Chapter 2.

37 3 0
                                    

ZEE

"Meeting is adjourned," my dad announced proudly as he ended the meeting. Isa na namang major success ang pinagdiriwang nila dahil sa nakuha naming deal mula sa isang big-time client.

My dad surely knows how to get what he wants—yung tipong nakukuha niya lahat ng gusto niya, and he's always one step ahead.

Abala siya sa pakikipagkamay at pakikipag-usap sa board, at hindi rin niya nakalimutang ipakilala ako. Ano nga bang silbi ko rito? Well, according to my dad, kailangan ko nang matutunan ang lahat ng aspeto ng negosyo habang maaga pa dahil ako raw ang magtatake-over nito eventually.

"By the way, Ms. Sanchez, meet my son, Zyck," pakilala niya sakin.

"Good day, Ms. Sanchez," bati ko sabay mano, dahil may edad na rin ang kausap ni dad.

"Magalang ang anak mo, Franco!" she replied while gently tapping my head.

"Well, it's a must. We built this company with respect and trust. Gusto kong ang susunod sa akin ay may parehong core values ng kumpanya," sagot ni Dad.

"Looking forward to that. Now, iho, single ka ba?" tanong ni Ms. Sanchez.

"Ahh... hehe. Single pa po!" sabi ko habang kamot-kamot ang batok.

"That's great! My apo is also single. You might want to try hanging out with her. Who knows, baka mag-work kayo," suhestiyon niya.

"That's a good idea, Ms. Sanchez. My son here would be glad to hear that!" si Dad.

"Wait, Dad..."

"We'll schedule a date for them," sabi ni Dad, cutting me off. Si Dad talaga.

Napatingin sakin si Ms. Sanchez, tila tinitingnan kung okay lang sakin ang set-up na iyon. Eto na nga eh. I just gave her a polite smile, assuring her that I was fine with it. Hindi naman na bago sakin ang mga ganitong arrangements ni Dad.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang mag-ring ang phone ko.

"Excuse me," sabi ko politely.

Mark calling...

"Dude, what's up?" sagot ko.

"Bro! Papunta ako sa mall malapit sa building niyo. Wanna hang out? It's been a while!" sabi ni Mark. Gaano na nga ba katagal mula noong huli kaming nagkasama? Sobrang naging busy ako this summer dahil kay Dad.

"Sure. Count me in!" sagot ko.

"Great! I'll be expecting you here. Andito na ako, magpa-park lang ako," sabi niya.

"Okay. See you, papunta na ko," sagot ko bago ibinaba ang tawag.

Kaagad kong ipinaalam kay Dad na aalis ako para makipagkita sa mga barkada. He was about to refuse, but thank God, Ms. Sanchez was there to back me up!

Mark sent me the name of the mall at kung saan kami magkikita. I don't know, pero for some reason, nae-excite ako. Ganito na ba ako kasabik gumimik? Well, I like the feeling.

Malapit lang naman ang mall kaya mabilis din akong nakarating.

Nasa food court na ako nang makita ko si Mark kasama ang tropa.

"Oh, ayan na pala ang businessman natin, eh!" si Justin, sabay fist bump.

"Ilang katawan na ba ng tao ang naibenta mo?" pang-aasar ni Carlo.

"Gago!" sagot ko, sabay tawanan kaming lahat.

"By the way, dude, kasama ko girlfriend ko pati best friend niya. Okay lang ba?" tanong ni Mark sabay turo sa girlfriend niya.

"Okay lang, pre."

"Oh my gosh! Waaahhh! Best friend ko yan!" sigaw ng girlfriend ni Mark. Jennie yata ang pangalan niya.

Kaagad naman siyang nilapitan ni Mark at sinamahan sa pag-cheer. Sino ba 'yon?

Then the DJ started playing music, and mas lalong lumakas ang sigaw ni Jennie. Sobrang supportive naman.

Napatingin ako sa stage to watch.

The guy started singing, and damn, ang galing niya.

"Who's he?" tanong ko kay Mark na kararating lang mula sa table kung saan nakaupo ang girlfriend niya.

"Oh, him?" sabay turo sa lalaking kumakanta. "He's Lee, best friend ni Jennie," sagot niya.

I don't know, but I felt something about this guy. At hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

"Damn, he's good. And cute as well!" sabi ni Kiefer habang napapakagat-labi pa.

Bigla naman akong nainis sa inasta niya. "Tssss," sabi ko sabay balik ng tingin sa stage.

"Tangna, pre! Lakas maka-Boys' Love," pang-aasar ni Carlo.

"Bakit hindi? Look at him. Lalaki siya, pero ang ganda-ganda niya!" sagot ni Kiefer, in awe. Kulang na lang tumulo laway niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Well, I have to admit, totoo naman ang sinabi ni Kiefer—mas lamang ang pagiging maganda niya kaysa sa pagiging gwapo.

Napatingin si Lee sa paligid, and then... napatitig siya sa akin. As his eyes locked with mine, bigla akong nakaramdam ng kakaiba. My heart started beating rapidly.

Nanlaki ang mga mata niya for a second before he composed himself at nag-acting na parang walang nangyari.

He sang the whole song, and it was obvious na hindi lang ako ang nag-enjoy—pati na rin ang ibang nanonood. But there was something about the way he sang.

Parang ang lalim ng pinaghuhugutan niya. Was he broken or something?

The song ended, and I had to say, nag-enjoy talaga kami.

"Hey, guys, dun tayo sa table namin," sabi ni Mark, kaya lumipat kami.

"Babe, sila Zee nga pala, mga kaibigan ko!" pakilala niya.

"Hello! Ako pala si Jennie," pakilala niya sabay handshake sa aming lahat.

"Ang gwafu naman nila, babe," sabi niya kay Mark.

"Pssst! Ikaw talaga. Ako lang dapat, 'di ba?" sagot ni Mark.

Natawa na lang kami sa mag-jowa.

Naging lively ang kwentuhan namin with Jennie, lalo na kapag tungkol sa best friend niyang si Ashley—aka Lee.

"Baka naman puwedeng pahingi ng number ng friend mo?" kulit ni Kiefer kay Jennie.

"Ay, hindi talaga pwede, friend! May pagkamanang pa naman 'yung si Lee. Baka kaltukan ako ng bruha!" sagot niya.

Napatingin ako sa gawi ni Lee. Tapos na pala siyang mag-usap sa kausap niya. Akala ko lalapit siya, pero mabilis siyang lumakad palayo.

"Best friend! Saan ka pupunta?" tanong ni Jennie, mabilis siyang sinundan.

Susundan na rin sana siya ni Kiefer, pero pinigilan ko. "Let them," sabi ko.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik rin si Jennie sa table namin—pero wala na si Lee.

"Babe, anong nangyari kay Lee?" tanong ni Mark.

"Sabi niya tumawag daw mama niya, pero feeling ko umalis siya ng may ibang dahilan," sagot ni Jennie.

"Hayaan niyo na. Baka may importanteng lakad lang siya," sabi ko.

"Baka nga. Naku, ang friend ko! Baka lumalablayp na rin 'yun. Maigi nang hindi siya maging manang!" biro ni Jennie.

I don't know why, pero nang marinig ko 'yun, nairita ako. That guy must be something.

At feeling ko, hindi ito ang una't huling pagkikita namin.

Ikaw Parin PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon