Malaya ka na...
Malaya...
KALAYAAN.
Umiikot sa utak ko ang kanta ni Moira habang palabas kami ng lugar na iyon.
Buti na lang at narinig ni Manong Guard ang mala-Mariah Carey kong sigaw. Okay, fine—medyo exaggerated. Pero tumalab naman!
Pagkalabas namin, hindi na kami nag-usap ni Zee. Agad siyang umalis na para bang may hinahabol.
Tss... Hayaan mo siya, gurl! Tama lang 'yan. Hindi na dapat magkrus ang mga landas naming dalawa.
Pero ang tanong, bakit ba talaga nangyayari sa akin lahat ng 'to? Ano bang rason kung bakit ako bumalik sa nakaraan? May dapat ba akong baguhin o tapusin? Pero kung anuman iyon, nagpapasalamat pa rin ako. Tamang-tama ang timing ng tadhana.
Napaka-hiwaga talaga ng mundo!
Pag-uwi ko ng bahay, syempre, talak ni Mama ang sumalubong sa akin.
Naiintindihan ko naman. Ginabi na kasi ako nang sobra. Kaya nagtiis na lang ako habang pinapagalitan. Ipinaliwanag ko rin kung anong nangyari, at kalaunan, humupa rin ang init ng ulo niya.
Pagkatapos kumain, diretso na ako sa kwarto. Binuksan ko agad ang aircon at nagbabad. My gosh, parang langit sa lupa!
"Namiss kita, aircon! Promise, lagi na kitang gagamitin. Bahala na sila Mama sa bill!" drama ko habang niyayakap ang aircon na parang long-lost lover.
At 'yun na, officially nabaliw na si bakla!
Kinabukasan sa school, sinalubong ako ng tanong ni Jennie habang lumalapang ng Cracklings.
"Uy, friend! Anyare sa'yo? Mukhang puyat na puyat ka!" tanong niya, sabay pakpak ng chips. Ang asim! Nakakatakam tuloy.
"Tinapos ko lang 'yung project natin kay Ma'am Matilda, pati research paper kay Sir Epron," sagot ko. Pero syempre, hindi 'yun ang totoong dahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na hindi ako pinatulog ni Zee kagabi. Never!
Ugh, nakakainis siya talaga.
Pero aminin natin—ang gwapo niya, eh.
Moving on is a struggle!
"Huh? Next month pa ang deadline nun, ah!" sagot ni Jennie, nagtataka.
"Wala lang. Gusto ko lang maging masipag. Parang di mo naman ako kilala."
"Okay, sabi mo eh..." sagot niya, tumatawa. "Nga pala, anong susuotin mo sa acquaintance party sa Friday?"
"Ha? Kailangan pa bang pumunta dun?" tanong ko, umiirap. Jusko, yang acquaintance party na 'yan! Isa 'yan sa mga event na gusto ko nang burahin sa alaala. Grabe kahihiyan ko noon!
Wait. Noon?
Right! Nasa nakaraan ako. Meaning, hindi pa nangyayari 'yung kahihiyan ko.
This is my chance para makabawi!
"Ay naku! Yan ka na naman sa pagiging manang mo!" sermon ni Jennie.
"Nagtatanong lang! Wala naman akong sinabing hindi ako pupunta."
"Good! Maghahanap tayo ng bagong prospect, bakla!" sabi niya, kinikilig pa. Parang wala siyang jowa kung makakilig, ha!
"Ewan ko sa'yo. Ang kire mo!" sagot ko, natatawa.
Biglang sumulpot si Mark, jowa ni Jennie.
"Babes!" bati niya, sabay kiss kay Jennie.
At ayan na naman. Naging giddy teenager bigla ang bestie ko. PDA mode activated.
Nakipag-apir sa akin si Mark. Tipid na ngiti lang ang sagot ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Ang fishy ng vibes niya, eh!
Habang nakatitig ako sa kanila, mas lalo lang akong nabwiset. Makikinig na lang ako ng music para mawala sa eksena.
Mariah Carey, salamat at andyan ka.
"Take a look at me now..."
Pagpasok ng kanta, nadala agad ako ng imahinasyon ko.
Biglang nasa stage ako, may spotlight, at nasa harap ng libu-libong fans. Feel na feel ko ang pagiging diva habang binibirit ang Against All Odds.
Pagkatapos ng kanta, sumunod ang Butterfly.
Pak! Paborito ko 'to!
"Spread your wings and prepare to fly..."
Napapikit ako habang ini-enjoy ang kanta. Hay, feel na feel ng lola niyo!
"Bakla ng taon! Feel na feel mo ang pagkanta, ha? Andiyan na si prof!" sabi ni Jennie, tinapik ako.
What?!
Napatingin ako sa paligid. Nakatitig sa akin ang buong klase. Oh no.
"Baks! Di mo naman sinabi na kaanak mo pala ang mga dolphin! Infairness, Mariah, ikaw ba 'yan?" asar ni Jennie.
"Tumigil ka nga! Napalakas ba boses ko?" tanong ko, nahihiya.
"Obvious ba? Dinig namin lahat!" sagot niya, tumatawa.
Dumating na si Prof. Peranil.
"Okay, everyone. We'll start the class," anunsyo niya. Tumingin siya sa akin.
"At ikaw, Mr. Moran... mag-uusap tayo after class."
Lagot.

BINABASA MO ANG
Ikaw Parin Pala
RomanceSi Lee, sa hindi inaasahang twist ng buhay, ay bumalik sa nakaraan-isang chance para ayusin ang mga pagkakamali at baka sakaling maibalik ang mga nawala. Pero habang binabalikan niya ang mga alaala ng barkadahan, kilig, at heartbreak, nare-realize n...