Sorry madlang pipz kung medyo natagalan ulet ang update. I have valid reasons naman eh. Do you want me to enumerate them? Haha!
Una, naging busy ako kasi may ginagawa akong bagong story. Un po ung BUHAY-EXTRA. Ongoing series din po un. Sana mabasa niu pag may time kayo.
Bukod dun may iba pa akong ginawa. May nigawa akong surprise chuchu for my friend, TINTIN. Birthday nia kasi nung 26. Belated happy birthday, Tintin! Magcomputer ka ha para mapanuod mo ung nipost ko sa Cream Cups. hehe ^^ At dahil masyado mo akong nikukulit na mag-update, I dedicate this chapter for you! Hihi :"> Thanks sa pagbasa nito ha. It means a lot to me.
Hmm... ano pa bang nigawa ko nitong mga nakaraang araw that kept me busy? Sa sobrang dami, di ko na maalala. Haha! Basta ang tanda ko lang sa sobrang pagod ko, kagabi instead of updating, natulog na agad ako. Sorry talaga. I hope you could understand me.
Don't worry soooper haba nitong update ko! Hihi :"> Bawing-bawi ang mga days na walang update! Haha!
So eto na!
Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^
Chapter 45: Tayo na?... TAYO NA!
Sean’s POV
“Sean, ano bang---”
“Sorry for becoming such a stupid jerk. Sorry kung naging duwag ako. Sorry...”
“Sorry kung hindi kita mahal...”
“Sorry kung hindi lang kita basta mahal...”
“Kasi ang totoo...”
“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na kita...”
Sa wakas! Nasabi ko na rin sa kanya itong nararamdaman ko na sobrang tagal ko nang itinatago at sobrang tagal ko na ring gustong sabihin kaya lang lagi kong pinipigilan ang sarili ko from doing so.
Actually, nung una wala na talaga akong balak magtapat sa kanya. Gaya ng sabi ko sa kanya, buong pag-aakala ko ay may iba syang mahal. Akala ko mahal nia pa rin si Cyrus. Naisip ko, bakit ko pa sasabihin ung feelings ko kung alam ko namang wala rin akong pag-asa sa kanya? Guguluhin ko lang ang isip nia kapag ginawa ko un. Maaaring lumayo rin sya sakin at un ang hindi ko kayang mangyari. Ayos lang na di ako ang mahal nia. Ayos lang na di ako ang taong nakakapagpasaya sa kanya. Ayos lang kahit hindi ako ang dahilan ng mga ngiti nia. Matitiis ko ang lahat ng un basta makita ko lang siyang masaya... kahit hindi sa piling ko.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)
Teen FictionSabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay mo? Di ba sobrang ironic naman yata nun? Hmmm... Paano nga kaya?