Uwaaah! Super sorry! Natagalan na naman ang UD. Andami nangyari sakin this past few days na wala akong update eh. Na-fall in love ako. Na-fall out of love ako. Haha! Ako na! LOL
Pero seryoso, sorry talaga. Wala naman akong writer's block eh. Actually matagal ko na ngang naisip kung ano ang mangyayari sa date nila Sean at Ashley. Siguro pure katamaran lang talaga ang pumipigil sakin para mag-update. Pasaway ang fingers ko eh. Ayaw magtype. Haha!
Anyways, may 3 or 4 parts ang DATE ng ating mga bida and first part pa lang to. Pakiabangan na lang ung continuation. I don't know kung kelan.
Enjoy reading! Hope you'll like it!
^_____^
Chapter 39: Our 24 Hour Date (Part 1: Starting the day with him)
Ashley’s POV
Uwaaah! 11:30 pm na pero hanggang ngaun hindi pa rin ako makatulog.
30 minutes na lang at alas-dose na! At simula na ng 24 hour date namin ni Sean!
Uwaaah! Bakit ba ako kinakabahan? Eh parang normal na araw lang din naman ang mangyayari eh. Lagi din naman kaming magkasama ni Sean kung tutuusin. Madalas nga pumupunta kami sa mall ng kaming dalawa lang. Pag wala kaming magawa, naglilibot lang kami dun. Kumakain sa fastfood chain. So parang nagde-date na rin kami talaga.
Pero iba kasi ngaun eh! Kasi sinabi nia mismo na DATE nga daw talaga un. Tapos 24 hours pa! Ano namang gagawin namin sa loob ng 24 hours ng magkasama?
*tik-tok...tik-tok*
Time check: 11:40 na pero hindi pa rin talaga ako dalawin ng antok. Haaay... ano ba yan? Bakit parang bigla akong nagka-insomnia? (>.>)
Hay naku... makapagshower na nga lang tapos magbibihis na ako para pagdating ni Sean eh ready-ing ready na ako. Hoho! Excited ba masyado? LOL! First date eh! Haha! *u*
Shemay! Masyadong napapaghalatang kinikilig ako ah! OMO! Ashley, behave! Hindi ka pwedeng kumilos ng ganyan sa harap ni Sean. Nakakahiya! Baka mahalata pa niang crush ko sya. Lumaki pa ang ulo nun. Hmph! Isi-secret ko na lang sa sarili ko (at sa mga readers) ung pagkakaroon ko ng crush sa kanya. (Kaya readers wag maingay. Sssshhh lang kayo. Haha!)
Haaay... bigla ko lang naisip... antagal-tagal ko ng nakakasama si Sean pero bakit parang ngaun ko lang talaga sya napapansin? Tapos pag nakikita ko sya parang lalo syang gumagwapo. >///< I mean, alam ko naman matagal na na gwapo nga talaga sya. Pero dati naman parang wala lang sya sakin eh. Wala akong pakialam kahit na gaano pa sya kagwapo. Pero bakit ngaun ganito na?
Palibhasa kasi si Sai lang ang tanging lalaking napapansin ko nuon. Sya lang ang tanging nakikita ng mga mata ko. Para sakin wala ng ibang gwapo bukod sa kanya.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)
Genç KurguSabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay mo? Di ba sobrang ironic naman yata nun? Hmmm... Paano nga kaya?