Chapter 5.

28 3 0
                                    

LEE

"San ba tayo pupunta?" tanong ko rito habang nakapokus parin sa binabasa kong libro.

"Basta chillax ka lang jan, malapit na tayo!" nakangiting sagot ni Zee habang  nagmamaneho.

"As much as I love to hindi talaga ako makakapag-pokus kasi itong kamay mo kung saan-saan dumadapo" sabi ko at marahan kong pinitik ang kamay niya. Peste kasi kung hindi sa hita ko, sa tagiliran, leeg, pati kili-kili ko!

"Sorry na! Cute-cute mo kasi habang nagbabasa eh" at kaniya akong mabilis na hinalikan sa pisnge.

"H-huy.. Sira Ulo ka! Baka mabangga tayo!" Sabi ko at pinalo ko ito sa balikat.

"Baby koooo.. Nanggigigil talaga ako sayo!" Sabi niya at may pakagat-kagat labi pa siyang nalalaman.

"Ay kuye wag po! Marufok ako!" sagot ko at pinaliit ko ang boses ko.

"Ang sikip mo dun love ahh!" Sabi nito na bahagyang natatawa.

"Uy Mashikip pa kaya ako!" painosente kong sagot.

"Hahaha talaga ba?" sabay dila sa ibabang labi. "Paluwagin natin kung ganon!" and he says it huskily.

Sinara ko ang hawak kong libro at nakisakay sa trip niya.

"Talaga to.. Wag ka nga!! Baka bumigay ako!" pabebe kong sambit at marahang hinaplos ang binti nito.

"Shet... Hawak palang nagigising na si Jr.!" sabi niya at kaniyang hinawakan ang kamay ko at ginawaran ng halik.

Kinikilig ako...

"Ayoko na nga! Tama na.. Grabe naman to magpakilig kasi..." sabi ko gamit ang normal kong boses.

"Naks naman! Kinilig talaga siya.. Pogi ko naman talaga ohh.." pagyayabang nito. Lakas talaga ng hangin din sa utak nito ehh..

"Hahah Oo na pogi ka na!" nasabi ko nalang at marahang hinaplos ang pisngi niyo. "Gusto ko Cuddle!" sabi ko.

"Da-drive pa ako ehh.. Mamaya promise pag dating natin dun! Gusto mo buntisin pa kita eh.." sagot nito.

"Siraaa.. Cuddle lang eh!! Pag-ako talaga nabuntis!" pagbabanta ko rito. As if naman.

"Edi maganda! Para magkaanak na tayo!" sagot nito. Hindi ko na ito sinagot bagkus nakatitig nalang ako sa kaniya habang bakas ang ngiti sa mukha niya habang nagmamaneho.

Ang gwapo talaga ng hayooop na 'to.

"I Love You Zee!" Sabi ko sa pinaka genuine na paraan.

"I Love you too Lee! Sobra-sobra" sagot niya. My gosh kahit di ako babae,  feeling ko ang ganda-ganda ko dun.

Di ako nakapag-pigil at tinad-tad ko ng halik ang pisngi ko habang tawa ito ng tawa.

I felt so love...







"Uy... Friend! San nanaman lumilipad yung utak mo? Nakatawid na ba yan ng pacific ocean?" Tanong ni Jennie na nagpabalik sakin sa wisyo.

Ikaw Parin PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon