Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^
Chapter 59: I need you.
SEAN’S POV
I was pacing back and forth in our living room while I keep on dialing Ashley’s number. Kanina, kahapon, nung isang araw ko pa siya paulit-ulit na tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Sa sobrang inis ko ay naitapon ko na lang bigla ang phone ko at tumama ito sa isang vase na dahilan upang ito’y mabasag.
Malalim na ang gabi ngayon kaya naman tulog na ang mga tao dito sa bahay. Pero dahil sa nilikha kong ingay ay marahil nagambala ko ang tulog ni Mama. Dali-dali siyang bumaba mula sa kwarto at nagtungo palapit sa akin.
“Anak, anong ingay yun? Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?”
“Ma, Ashley’s still not answering my calls. I’m damn worried already. What if may nangyari na palang masama sa kanya? What if-”
“Anak, stop those what if’s. Di ba nagpunta ka na sa bahay nila? Tinanong mo ang Yaya niya kung ligtas ba siyang nakarating sa kanila sa US. Anong sinabi niya? Di ba sabi niya okay lang si Ashley.”
“Pero Ma, bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko? She promised me before she left the Philippines that once she gets there, the first thing she’ll do is to call me. I waited and waited and waited pero ni isang tawag wala pa akong narereceive mula sa kanya. Bakit ganun, Ma?”
“Sean anak, okay lang si Ashley. Believe me. Ngayon na lang niya ulit nakasama ang pamilya niya kaya malamang eh sinusulit niya lang ang panahon niya dun kasama sila. Hayaan mo at siguradong tatawagan ka rin ni Ashley. Maaari ba namang hindi? Eh mahal na mahal ka nun.”
I smiled pagkasabi ni Mama nun. Medyo kumalma rin ako ng konti. But a part of me is still insisting na parang may mali. Hindi talaga ako mapakali. Hindi ko maintindihan kung bakit. Basta ang alam ko lang I need to talk to Ashley now. Actually, I need more than that. I want to see her. And that’s what I’m going to do.
“Ma, I’ll go to US. I’ll follow Ashley there.”
Sai’s POV
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Sumasakit na naman kasi ang ulo ko. Uminom na ako ng gamot upang kahit pansamantala ay mawala ang sakit na nararamdaman ko. Kumuha ako ng libro at binalak kong magbasa na lang habang hindi pa ako dinadalaw ng antok nang bigla magring ang phone ko. Sino naman kayang tatawag sa akin sa ganitong oras ng gabi, I thought.
Pagkabasa ko pa lang ng pangalan niya sa Caller ID ay dali-dali ko nang sinagot ang tawag niya.
Ewan ko kung bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko pagdating sa kanya. Tuwing mababanggit ang pangalan niya, kahit hindi naman ako kasali sa usapan, lagi akong napapalingon. Kahit maraming tao, basta makita na siya ng mga mata ko, sa kanya na lang nafofocus ang paningin ko and everything just fades away. Sabi ko sa sarili ko nung time na nagdecide ako na tuluyan na siyang pakawalan, pag-aaralan ko na rin siyang huwag mahalin. Akala ko kaya ko. Kasi di ba matalino naman ako. Akala ko lahat ng bagay kaya kong aralin. Pero bakit ang kalimutan siya, yun ang hindi ko magawa?
In the end, I realized mahal ko pa rin talaga siya. Hinding-hindi na siguro talaga yun magbabago. Pero may mahal na siyang iba eh. At wala na akong magagawa dun. All I can do now is to love her silently. And even though I’m hurting, I’ll just have to accept it. Ito ang pinili kong desisyon at kailangan ko itong panindigan.
“Ash, napatawag ka.”
(Sai...)
Hinihintay ko kung ano ang sasabihin niya pero mukhang wala na siyang balak magsalita pa.
“May problema ba? Ayos ka lang ba?”
(Sai...)
“Wala ka bang ibang balak sabihin bukod sa pangalan ko?”
I heard her laugh a bit, but not her usual laugh whenever she’s feeling so happy.
(Na-miss ko kasi banggitin ang pangalan mo eh. Sai... nami-miss na kita. Sorry ha, ginambala ko pa yata ang tulog mo. Alam ko gabi na diyan ngayon sa Pilipinas. Sorry talaga. Gusto ko lang kasi marinig ang boses mo. Para kasing may powers yang boses mo na tuwing naririnig kitang magsalita gumiginhawa ang pakiramdam ko at lahat ng takot, sakit o lungkot na nararamdaman ko bigla na lang nawawala. Ang galing nga eh. Tanda mo pa ba nung mga bata pa tayo, napakahina ng loob ko. Napakaiyakin ko. Minsan nga nadapa ako tapos iyak agad ako. Masakit yung sugat ko pero hindi yun yung reason kung bakit ako umiyak ng bongga. Mas naiyak ako dahil sa sobrang takot ko na baka pagalitan ako nina Mommy at Daddy. Pero nung lumapit ka na sa’kin, hinipan mo yung sugat ko tapos pinunasan mo yung luha ko at sabi mo huwag na ako umiyak kasi magiging okay rin ang lahat. Agad-agad bigla akong tumahan nun. Tuwing sinasabi mong magiging okay rin ang lahat, ganun nga ang nangyayari. Ang galing lang. Nakakamiss yung mga panahon na iyon, noh? Sai, pwede mo bang gawin ulit yun? Comfort me. Tell me that everything would be fine. That I don’’t have to worry.)
Naguguluhan ako kay Ash. Bakit bigla niyang sinasabi sa akin ang mga bagay na ito?
“Ash, ano bang problema? Tell me.”
Hindi niya ako sinagot pero bigla na lang siyang umiyak.
“Ash, bakit ka ba umiiyak? May nangyari ba? Ayos ka lang ba? Sabihin mo sa’kin. You know you can always count on me, right? Nandito lang ako para sa’yo. Kaya pwede mong sabihin sa akin ang anumang problema mo.”
(S-salamat Sai. Medyo okay na ako ngayon. Narinig ko na ang boses mo eh. Sana... sana nandito ka ngayon para pwede mo rin akong bigyan ng power hug mo. Sai...)
“Ash...” I hesitated at first kung itutuloy ko pa ba ang gusto kong sabihin kay Ash pero itinuloy ko pa rin ito. “Gusto mo ba... gusto mo bang pumunta ako diyan sa kinaroroonan mo ngayon?”
I’m not an impulsive person. I don’t usually act on impulse. Madalas pinag-iisipan ko munang mabuti ang mga nagiging desisyon ko. But now? I just feel like that Ash needs someone right now. Maybe that “someone” isn’t really me. But who cares? Even though I know completely that I’m not the one she nees, I still want to be there for her no matter what.
BINABASA MO ANG
In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)
Novela JuvenilSabi nila the more you hate, the more you love daw. Pero paano mo naman mamahalin yung taong sobrang kinaiinisan mo?... yung taong wala ng ibang ginawa kundi ang guluhin ang buhay mo? Di ba sobrang ironic naman yata nun? Hmmm... Paano nga kaya?