sorry super natagalan ang update. hindi ko na naman na-keep ung promise ko sa inyo. sorry talaga. :(tanda niu pa kaya itong story? kung hindi na, basahin niu na lang ulit ung previous chapters. hehe ^^
sana naman may magbabasa pa rin neto kahit super tagal kong nawala. readers, pasensya na talaga. super busy ko lang po talaga na hagya ko ng maisingit ang pagsusulat sa dami kong ginagawa. sana po maintindihan niu. walang iwanan ha. hehe ^^
oh sha sha! eto na!
Enjoy reading! Hope you'll like it!
^_____^
Chapter 42: Hear my heart
*flashback*
*Setting: Sean’s house; the night of his birthday*
Ashley’s POV
Nandito ako ngaun sa living room nina Sean. Sapilitan na akong pumasok kasi naman ayaw nia akong papasukin eh. He’s giving me cold treatment mula pa kanina. Hindi ko nga maintindihan kung bakit eh. Okay pa naman kami kanina nung nasa amusement park kami. Tapos biglang ayun na. Nag-iba na ang mood nia. Haaay. Napakahirap nia talagang intindihin sa totoo lang. Ang gulo nia kasi! Pero hindi un ang pinoproblema ko ngaun.
Wala akong ibang maisip ngaun kundi ang thought na dapat mapasaya ko si Sean ngaung birthday nia. It’s never too late pa naman eh. Hindi pa naman kasi totally natatapos ang araw na ito. May chance pa para magawa kong special and memorable itong day na ito para sa kanya. Pero un nga lang, hindi ko talaga alam kung pano ko gagawin un. Basta na lang kasi ako pumunta dito ng wala man lang kaplano-plano. Tsk.
Nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Maganda itong bahay nila, in fairness. Ang laki! Malaki din naman ung bahay namin, pero mas malaki lang talaga itong kanila. Haha! Halatang-halata na galing sya sa isang mayamang pamilya.
Pero bakit ganun? Bakit parang kahit gaano kalaki ang bahay na ito, parang may nafi-feel akong kulang. Hindi ko ma-explain kung ano eh. Pero basta! Para bang... ang lungkot masyado nitong bahay?
“Ano ba talagang ginagawa mo dito? Gabi na ah! Umuwi ka na nga!” Sean grabbed my wrist at hinihila nia ako papunta sa may pintuan. Grabe! Palalayasin nia talaga ako? *pout*
“Teka lang Sean! Wag mo naman muna akong paalisin. Hindi ko pa nga nasasabi sayo ung gusto kong sabihin eh.”
“Nasabi mo na di ba? You just greeted me a happy birthday. And I thank you for that. So I guess you can leave now.”
“Eeeeeh! Hindi pa sapat un! Ayoko! Ayokong pang umalis! Hindi ako aalis dito! Dito lang ako!” Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nia sa wrist ko. Medyo umiigting na kasi ung hawak nia. Ang sakit na.
Muli, nilibot ko ang tingin ko sa buong living room nila. Hindi pa rin ako makaisip ng gagawin ko para mapasaya ko naman sya ngaung birthday nia. Haaay...
BINABASA MO ANG
In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)
Novela JuvenilSabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay mo? Di ba sobrang ironic naman yata nun? Hmmm... Paano nga kaya?