Chapter 7.

36 2 6
                                    

LEE

This is CRAZY!

Halos magdadalawang oras na kaming nandito sa loob ng library at wala pading taong makakatulong sa'min! Mukhang dito pa ata kami magpapalipas ng gabi.

Naku HINDI pwede! Hindi kakayanin ng powers ko ang ma-stranded dito kasama ang animal na cheater na'to!

Cheater nga ba?

Oo cheater siya! Kasi niloko niya ako sa future! Ganern.

Tagaktak narin ang pawis ng lola niyo! Ang init sa loob ng library lalo na't nakapatay ang aircon!

On the other hand, parang wala lang sa kasama ko rito ang nangyayari samin! Prente lamang itong nakahiga sa kalapit na sopa at nakatitig sa kawalan.

My gosh! Bakit ganun! Ang gwapo-gwapo ng taong to! Walang tapon.

Aaaaaarrrrggghhh... Eto ka nanaman, nahuhumaling ka nanaman sa lalaking yan! Maghunos dili ka besh.

Sa pagkakatanda ko, sa parehong panahon at oras, kung babalikan ko ang nangyari samin! Sa eksaktong araw na to ko siya magiging kaibigan! May kasungitan ito pero sa di ko malamang dahilan noon, naging friends kami ng ulupong na to.

"Baka naman matunaw ako sa titig mo niyan!" Sabi niya sakin.

Shit! Napatagal ata ang titig ko sa kaniya! Nakakahiya.

Agad akong nagiwas ng tingin rito.

"Hindi kaya! Feelingero" Sagot ko.

"Tsk.. Tsk! Ang ayoko talaga sa lahat yung sinungaling! " Sambit niya.

"Ayoko naman sa mga MANLOLOKO!" sagot ko dahilan upang lingunin nito ang aking gawi.

"Bakit?" Salubong ko sa nagtataka nitong tingin.

"Wala!" Sagot niya.

Lumipas ang ilan pang minuto at mga besh, suko na ako! SOBRANG INEEEEET besh.

Sinasabi ko talaga sa inyo, kapag ako nakalabas dito! Mag e-aircon ako pag-uwe! Bahala na sila mama sa bill..

(kruuuuuuuuk... Kruuuuuuu)

At kung suswertehin ka din talaga! Sumabay pa sa kalbaryo ko ang pesteng tyan ko.

GUTOM NA 'KO..

"Oh.. " Sabi ni Zee sabay abot ng kaniyang hawak hawak na pagkain.

Halos mala anime naman ang kinang ng mata ko ng makakita ako ng pagkain.

Shet! Cloud9..

Paburito niya tong kainin sa pagkakatanda ko.

Tatanggapin ko sana yung pagkain kaso nagdalawang isip ako.

"Walang lason yan! Di naman ako mahikero para lagyan ng lason yan tapos ibalik sa dati yung packaging" Paliwanag nito.

"Wala naman akong sinabe! Daming sat-sat. Baka kase gutom ka na rin" Sagot ko.

Ikaw Parin PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon