LEE
Bago ako pumasok ng Starbucks, parang may mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang harapin si Zee ngayon, lalo na't sa kabila ng lahat ng nangyari, ang sakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako ay hindi parin uesnawawala. Kahit bumalik ako sa nakaraan, dala ko pa rin ang bigat ng mga alaala—ang sakit na dulot nito sa akin, ang mga salitang masakit na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang kalimutan.
Bawat hakbang ko papunta sa pinto ng Starbucks, ramdam ko ang kabog ng puso ko. Alam ko na hindi ito magiging madali, at least para sa'kin. Tutal pinaglalapit din naman kami ng unverse, mas maige sigurong hayaan ko na gumulong ang kapalaran ko sa pagkikita namin ni Zee ngayon araw. ngayong araw lang naman diba?
Pero habang umaabot ang mga hakbang ko, may isang bahagi sa akin na nagtatanong kung tama ba ang ginagawa ko—kung tutuloy ba ako sa meet up namin o hayaan ko nalang siya na mabulok dun kaka-antay sa akin? Pero di tama iyon, hindi rin deserve ng batang Zee na tratuhin ng di maganda dahil sa kasalanang di nya pa nagagawa. wala siyang kasalanan, pero wala eh! ako pa rin yung nagdadala ng galit at sakit na dulot ng nakaraan.
Bumuntong hininga ako at pinilit alisin ang mga kalituhan sa isip ko. Kayanin mo Lee! Hanggang sa matapos lang yung project.
Sa loob ng Starbucks, nakaupo kami ni Zee sa isang mesa sa sulok. Tahimik nitong binuksan ang kaniyang laptop habang ako, pilit na tinitingnan ang outline ng project na gagawin namin pero wala akong maintindihan. Ang utak ko'y nasa ibang lugar, at hindi ko magawang mag-focus.
"Okay, so para sa presentation, siguro dapat simulan natin sa—" Tumigil siya bigla nang mapansin niyang wala ako sa wisyo.
"Lee?" sabi nito dahilan upang manumbalik ako sa aking wisyo.
Nagulat ako at nagmamadaling tumingin sa kanya. "Ha? Ano ulit?"
Napabuntong-hininga si Zee, pero pinili niyang maghinahon. "Sabi ko, simulan natin sa background information. Ayos ka lang ba?"
"Yeah, ayos lang. Tapusin na lang natin," sagot ko, hindi tumitingin sa kanya. Pilit kong iniiwasan ang mga tingin niyang parang gustong basahin ang nararamdaman ko.
Tahimik muli. Tanging ingay ng mga tao at ng coffee machines ang naririnig. Maya-maya, tumugtog ang isang pamilyar na kanta mula sa speaker ng Starbucks.
Simpleng Tulad mo by Daniel Padilla..
-Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yoMagmula ng nakita ka'y naakit akoSimple lang na tulad mo angPinapangarap ko ang pangarap ko
Bigla akong natigilan. Bumilis ang tibok ng puso ko at parang nahirapan akong huminga. Isang alaala na hindi ko kayang iwasan ang nagbalik. Isang gabi noong sophomore year namin.
Flashback..
Nasa kwarto ako, nagbabasa ng notes nang marinig ko ang tunog ng gitara mula sa bintana. Sumilip ako at nakita ko si Zee, may hawak na gitara at may ngiti sa labi.
"Zee, anong ginagawa mo diyan?" tanong ko, kunwari naiirita pero halatang curious.
"May surprise ako," sabi niya, sabay tipa ng ilang nota. Nagsimula siyang kumanta, dama ko ang lambing sa kaniyang tinig na puno ng emosyon.
-Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong itoPara sayo dahil..
Bumangon ako mula sa upuan. Nag-uumapaw sa saya ang puso ko habang pinapakinggan ko si Zee sa kaniyang pag-awit. Sa bawat nota, sa bawat salita, parang ako lang ang nakakarinig. Tila nag-laho lahat ng sa paligid ko at siya lang nakikita ko.
Singing is surely not Zee's best suit but the fact that he made an effort to do this dahil alam niyang music lover ako melts my heart.
-Simple lang ang pangarap ko mahalin nang katulad moSana ay mapansin mo dahilSimple lang ang pangarap koMaging ikaw at ako ang tanging ligaya koSimpleng tulad mo la la la..
Ilang araw ko na din siyang kinukulit na haranahin ako kasi 'yun yung dream gesture na gusto kong maexperience when dating. He was so against it kaya hindi ko na siya kinulit pa. To my surprise, he took note of it and now here we are! Gustong ko magtatalon, magpagulong-gulong kasi kinikilig talaga ako pero 'di ko ginawa. Nag pademure muna ako ng bahagya at inenjoy ang pagtatanghal na exclusive lang para sa akin.
"Love! I hoped you like it. I love you!" kanyang hayag matapos umawit. hindi ko na napigilan pa ang aking sarili't akin itong niyakap ng mahigip.
"L-love.. S-salamat!" sabi ko rito habang lumuluha. Anu ba yan! ba't ako umiiyak?
"Deserve mong marinig 'to," sagot niya. "Kasi espesyal ka, Lee."
"Gaano naman ka espesyal?" Tanong ko rito.
"Syempre yung tipong binabahay tapos inaanakan! Kilan ba tayo kasi gaga—" sagot nito ngunit 'di ko na ito pinatapos pa. nakatikim tuloy siya sakin ng batok.
"Anu ba yan! Mga salitang lumalabas talaga jan sa bibig mo" sabi ko
"Aray! Eto ba makukuha ko panghaharana ko sayo? batok?" At nangongonsensya pa talaga ang mokong.
"Hindi" Sagot rito at aking ginawaran ng halik ang kaniyang pisngi. "Sobra mo kong pinasaya Zee! Mahal kita" pahayag ko.
"Mahal din kita Lee!" Sagot nito at kaniya akong hinagkan.
End of Flashback..
-Simple lang ang pangarap ko mahalin nangKatulad mo sana ay mapansin mo dahilSimple lang ang pangarap koMaging ikaw at ako ang tanging ligaya ko (simpleng tulad mo)
Simple lang ang pangarap ko mahalin nangKatulad mo sana ay mapansin mo dahilSimple lang ang pangarap koMaging ikaw at ako ang tanging ligaya koSimpleng tulad mo la la laSimpleng Tulad mo la la la
Simpleng tulad mo..
Muli akong nanumbalik sa kasalukuyan. Nasa Starbucks pa rin kami, pero parang nandoon ako ulit sa gabing iyon. Hindi ko namalayang may luha na tumutulo sa pisngi ko.
"Lee?" tanong ni Zee, puno ng pag-aalala. Yumuko siya at tinitingnan ang mukha ko. "Umiiyak ka ba?"
"Kung may problema, pwede mo namang sabihin sa akin—"
"Sabi nang wala 'to!" putol ko, napatayo ako sa aking naging reaksyon. Nag-echo ang tunog ng upuan sa café na nakakuha sa atensyon ng ilan sa mga kumakain. Agad kong kinuha ang bag ko, hindi tumitingin sa kanya. "Ipag-patuloy na lang natin 'to sa ibang araw."
"Lee, sandali lang—"
Hindi ko na siya hinayaan magsalita. Lumabas ako ng Starbucks at hindi inalintana ang mga tingin ng ibang tao. Naiwan si Zee, tahimik na nakaupo, tinitingnan ang espasyong iniwan ko. Ang kamay niya'y nakapatong sa mesa, nag-iisip kung dapat ba niyang akong habulin.
Sa likod ng mga mata ko, nakaukit pa rin saking ang gabing iyon at marami naming mga masasayang ala-ala. Alam ko, kahit anong gawin ko, ang mga alaalang iyon ay laging babalik sa tuwing magtatagpo ang aming landas.

BINABASA MO ANG
Ikaw Parin Pala
RomanceSi Lee, sa hindi inaasahang twist ng buhay, ay bumalik sa nakaraan-isang chance para ayusin ang mga pagkakamali at baka sakaling maibalik ang mga nawala. Pero habang binabalikan niya ang mga alaala ng barkadahan, kilig, at heartbreak, nare-realize n...