Chapter 5

29 3 0
                                    

__________

Tinulak ko siya palayo sa'kin at nauna na akong lumabas mula sa sulok na iyon. Narinig ko nalang siyang tumatawa sa likuran ko. Naglakad na ako palayo ng walang sinasabi sa kaniya. Sinundan niya ako sa kung saan man ako patungo pero sa totoo lang ay hindi ko kabisado ang eskinitang ito. Nang makalabas kami sa daan ay bigla nalang niya akong hinigit sa aking palapulsuhan.

"Wait, why are you pulling me? Saan mo ako dadalhin?" hindi niya sinagot ang tanong ko sa kaniya at nagpatuloy lang. Sinubukan kong bawiin ang palapulsuhan ko mula sa pagkakahawak niya pero masyadong mahigpit ang hawak niya kaya hinayaan ko nalang siya. Siguro naman ay wala siyang balak na masama sa isang katulad ko.

We went to a small open parking lot and stopped in front of a huge motorcycle, the ones you usually see in a motor race. He handed me a helmet and I had no choice but to hold it. He positioned his self on the motor and waited for me to ride on it too. I didn't follow what he wanted me to do and crossed my arms in front of him.

"Hindi ako basta basta nalang sumama sa hindi ko naman kakilala." Bumaba siya sa motorsiklo at inagaw ang helmet sa kamay ko, siya na mismo ang nagsuot nito sa akin na hindi ko naman inaasahan. Napansin ko lang na lagi kong hindi inaasahan ang mga ginagawa ng lalaking 'to sa'kin. Hindi naman kami close para tratuhin niya ako ng ganito, may kailangan akong malaman sa kaniya pero hindi naman siguro kailangan na ganito kami ka-close.

"I'll send you home safely, may mga humahabol sayo diba?" I thought he had bad intentions, this is also one of problem about the part that I can't read his mind, I only rely on my intuitions about him.

"Fine." sumakay na ako sa motor niya

Binuksan niya na ang makina ng motor niya at sinimulan itong patakbuhin. Nakahawak ako sa bakal sa likod ng motor niya kaso lang ay nakakatakot siyang magmaneho. Masyadong mabilis, lahat nalang walang takot niyang ino-overtake kaya naman pakiramdam ko ay mahuhulog nalang ako bigla. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa tiyan niya bilang suporta para kung sakaling mahulog ako at least damay siya.

Hindi pa man nagtatagal ang pagkayakap ko sa kaniya ay bigla na lang siyang nag-preno. Napahigpit lalo ang hawak ko sa kaniya at tumama ang aking katawan sa malawak niyang likod. Kung dati ay natutumba o nahuhulog lang ako kapag nakakasalamuha siya, ngayon pati ba naman nauuntog?!

I gave him an intense glare through the rearview mirror. "Dahan-dahan sa pagmamaneho." Medyo malakas kong usal malapit sa tainga niya, bigla nalang siyang napa-pitlag pagkatapos kong lumapit sa kaniya.

Tinuro ko sa kaniya ang daan papunta sa apartment ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Bumaba na ako sa motorsiklo niya at inabot ang helmet niya.

"Oh, thank you." Hindi ko siya sinulyapan o tinapunan man lang ng tingin. Nagsimula na akong maglakad palayo nang wala pa rin siyang sinasabi.

"Don't do that." Nilingon ko siya na may halong pagtataka

"Don't do what?" I asked,

"Sudden close contact, you're invading my personal space." I gasped at what he said, talagang kumukulo dugo ko sa mga sinasabi niya ha

"Excuse me, let me just clarify to you that I only did those for safety with no hidden intentions or what, okay?"

"Just don't do it again."

"Fine!" I said with finality and entered my apartment. May nalalaman pa siyang personal space, personal space his face!

______

"Abhaya! You'll hide in our basement, siguraduhin mong walang makakapasok okay?! 'Wag na 'wag mo pagbubuksan ang kahit na sino, maliban nalang kung kami or si Tita Jaica mo 'yon." paalala sa akin ni mama noong 16 years old pa lamang ako

EpiphanyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon