Era

3 0 0
                                    

"Ma, ba't si Era lang palagi yung may tao-taong laruan?"
Napatingin ako sa anak kong si Mery.
"Oo nga ma.. tapos siya lang yung pinaka-maganda samin.."
Dagdag pa ni Mar.
"Tapos siya lang yung mahal na mahal mo"
Usal ni Venus.
"Naiingit ako sa kanya!"
Sigaw ni Ury.
Bumuntong hininga ako.
"Hindi naman kasi nagtatagal sa inyo ang mga tao-taong laruan, palaging nasisira.. eh si Era.. inaalagaan niya.."
Ngumiti ako bago tiningnan si Era na masayang linalaro ang mga laruan niya, napangiti ako habang pinagmamasdan ang kukay berde niyang makapal na buhok, Linapitan ko siya.
"Masaya ka nak?"
Tumango tango siya.
"Gustong gusto ko tong mga laruang binigay mo mama sunny!.. thank you poooo!"
------------------------
Napatingin ako sa anak kong si Era, may pasa siya sa braso niya.
"Era? Anak? Anong nangyari sayo?!"
Agad siyang umiling iling.
"Wala po maaa! Nabangga lang po ako kanina. Hehehe"
Tiningnan ko siyang mabuti, unti-unti naring nalalagas ang mga buhok niya.
"Nak, ba't parang nanlalagas ang nga buhok mo?"
Napahawak rin siya sa buhok niya.
"Uhm.. hindi ko rin po alam eh, uhh sige na po ma ha? May gagawin pa po ako"
Hinalikan niya ako bago dali-daling tumakbo. Kumunot noo ako, may hindi tama sa anak ko.. may mali talaga eh.

Isang araw sinundan ko siya, nagulat ako ng bigla siya umiyak.
"Wala na akong kwenta sa inyo, unti unti nang nauubos ang yaman ko.."
Napatakip ako sa bibig ng may biglang lumiyab sa buhok niya.
"Ano baaa?! Itigil niyo na yan! Nasasaktan na ako! Wag niyong sunugin ang natitirang yaman na maiibibigay ko sa inyo! Itigil niyo nayan!"
Lalapitan ko na sana siya ng may narinig akong sunod sunod na putok.
"Arayyyy! Tama naaaa! Wag kayong magpatayan! Maawa kayo sakin! Maawa kayo!"
Awang awa na ako sa itsura ng anak ko. Nahihirapan na siya.
"Di ko na kaya.."
Natumba siya, nakita ko ang pagbiyak ng isang parte sa katawan niya.
Agad akong nagpatulong sa mga kapatid niya para maihiga siya.
"Anong nangyari sa kanya ma?"
Tanong ni Jupiter.
"Inabuso siya ng mga tao... inaabuso na ang kabaitan niya"
Kumunot ang noo nila.
"Ha? Eh diba mababait ang mga tao?"
Pilit akong natawa.
"Akala ko rin eh.. akala ko rin.. di ko inakaalang ito yung igaganti nila sa likas yaman na ibinigay ni Era sa kanila.
"Buti nalang pala walang nagtatagal na tao samin..."
Mahinang usal ni Mars.
Napatingin ako kay Era, hinang hina siyang nagmulat ng mata.
"Ma... ma hindi ko na kaya, pagod na ako"
Hinawakan ko ang buhok niya, halos nakakalbo na yun.
"Alan ko anak, magpahinga kana... iwanan mo na sila.."
Tumango siya bago unti-unting ipinikit muli ang mata.
Napasigaw ako.
"MGA WALANG HIYA KAYO! IBINIGAY KO SA INYO ANG ANAK KO KASI AKALA KO IINGATAN NIYO SIYA! PERO NAGKAKAMALI AKO! TANGGAPIN NIYO ANG GANTI KO!"
Mahigpit kong niyakap ang walang buhay na katawan Era.
"Mama Sunny! Masusunog ang mga tao sa loob ni Earth!"
Kumalas ako sa  pagyakap sa kanya.
Agad kong nakita ang pagliyab ng katawan niya. Napangiti ako.
"Nabigyan na kita ng hustisya.. Mahal kong Earth"

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now