Andito na ako Amelia" (Continuation of "Asan kana Rom?")

4 1 0
                                    

"Hija? Ayos kalang?"
Napakurap ako ng marinig ang boses niya.
"H-ho? O-opo,ah lola, hintayin mo ko dito ok? May pupuntahan lang ako. Siguro akong masasayahan ka sa ipapakilala ko sayo"
tumawa naman ito.
"Masisiyahan lang ako kung si Rom ang dadalhin mo dito hija" ngumiti ako bago bahagyang hinalikan ang pisngi niya.
"I'll be back"
tumango naman ito.
"Pakibilisan lang, baka di mo na ako maabutan"
Tumango ako tsaka mabilis na pumasok sa sasakyan.
"Lolo need to know this"
Di ko maialis sa labi ang ngiti ko hanggang sa makadating ako sa bahay. Naabutan ko siyang nakikipag usap kay Mynch ang anak ko sa garden.
"Alam mo ba apo, may isang babaeng hinding hindi ko malilimutan"
Ngumuso naman si Mynch.
"Sino po lolo? Si lola? Si mommy?"
Bahagya namang ginulo ni lolo ang buhok niya.
"Oo pero meron pa.."
Huminga siya ng malalim.
"Huh?Sino pooo?"
Nakita ko ang pag ngiti ni lolo.
"Amelia ang pangalan niya, siya ang kauna unahang nobya ko, first love n ika nila, mahal na mahal ko siya. Pero.. secret lang yung relasyon namin"
bumuntong hininga ito.
"Dahil nga magagalit ang mama niya, pero wala namang sekreto na hindi nabubunyag diba? Nalaman yun ng inay niya kaya pinaghiwalay niya kami, sinulatan ko siya nun.. sabi ko magkita kami sa harap ng sapatusan. Pero nang gabi ring yon habang papunta ako sa tagpuan namin sinalubong ako ng itay niya, may dala itong itak, pinakiusapan ko siya nung hayaan na ako pero bigla niya akong initak, nakita mo to"
Itinuro niya ang peklat sa kabilang mukha.
"Ang itay niya ang may gawa nito, nawalan ako ng malay nun at pagkagising ko nasa ibang bahay na ako, kinupkop ako ng pamilya ni lola mo, ginamot. Mga isang bwan akong nanirahan dun, aalis na sana ako pero pinigilan nila ako, kelangan ko raw bayaran ang lahat ng nagastos nila sakin, wala naman akong pera. Babayaran ko raw o aakuin ko ang anak sa sinapupunan ng lola mo, ayoko kasi hindi naman ako ang tatay pero wala akong magagawa. Inako ko, nanirahan kami sa ibang bansa pero kahit kailan di ko nalimutan si Emelia, mahal na mahal ko siya"
Umiiyak na ito kaya nama'y nilapitan ko siya.
"Lo samahan mo ako"
Tila nagulat naman ito.
"San tayo pupunta apo?"
Pinahidan ko ang mga luha ko bago nagsalita.
"Kay amelia, nakausap ko siya kanina"
Biglang lumiwanag ang mata niya.
"T-talaga?oh siya siya sige halikana!" Ngumiti ako tsaka tinulungan siyang makapasok sa kotse.
"Excited ako apo"
Tiningnan ko siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Ng makarating na kami sa harap ng coffee shop ay medyo naguluhan pa ako dahil maraming taong nakapalibot sa kalsada. Agad akong bumaba.
"Anong meron?"
Tanong ko sa taong dumadaan.
"Nasagasaan daw yung matanda eh"
Agad akong pumunta sa nagkukumpulang mga tao. Napatakip ako ng bibig ng makita si lola, naliligo sa sariling dugo.
"Apo! Apo anong nangyayari?"
Napalingon ako, nakatayo ron si lolo.  Maya-maya'y dahan dahan siyang napaluhod.
"Amelia! Amelia anong nangyari sayo? Sinong gumawa niyan sayo?! Amelia gumising ka! Amelia!"
Humahagulgol na ito ng iyak.
"Gumising kana.. Andito na ako Amelia"
Saad niya tsaka mahigpit na niyakap ang walang buhay na katawan ni lola Amelia.

Compilation of my Short storiesWhere stories live. Discover now