Chapter 52: Jealous

5.9K 95 7
  • Dedicated kay Renalyn Nikita Salamanque Madera
                                    

I'm baaaaaaaaaack!!! Namiss ko mga readers ko! Ako ba namiss n'yo? Mwehehe ^^

Enjoy reading! Hope you'll like it! ^_____^

Chapter 52: Jealous  

ASHLEY’S POV

 

“Sean Dylan Villanueva! Bumangon ka na nga diyan! Bilis na! Sean! Sean! SEANNN!!!”

“Aish! Ashley naman! Inaantok pa kooo. Magpatulog ka naman muna oh. Sabado naman ngayon eh. Walang pasok.”

“Perooo nag-promise ka kaya sakin! Sabi mo pupunta tayo ngayon sa Orphanage. Bumangon ka na kasi diyan! Bilis na!”

“Ayaw!” pagkasabi niya nun, bumalik na siya sa maayos niyang pagkakahiga sa kanyang kama at nagtaklob na ulit siya ng kumot niya. Aba’t! Talagang dinedeadma niya lang ako ha! Tignan ko lang kung magagawa mo pang matulog nang mahimbing sa sunod kong sasabihin.

“Fine, then. Kung ayaw mo, edi wag. Di na kita pipilitin. Tutal parang ayaw mo naman yata akong makasama eh. Hmph! Kay Sai na nga lang ako magpapasama. Buti pa siya. Mas mabait. Mas madaling pakiusapan. Atsaka mas---”

“Maliligo lang ako saglit. Hintayin mo na lang ako sa baba.”

Hihi. Effective ang plano ko. Hindi pa ‘ko tapos sa sinasabi ko pero napabangon ko na agad si Sean. Ang talino ko talaga forever! Haha! ^o^

“Okay. I’ll wait for you na lang. Bilisan mo ha. Hihi.”

“Tss.”

“And one more thing pa pala.”

“Ano na naman?” Ay? Mukhang badtrip si Manong. Keke. Bagong gising kasi eh. Inabala ko pa ang pagtulog niya. Di bale aalisin ko yang badtrip mong yan, Sean. Hihi. :”>

Bago pa siya makapasok sa bathroom niya, lumapit muna ako sa kanya atsaka ko siya niyakap.

“Thank you. I love you. *tsup*”

SEAN’S POV

 

“Thank you. I love you. *tsup*”

O///O

Takte! Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang lumabas si Ashley sa kwarto ko pero andito pa rin ako nakatayo sa labas ng bathroom ko at muntanga lang na nakatulala, namumula at hindi na makaibo. Halos nakalimutan ko na nga rin yata kung pano huminga. Takte lang talaga!!! Ano bang ginawa mo sakin Ashley? Bakit ba ganito ang epekto mo sakin? Ang lakas lang ng tama ko sayo!

In A Relationship With Mr. Annoying (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon