WALANG FOREVER!!
Capitalized pa yan ha!! at naka bold pa Kasi nga WALANG FOREVER!!
Bitter na kung bitter, pero wala talaga!, wala!, wala!, wala!.
Si Juvigail ay isang ampalaya, oo ampalaya sya, bitter sya!, sobrang bitter!. Walang Pebrero 14 sa kalendaryo nya, walang araw ng mga puso sa mga okasyon nya at higit sa lahat walang crush at love sa bokabularyo nya.
Si Francis, isang lalaking asukal, sobrang sweet, kulang na lang ay langgamin sya. Halos araw-araw para sa kanya ay Pebrero 14, halos lahat ng babae, soulmate nya daw o kaya ay destiny nya raw. At halos lahat na ata ng sign tungkol sa love ay alam nya.
Halimbawa:
Uulan pagkasama mo ang taong para sayo.
Mag so-slow-mo.
Hahangin ng malakas.
Tssss!! Baka may bagyo lang!
Pero paano kung mag kakilala ang dalawang taong ito?? Sino kayang mananalo si ms. walang forever o si mr. may forever??
----------
so, its my first story so hope you like it :)
