Kiss Muna

2 0 0
                                    

Napatitig ako sa mukha ni Drey, ang pogi niyang tingnan habang nakakunot ang noo at tila ba inis na inis na sa ginagawa.
"Kingina.."
Napalunok ako ng makitang umigting ang panga niya. Busettt talagaaaa! Ang hot niyang tingnannnn!
"May load ka?"
Napaigtad ako ng bigla siyang tumingin sakin.
"H-ha?"
Napa-tss siya.
"May load ka?"
Sumimangot ako.
"Narinig ko naman eh! Ba't nagtatanong ka? Sa yaman mong yan wala kang load? Imposible"
Kumibit-balikat siya.
"Wala, naiwan ko phone ko eh. Pahiram na, may isesearch lang ako"
Ngumisi ako ng makaisip ako ng plano.
"Kiss muna"
I even pouted.
"Tss. Akin na"
Tumingkayad ako tsaka itinaas ko ang phone ko.
"Kiss muna"
Nagulat naman ako ng bigla siyang tumawa. Kingeners lalo siyang pumogi pag tumatawa siya! Hanubayannn!
"B-ba't ka tumatawa?"
Tiningnan niya ako.
"May patingkayad ka pang nalalaman eh kahit naman nakatayo lang ako maaabot ko yan. Tss pandak"
Namula ako. Buset talaga tong lalakeng toooo!
"Ehdi wag, hindi kita papahiramin"
Ibinaba ko na ang kamay ko, akmang aalis na ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit ang mukha niya sakin. The next thing I knew, nakadikit na ang labi niya sa labi ko.
"Pwede ko nang hiramin?"
Natulala ako. Hutaaa! Anong nangyare?
Napatingin ako sa kanya, nakangisi lang siya habang nakatingin sa phone ko.
"Uhm.. D-drey, tapos kana? A-akin nayan"
Tiningnan niya ako, nakangisi parin siya.
"Kiss muna"
Lalo akong namula.
"D-drey naman eh"
Bigla niyang pinisil ang pisngi ko.
"Tss. Cute"
Kukunin ko na sana ang phone sa kamay niya pero bigla rin siyang yumuko kaya nagdikit ulit ang mga labi namin.
"Hmm... seem's like I wont get tired of kissing your lips. Kingina. Di na naman ako makakatulog neto mamaya"
Inabot niya sakin ang phone ko.
"Tingnan mo"
Nanginginig parin ang kamay ko habang binubuksan ko yun.
Napaawang ang bibig ko ng makitang siya na ang homescreen ko, may nakasulat ring "MY BOYFRIEND" dun.
"A-ano to?"
Ngumisi siya bago hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.
"You're mine now baby, Girlfriend na kita ang Boyfriend mo na ako"
Seryoso usal niya bago muling hinalikan ang mga labi ko. Aishhhh Goodbye mommaaaaa I'm gettin' married!

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now