Chapter 29: Terrified (Extra Chapter) (Part 2)

7.6K 104 6
                                    

Waaah! Maiksi lang ulit to! Mianhe! Ngaun ko lang kasi to tinayp. Eh nagmamadali ako kasi manunuod pa akong PBB. Haha! Ayan PBB na nga! Waaah! Iboto po natin mga madlang pipz si Slater as big winner! hahaha!

Happy birthday nga pala kay SAIBI! Sya ung kapatid ni Sai sa story. Haha! Sya lang ang kaisa-isang character dito sa story na may FB account. So kung gusto niu sya i-add as friend, kayo na ang bahalang maghanap sa kanya sa facebook. Haha!

Eto na ung part 2 ng story nila Jeremy at Denise. May part 3 pa to. Pakiabangan na lang. I'll upload it some other time. Haha!

READ BETWEEN THE LINES PEOPLE.

ENJOY READING! hOPE YOU'LL LIKE IT.

VOTE. COMMENT. BECOME A FAN.

^_____^




Chapter 29: Terrified (Extra Chapter) (Part 2)

Denise's POV

Kalat na kalat na ang balita. Ashley and Sean are now in a relationship. Pero hindi alam ng iba, it's just a fake relationship. At kami nila Bea at Caroline ang may pakana nun. Actually sila lang naman dalawa ang talagang may ideya nun. Pero masasabing kasabwat na rin nila ako since kasama nila ako nung sumugod sila sa bahay ni Sean.

Hanga nga ako sa kanila eh. Nagawa nilang utusan si Sean na tulungan si Ashley sa lovelife nia para naman daw magkatuluyan na si Ashley at si Cyrus. 

Akala ko hindi susundin ni Sean ang sinabi sa kanya nila Bea. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya, hindi sya ung tipo ng tao na pwede mong utos-utusan na lang basta. Lalo't higit hindi sya nagpapa-under sa mga babae. Nasabi ko un dahil matagal-tagal ko na rin naman syang kilala. We came from the same school, remember? And besides naexperience ko na rin maka-date sya even though 1 week lang un. Kaya sa tingin ko ako ang pinakanakakakilala sa kanya sa aming magkakaibigan. Pero nagulat na lang ako nung sumang-ayon si Sean sa sinabi sa kanya nila Caroline. Ano kayang nakain nia? Bakit sya pumayag? Tuluyan na nga kaya syang nagbago? Napansin ko kasi mula nang lumipat kami dito sa Ashford High, nag-iba na sya ng ugali. As in ibang-iba talaga. Pero in a good way naman ang nangyaring pagbabago sa kanya. I wonder kung ano ang 

nagdulot sa kanya ng ganong epekto. Or baka naman hindi ano kundi... sino?

"Ui friends tignan niu si Jeremy oh. Tulaley na naman. Haaay! Depressed siguro un dahil sa pagkabasted sa kanya ni Ashley." biglang sabi ni Caroline.

Napatingin naman ako kay Jeremy at tama nga si Caroline. Tulala nga sya. 

"Syempre naman madedepress talaga ung lokong un. Kaw ba naman ang manligaw ng isang taon. Para lang syang naghintay sa wala." sagot naman ni Bea.

"Pero okay na rin un. At least from now on hindi na nia kelangan pang umasa sa wala, diba? Mabuti ng magising sya sa katotohanan hangga't maaga pa." - Caroline

"Tama! Atsaka alam naman nating lahat kung sino talaga ang gusto ni Ashley at un walang iba kundi si Cyrus. Grabe! Sana talaga magkatuluyan na ung magbestfriend na un! Sana mag-aminan na sila ng feelings nila. Naiinip na akong mag-abang sa mangyayari sa love story nila eh. Haha!" - Bea

Haaay! Kawawa naman si Jeremy. Ang lokong un! Akalain mong marunong din palang ma-in love. At mukha talaga syang nasasaktan ngaun. Tsk. Why do I feel worried for him? Dapat nga matuwa ako eh. Tama lang na paminsan-minsan maramdaman rin nia na masaktan. Karma un! Sobrang

sama kasi ng ugali nia. Matagal ko na syang kilala. Bata pa lang kami... ahm... ano nga bang relasyon namin nuon? Hindi naman kami childhood friends kasi hindi naman kami naging magkaibigan. Baka childhood enemies pa! Nung una pa lang naming pagkikita nakaaway ko na agad sya. Ansama-sama nia kasi! Lagi nia akong inaasar. Lagi nia akong pinagtritripan. 

Pero kahit ganun... 

aaminin ko... 

minahal ko rin sya.

to be continued...

sorry talaga kung maiksi. pero at least may update, di ba? hehe abangan niu ang part 3! weee! ^o^

THANK YOU FOR READING! ^_____^

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon