Chapter 28

16 0 0
                                    

Author's POV.

Dismissal

"Cal, nasan yung kapatid mo ngayon?" Tanong naman agad ni Kurstine pagkalabas ng adviser nila.

"Ahh nasa office pa tinitignan parin kung pano aayusin yung gulo, pero siguro naman magiging okay rin to. Mamaya sasabihin ko sakanya yung sa napagusapan natin sa cafeteria" sabi naman nito na nagaayos pa ng gamit niya.

"Ahh Cal, pwede ka ba mamaya?" Tanong naman ni Fatima na ikinataka ni Cal.

"A-ahm I think so... why does it sound that your asking me out?" Panloloko naman nito na ikinasama ng tingin ni Fatima.

"Tss, asa ka" sabi naman ni Kenzo sa likod ni Cal na agad namang umalis.

"Problema nun?" Natatawa-tawa pang sabi ni Cal.

"Bayaan mo yon, pero seryoso nga. Pwede nga ka ba mamaya?" Sabi naman ulit ni Fatima.

"Pwede naman.... bakit ba?" Tanong naman nito pagkatapos mag ayos ng gamit nya.

"Napagusapan kasi namin ni Kurstine na ipakilaka ka kay dad and mom. Isasabay narin naming sasabihin yung napagusapan natin sa cafeteria " sabi naman nito na nakatingin pa sa kapatid niya na medyo tumatawa pa dahil sa sinabi kanina ni Cal.

"A-ahh oo, so ano pwede ka?" Tanong naman ng medyo tumatawa pang si Kurstine.

"Ako Kurstine di maka- move on?" Tanong naman ng halatang medyo inis na na si Fatima.

"Di talaga" pangaasar naman ni Kim.

"Ohhhhh" dagdag na pangaasar naman ng apat na babae na ikinasama ng tingin ni Kurstine.

"Ikaw Kurstine ahh, may di ka sinasabi ahh. Sino yon ah?" Pangaasar naman ni Cal na nginitian pa ng napaka INOSENTE si Kurstine.

"Di kayo titigil?" Nayayamot na sabi ni Kurstine ng di tumigil ang pagiingay ng apat nyang kaibigan at ang pagtawa ng siraulo (daw) nyang kapatid.

"By the way, sige. Go ako sa plan nyong magkapatid" pagiiba naman ng topic ni Cal na ikinatuwa naman ng naasar na si Kurstine.

"So... pano bukas nalang?" Sabi naman ni Kim na sa wakas natapos na ang tawa.

"Sige see you guys, ingat!!!" Sabi naman ni Joy na nauna ng makaalis.

"Sige byeee" sabi naman ni Althea sabay takbo.

"Byeee, see you tomorrow" sabi naman ni Joy at Pouleen.

campus quarrel Where stories live. Discover now