Dont hurt my Queen

3 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakatayo sa labas office na pinapasukan ko. Kinuha ko ang phone ko sa bag para tawagan si Hendrix, ang boyfriend ko. Nakailang ring pa bago niya ako sinagot.
"Hello hon?"
I smiled.
"Hon? Nasan ka? Busy ka ba?"
Rinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
"M-may pupuntahan ako ngayon, bakit?"
Napa-ismid ako.
"Mag.. magpapasundo sana ako, you know? Uso pa naman kidnapping. Pano pag nakuha nila ako tapos---"
.
"Wag ka ngang mag isip ng ganyan Hon, proprotektahan kita ok? Hindi ko hahayaang sasaktan ka nila"
I pouted. Ang sweet talaga ng taong toooo.
"Ihhhh. Sundo mo na akooo"
Bumuntong hininga ulit siya.
"May pupuntahan nga ako Hon, mag taxi ka nalang. Text mo ako pag nakarating kana"
Huminga ako ng malalim.
"Ok.."
Matamlay akong pumara ng taxi, pero bago paman ako makasakay ay may nauna ng pumasok.
"Aishhh ano ba yan!"
Wala na yata akong ibang choice kundi maghintay dun sa waiting shed. Madilim pa naman dun..
Akap akap ko ang bag ko habang naglalakad papuntang waiting shed. Napalingon ako, may napansin akong isang puting van na mabagal na umaandar mas binilisan ko ang lakad ko pero binilisan rin nito ang pagpapatakbo ng van. Agad agad ko namang tinawagan si Hendrix pero hindi ito sumasagot kaya nagvoice mail nalang ako.
"Hon.. hon may sumusunod saking van.. hon help me----"
Bago paman ako makapagsalita ulit ay may humatak na sakin at ipinaamoy ang isang nakakahilong amoy. Tuluyan na akong nawalan ng malay.
-------------
"Marami rami rin tayong nakuha, ang gaganda pa. Pakinabangan muna natin ng buhay bago patayin"
Dahan dahan akong napamulat, agad akong nanlamig ng makitang nasa isang madilim na basement ako, napalingon ako, maraming nakahigang mga walang malay, nakahiga rin sa tabi ko ang isang babae, nakita kong may pasa siya sa gilid ng labi niya, halata yun dahil nasisinagan siya ng ilaw samantalang nasa madilim na sulok naman ako. Shits! Nakidnap ba kami?! Napatingin ako sa pinto ng bigla yung kumalabog. Napasinghap ako ng makita ko si Hendrix, may hawak hawak siyang baril. Natanggap ba niya ang vm ko? Eh diba hindi yun na send?!
"Sino ka at paano ka nakapasok dito?!"
Sigaw ng mga lalake.
"Ako? Ako ang papatay sa inyo"
Napatawa naman ang lalake
"Ang tapang mo bata ah?"
Nayukom ng kamao si Hendrix.
"Asan siya? Sinaktan niyo ba siya?"
Napatingin sa banda ko ang kidnapper.
"Ayan oh, wag kang mag alala isang suntok lang ginawa namin sa kanya."
Napatingin rin si Hendrix. Umiigting ang panga niya, lalapitan ko na sana siya pero bigla niyang sinuntok ang lalake.
"I TOLD YOU NOT TO HURT MY QUEEN! ANONG GINAWA NIYO SA KANYA?! BA'T WALA PARIN SIYANG MALAY? SINONG NAGSABI SA INYO NA MAY KARAPATAN KAYONG SAKIT ANG BABAENG PINAKAMAMAHAL KO? HA?! PUTANG INA! NI HINDI KO NGA YAN KAYANG PAGBUHATAN NG KAMAY! TANGINA NIYO!"
susugurin na sana nila si Hendrix pero biglang may bumaril sa kanila, ang mga pulis..
"Sir Hendrix, ayos lang po kayo?"
Napakurap kurap si Hendrix.
"O-oo. Pero si Kim.. si kim hindi ok"
Patakbo siyang pumunta sa babaeng katabi ko, agad niya iyong niyakap.
"Babe.. babe wake up.. babe, wag mo naman akong iwan.. you're my queen right? Please wake up.. papatayin natin sila.. babe.."
Napasinghap ako ng hinalikan niya sa labi ang babae. Bigla akong lumapit sa kanila, paika ika parin ako sa paglalakad pero mas masakit parin yun nakita ko.
"Hendrix"
Napatingala siya sakin, agad namang nanlaki ang mata niya.
"H-hon?"
I smiled bitterly.
"Natanggap mo yung message ko? Sabe ko may sumusunod saking van.. binugbog nila ako Hendrix.. muntik nang patayin. Ang sakit sakit Hendrix, pero yang babaeng yan? Isang suntok lang ginawa diyan eh. HAHAHA puta, anong sabe mo? Proprotektahan mo ako? Putangina mo. Baka siya yung tinutukoy mo? She's your queen right? Fck! If she was your queen eh ano mo ako? Slave?! Siya ba yung pupuntahan mo kaya hindi mo ako nasundo?! I thought I was your queen? Little did I know siya pala yung tunay mong reyna. Mas masakit pa yang ginawa mo kesa sa mga pasa ko Hendrix.. ang daya daya mo..."

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now