Kidnap

14 1 0
                                    

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, agad na sumilay ang mga ngiti sa labi ko ng maamoy ko ang pagkaing niluluto ng asawa ko sa kusina, agad akong naghilamos at bumaba. Dahan dahan ako sa paglalakad para hindi niya ako makita. Agad naman akong napatigil ng malapit na ako sa kanya. Naka topless siya at tanging tuwalya nalang ang nakabalot sa pambaba niya. Hilahin ko kaya? Hihihi.
"Pinagnanasaan mo na naman ako?"
Napaigtad ako ng humarap siya sakin, dala dala niya ang isang pinggan na may lamang bacon, diretso ang tingin niya sa mga mata ko.
"Uhm.. uh.. Goodmorning?"
Ngumisi siya tsaka inilapag ang pinggan sa mesa. Nilapitan niya ako, agad naman akong napaatras.
"Hmm ba't ka umaatras baby?"
Napalunok ako.
"Si---"
"MOMMY! DADDY!"
Sabay kaming napalingon, napasinghap naman ako ng makitang patakbong bumababa sa hagda sina dudong at dudang, ang kambal naming anak.
"Wag kayong tatakbo pag bababa kayo ng hagdan sabi eh!"
Nag pout sila.
"Eh mommy hindi ko makita somewhere si majinbu eh!"
Naiiyak niyang sumbong.
"D-d-daddy?"
Napatingin kami kay Dudong, nakatulala siya sa bacon sa mesa.
"Is that m-majinbu?"
Tinuro pa niya ito.
"Yes Dudong, tumae siya kaninang umaga sa shorts ko eh, kaya kinatay ko na"
Natatawang usal ng asawa ko.
"DADDY! DADDY I HATE YOU!"
sabay na sigaw ng kambal.
"Hindi ka talaga makaka isa sakin mamaya! Kahit kiss wala!"
Sigaw ko, agad naman siyang natulala sa sinabi ko. Napakurap kurap siya.
"Dudong, dudang, Joke lang! Andun si Majinbu sa labas,naglalaro"
Agad namang nagsitakbuhan ang kambal sa labas.
"Ang sama mo!"
Bigla niya akong niyakap.
"Oh? Ako? Masama? Eh sino bang nag kidnap sakin dun sa booksigning?"
I pouted.
"Hmp! Edi ako na masama!"
Ngumisi siya.
"Mamaya ha?"
Mahina ko siyang sinampal.
"Tigil tigilan mo ako Sicario!"

#FutureWifeNiSicario

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now