunok naman siya habang nagpapalit palit ng tingin samin dalawa, maya maya pa'y ginulo niya ang buhok niya. Nagulat ako ng kinuha niya phone niya.
"Arghhh! Mag-ina nga kayo!"
Tila na fru-frustrate na siya saming dalawa ni Chloe kaya naman nilapitan ko siya.
"Sabi ko naman sayo makisabay kana lang ehhhh! Hmff! Ayheytchuuu"
Lumapit rin sa kanya ang anim na taon naming anak na si Chloe.
"Daddy.. sino pipiliin mo samin ni mommy?"
She even pouted, I glared at her bago niyakap ng mahigpit si Lukas.
"Akin lang si Lukas, magkakababy na kami"
Natulala siya sa sinabi ko.
"B-but mom ako yung baby niyooo! Ayaw niyo na sakennn?"
Nagkatinginan naman kami ni Lukas, nagulat rin siya sa sinabi ko.
"Of course you're still our baby, madadagdagan nga lang"
Napatakip siya ng bibig.
"You mean..."
Tumango ako.
"Ohhh myyy ohhh myyy! Sayo na si daddy, mommy! Akin nalang yung babyyyy! Yeheyyy may kapatid na akooo!"
Tiningnan ko si Lukas, mataman niya akong tinitingnan.
"Why luvv?".
Ngumisi siya.
"Galing ko talagang gumawa, kaya pala ang weird mo these past few weeks, kingina akala ko baliw kana sakin eh"
Natatawa itong humalik sa noo ko.
"I love you"
Sasagot na sana ako pero...
"Ako dadaaa? Walang I love you??"
I rolled my eyes.
"Stay away mistress!"
Tiningnan niya ako.
"Mommy naman ehhh! Sabi mo play play lang yunnnn!"
Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Sorry na babyy. Joke lang yunnn"
Hinalikan rin siya ni Lukas, I sighed. Ako na yata ang pinakaswerteng babae dahil sa dalawang to.. tatlo na palaaaaa! Arghhhh I'm so happy to have them in my life.

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now