Annyeong! Sinong naka-miss sakin? Hoho! Wala yata eh! Huhu! Sorry kung natagalan ulit ako sa pag-a-update. Alam niu na ang reason. Four-letter word. B-U-S-Y! Huhu! Grabe! Grabe talaga ang sem na to! Hindi sya naging mabait sa akin, un lang ang masasabi ko. Haist! Pero yae na! Bawi-bawi na lang sa next sem. :))
Sana lahat ng readers ng story na to ay andyan pa rin at nag-aabang sa update ko. Guys, walang iwanan ha. Bear with me kung hindi man ako madalas mag-update. Please please.
Anyways, eto na po ang update. Maiksi lang sya. Atska basahin niu muna ung note ko about sa last chapter. Baka kasi nalimutan niu na ung story eh. Haha! Pang-reminisce lang ng konti. =))
Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^
Last episode: Nagflashback sa memory ni Ashley ung time na sinurprise nia si Sean nung bday nia with a piano piece. Okay pa ang lahat until naging intense ang mga kaganapan at di nila napigilan ang mga sarili nila. They had their first real kiss. And that was the moment when Ashley finally realized her true feelings for Sean. She realized that she love him na pala. Pero bago pa nia maadmit ito kay Sean, bigla namang nagsalita si Sean at sinabing he’s sorry. “Sorry for what?” yan ang tanong na gumugulo sa isipan ni Ashley and at the same time nasaktan rin sya dahil sa mga salitang narinig nia mula kay Sean. Kaya naman tumakbo sya ng tumakbo palayo sa kanyang bahay hanggang sa narealize nia na may isang lalaking kanina pa sumusunod sa kanya at tinatawag ang kanyang pangalan. Who could that guy be?
Chapter 43: Back in Time
(Now Playing: Back in Time by Lyn – English version cover. Please play the music while reading. It’s a very beautiful song. OST ng Moon Embracing The Sun.)
(Continuation of flashback)
Sai’s POV
Hindi ko alam kung tanga ba ako o tanga talaga ako. Alam ko desisyon ko naman to eh. Desisyon ko na wag sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Desisyon ko na pakawalan sya at hayaang mapunta sa piling ng iba kahit alam ko naman na parehas naming mahal ang isa’t isa. Desisyon ko lahat ng ito. Walang ibang namilit sa akin. Walang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili ko rin lamang.
Pero bakit ganito? Bakit parang hindi ako masaya sa naging desisyon ko? Hindi pala “parang” kasi hindi talaga ako masaya! At alam ko na hindi na ako kailanman sasaya pa. Si Ash ang kaligayahan ko. Si Ash ang buhay ko. At kung hindi ko rin naman sya makakasama, ano pang silbi nang mabuhay sa mundong ito?
Bakit? Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na ito? Akala ko nuon kaya ko syang pakawalan. Pero hindi pala. Ang tanging iniisip ko lang nuon ay ayoko syang mas masaktan pa sa mga maaaring mangyari kaya naman pinangunahan ko na ang lahat. Ako ang nagdesisyon ng magiging kapalaran naming dalawa. And it was the biggest mistake I ever committed in my entire life. Kung maaari ko lang maibalik ang panahon. Sana hindi ko na lang sya hinayaang mawala. Kung alam ko lang na pagsisisihan ko itong naging desisyon ko, sana naging makasarili na lang ako dati pa.
Nakita ko syang lumabas ng bahay ni Sean. Kanina pa ako dito sa labas. Nag-aabang sa kanya. Inihatid ko sya dito at sinabihan nia ako na umuwi na pero hindi ko sya sinunod. Hindi ako mapakali. Hindi ako mapapanatag hangga’t hindi ko sya kasamang umuwi kaya naman nagpasya ako na hintayin na lang sya dito.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)
TeenfikceSabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay mo? Di ba sobrang ironic naman yata nun? Hmmm... Paano nga kaya?