___________
Isang malakas na pagsabog ang narinig namin mula sa harapang bahagi ng bahay at 'di rin nagtagal ay narinig namin ang mga kalalakihang nagmamadali sa pagpasok sa bahay.
Agad na lumapit sa'kin si Noah at hinigit ako patungo sa back door ngunit kailangan pa niyang kalagin ang mga lock sa pintuan.
Nakarinig ako ng mga yapak na papunta sa kinaroroonan naming dalawa. Humarang sa harapn ko si Noah at tinago ako sa likuran niya.
Pumasok ang hindi ko mabilang na kalalakihan sa kwarto kung nasaan kami at tinutukan kami ng mga baril.
"Isuko mo nalang siya! Wala na kayong takas dito!" sigaw ng isa sa mga kalalakihan
"That's not gonna happen." Noah said firmly, isa sa kalalakihan ang biglang humakbang papalapit sa pwesto namin kaya naman napilitan si Noah na gumawa ng aksyon.
Hinugot niya ang isang kutsilyo mula sa likuran niya at binato ito sa lalaki na bumagsak naman agad sa lupa nang tumarak ang kutsilyo sa kaniyang noo.
Tila nagulantang ang mga kalalakihan at sunod-sunod na nagpaputok ng baril. Napahawak ako sa balikat ni Noah nang mahigpit at napapikit habang hinihintay ang pagtama ng mga bala sa aming katawan, lumipas ang ilang minuto at pinakiramdaman ko ang aking sarili at walang naramdaman na kahit anong sakit.
Nagmulat ako ng mga mata at nakitang nakatulala ang lahat ng lalaki habang nakatingin kay Noah na naka-angat ang kamay na tila kinukontrol ang mga bala na nananatiling nakalutang lamang sa ere.
Kinumpas ni Noah ang kaniyang kamay patungo sa pwesto ng mga kalaban at bumalik sa kanila ang mga bala na mabilis na nagsitagusan sa katawan ng mga kalalakihan. Sunod-sunod na nagbagsakan sa sahig ang mga hindi na humihingang katawan ng mga lalaki.
"AHG" daing ni Noah na nasa harapan ko. Pinagmasdan ko siya at nakitang may tama siya ng baril sa kaniyang tagiliran.
Nanlaki ang mata ko sa nakitang dugo na bumabakat na sa puti niyang damit. Hinawakan niya ito at agad ko naman siyang inalalayan.
"You got shot!" Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sitwasyon na ito
Nilagay ko ang braso niya sa balikat ko at tinulungan siyang maglakad. "We need to escape from this place! You need treatment!" Sinimulan ko nang kalagin ang mga kandado ng pinto na patungo sa likod ng bahay.
Natapos din ako sa pagkalag at nang lalabas na kami ay nakarinig na naman ako ng nagmamadaling yapak ng mga kalalakihan.
Dali-dali ko siyang hinila palabas ng bahay patungo sa kagubatan.
We continued running away from the people chasing us into the dark side of the woods not knowing where to head towards. Funny how the rain is actually pouring hard making it even harder for us to see the way clearly. It's like we were destined to experience something extremely awful as this. My mind started wondering why it had to be us, out of all the people in the world, why us? Why now?
The weight of his arms around my shoulder is starting to feel heavier as I try to support him in running. I can hear him breathing heavily as we try our best to run away from them.
"We'll get through this okay? Just don't give up now." I whispered to him. I was expecting a nod but I never felt any other movement from him. Napasulyap ako sa damit niya na kasakulukuyan ng punong-puno ng kaniyang sariling dugo. Hindi ko man lang inaasahan ang napakabilis na pagbabago ng mga pangyayari, earlier I was just thinking about how he looked so good on that shirt not until in a snap of a finger, everything is suddenly ruined.
Parang kanina lamang ay masaya kaming nagu-usap sa pagaakalang ligtas na kami pero ngayon ay tumatakbo na sa isang madilim at maputik na daan para lang matakasan ang mga humahabol sa amin.
BINABASA MO ANG
Epiphany
Teen FictionMeet Abhaya Silva, a girl who has an ability normal people can never do in this world. She lives in the City of Felidad, a city full of hidden secrets of the people residing in this place. Her story begins as she encounters a man named Noah, a guy w...