I am Gen

3 1 0
                                    

"

I am Gen and I have a Schizophrenia, matagal na naming alam ang mental disorder kong to. Madami silang niresetang gamot na dapat kong inumin, magastos sa totoo lang, lalo pa akong nahirapan ng namatay ang parents ko. Tandang tanda ko ang gabing yun, may pumasok na isang lalake sa bahay namin.. nakita mismo ng dalawang mata ko kung paano niya pataying ang mga magulang ko. Umalis ako at nagpakalayo layo, agad naman akong nakakita ng malilipatang College school na may sariling dorm. At first nahirapan ako but later on nasanay narin ako lalo na noong nakilala ko si Jenny. Siya ang dorm mate ko, akala ko nung una masungit siya pero sobrang bait pala niya, naging magkaibigan kami. Isang araw nagulat ako ng makita ko siyang tinatapon lahat ng gamot ko.
"Jenny anong ginagawa mo?!"
Tiningnan niya lang ako.
"Tinatapon to? You know what? Magaling kana ok? Wag mong isiping may sakit ka parin sa utak.. magaling kana"
Niyakap niya ako, mariin naman akong napapikit at niyakap siya pabalik.
"Btw, may lalakeng nagkakagusto sayo sa kabilang section"
Nanlaki ang mata ko.
"What?! Sino?"
Tumawa siya.
"Well.. he's my friend, si Jerry!"
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
"Actually.. kami na"
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Youuuu bitchhhh! Ba't di ko sinabi sakin?! Andayaaaa mooo! Bestfriend mo ako eh! No secrets diba?"
Niyakap ko ulit siya.
"Sorry naaaa"
Tumawa lang siya.
"It's alright. Pasalamat ka love kita"
.
Jerry and I.. masaya naman kami, pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang sakit ko, I don't want him to know! Baka hiwalayan niya ako! Pero sabi nga ni Jenny.. kung talagang mahal ko siya, sasabihin ko sa kanya ang totoo.. So that night I decided to tell him the truth about my real personality. Pero pagbukas na pagbukas ko ng pintuan agad kong nakita si Jerry at Jenny... and they're making out! Susugurin ko na sana si Jenny pero agad siyang tumakbo papalabas,agad ko naman siyang hinabol. Takbo lang ako ng takbo, di ko na namalayan na nasa isang abandonadong village na pala ako. Di ko narin nakikita si Jenny.
"Jenny! Jenny!"
Sigaw ako ng sigaw, nag-aalala parin ako sa kanya kahit ganun ang ginawa niya sakin.
"Jenny asan kaaaa?!"
Sigaw ko ulit, nagbabakasakaling sasagot siya.
<Kinaumagahan>
Nagising ako sa isang malakas na sigaw.
"Gennnn! Gennnn!"
Napabalikwas ako ng bangon. Si Jenny yun!
Agad kong sinundan ang boses niya, hanggang sa namalayan kong nasa labas na pala ako ng village, nakatayo run si Jerry at ang mga pulis.
"Gen! Damn! Saan kaba nagpunta! Kagabi ka pa namin hinahanap for pete's sake!"
Akma niya akong yayakapin pero agad akong umiwas.
"Ang kapal naman ng mukha mo Jerry! Matapos mo akong lokohin at ipagpalit.. sa bestfriend ko pa mismo?! Ang kapal kapal mo!"
Napakunot noo siya.
"What do you mean?"
Sasagutin ko na sana siya pero tinawag kami ng isang pulis.
"Miss Gen, anong ginagawa mo sa loob?"
Nakataas ang kilay niyang tanong.
"Hinahabol ko po si Jenny Sir! Sir! Baka andiyan pa po siya sa loob, kunin po natin siya! Baka napano na po ang kaibigan ko!"
Kumunot ang noo niya.
"Sinong Jenny?"
Tiningnan ko silang lahat.
"Ang roomate at kaibigan ko po sir.."
Tiningnan ako ni Jerry.
"Jen---"
Di ko na siya pinatapos.
"Ano?! Ano na namang kasinungalingan ang sasabihin mo?! Wag kanang magkaila! Nakita ko kayo kagabi na naghahalikan!"
Gulong gulo na siya.
"Alam mo Gen? Di kita naiintindihan! Parang iba-ibang tao ka araw araw! At sinong kahalikan?! Ikaw yun Gen! Nagulat nalang ako ng bigla ka nalang sumigaw kagabi at tumakbo palabas! Ano bang problema Gen?!"
Napalunok ako. A-ano?
"Gen, wala kang room mate, ikaw lang mas isa sa kwarto mo..."
Dagdag pa ng Professor namin.
"Yan na ba si Gen?!"
Napatingin ko sa gilid, tumatakbo mula doon ang isang pulis papalapit sa amin.
"Andito ka lang pala, matagal ka na  naming hinahanap, you are under arrest sa kasong pagpatay sa mga magulang mo"
Napatayo ako.
"Hindi ako ang pumatay sa mga magulang ko! May lalakeng pumasok sa bahay namin!"
Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.
"Kitang kita sa cctv ang karumal-dumal na pagpatay mo sa magulang mo, Miss Gen.. kitang kita"
Napatingin ako sa likod niya, Nakatayo dun si Jenny, may nakakatakot na ngiti sa mga labi niya.
"Di mo ba nakikilala ang sarili mo Gen? You are Gen.. and you have a Schizophrenia"

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now